by: Anon
Totoo nga ang sinasabi nila na pag dating ng college mas lalong magiging mahirap ang buhay ng isang estudayante. Mahirap mag maintain ng career lalo na kung DL ka, mas mahirap na lessons at sobrang stress, ma hohomesick ka kung nasa dorm or boarding house ka. Anyway this is my first day , ako nga po pala si Mark(real name ), 16 at first year college 5’6 maputi at bi. Sinadya ko talagang pumasok ng maaga para naman makalibot pa ako sa campus at mahanap ang ibang classs rooms ko sakaling abutin pa ng time. 30 minutes before the class nakarating na ako sa campus para sa first class ko sa hapon. Hindi ko pa alam room ko kaya hanap muna ako.Nahulog yung papel ng class schedules ko. Pinulot ito ng isang matangkad na lalaki, siguro 6feet tall ,maputi at di mo talaga makakaila na gwapo siya. Agad niya namang binigay sakin yung sched ko. “salamat” yan lamang ang naging tugon ko. Tinanong niya ako kung kailangan ko raw ng tulong, sabi ko wag na pero naisip ko rin na kailangan ko kasi di ko alam yung ibang ang rooms ko saka di ko pa na tour tong university. So ayun , nagpakilala siya formally, Genio Tan raw ang name niya 21 years old daw sya at 5.th year student ng Engineering. Matapos niyang maturo sakin ang rooms , nagpasalamat din ako sakanya at dali daling pumasok sa next class ko. Naging madalas ang pagkikita namin lalo pa kapag Tuesday at Thursday kasi magkalapti lang ang rooms namin.Pansin ko ring mabait siya at palakaibigan kasi mahilig siyang bumati ng “hi o hello” with matching smile pa. Nalaman ko rin na matinig pala ang name nya siguro dahil gwapo talaga at matalino. One time, mahaba haba yung vacant naming at naisipan kong maupo muna sa Acacia tree at mag advance reading ng may biglang kumalabit sakin. “Ikaw na masipag mag aral”
wika niya. “Hindi naman ikaw nga ang mas matalino” ang sabi ko. Pi-nat niya lamang ang ulo ko at nagsabing ang cute ko raw. Friends na rin pala kami. Mas lalo kaming naging magkalapit ng minsang may nagtext sakin at nalaman kong siya pala yun at sinabing nakuha nya raw ang number ko sa classmate ko kasi pinsan niya pala. Dahil sa pagiging mabait niya at malapit sa kin ay unti unti akong nagkaka crush sakanya.Madali kasi ako ma fall sa mg taong totoong mabait sa akin. Dumating ang september at napapadalas ang pagtetext niya sakin .Tinutukso na nga kami ng mga classmates ko kasi madalas kami nagkukulitan pag vacant namin sa tambayan naming acacia tree. Ito lang ang naging tugon ko sa kanila “kuya ko to.”Mas lalo ko rin siya nakilala, isa pa lang ang naging girlfriend nya .
One time may event nun ang department namin at di ako dumalo kasi di ko feel. Nag mukmok lang ako mula umaga hanggang maghapon .Siguro bandang ala otso ng gabi, inaantok antok na rin ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng boarding house na tinutuluyan ko. Wala naman akong sinabihan sa mga kaibigan at kaklase ko na pumunta sa akin. Agad ko namang binuksan yung pinto at si kuya Genio lang pala. “Napaano at napadalaw ka kuya? Gabi na rin.” ang sabi ko. “ Wala lang kasi akong magawa saka boring din dun sa bahay namin” ang sabi niya. “Tuloy ka po kuya” wika ko. “Kung gusto mo po kumain kuya, meron jan ,kain ka lang po “. Sa mga oras na yun grabe na yung antok ko . “Saka pala kuya medyo inaantok na rin ako , kung uuwi kana po mamaya isara mo nalang po yung pinto” . At yun nga nakatulog na ako.Medyo naalimpungatan ako kasi may nakayakap sakin . Hindi pala umuwi si kuya genio. Pilit ko siyang ginigising pero sa halip na bumangon eh hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap at siniil niya ako ng halik. First time ko maexperience ang mahalikan at sa crush ko pa. Wala siyang tugon at di ako makahinga ,parang nanggigil siya sa halik. Parang nahihiya ako kasi bakit niya yun ginawa sakin . Ewan iba yung feeling that time. Bigla siyang nagsalita at nagsabing “sorry bunso di ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko sayo, masyado kang mabait sa akin at alam ko na sa simula't sapul pa lang ee bawal na tong pinasok kong sitwasyon pero wala akong pakialam kasi mahal na kita kahit ilang buwan pa lang tayo nagkakilala at nagkasama.” Masyado akong naguluhan that time sa mga sinabi niya, pero bago pa man bumuka yung bibig ko para magsalita ee siniil niya na naman ako ng halik dahilan para mapigilan ang sisimulan ko na sanang pag sasalita. Hindi ko alam pero napapalaban na rin ako sa mga halik niya. Tanging mga bulong niya sa tenga ko ang naririnig ko “ I love you bunso” na paulit ulit na rumirehistro sa utak ko. Ewan ko pero siguro nakatulog na ako, basta ang alam ko lang ee pag ka gising ko ee wala na si kuya at tanging note na lamang ang nakapaskil sa may cabinet ko. “ Salamat bunso, pasensya sa abala . I love you” Napangiti ako pero parang may nagsasabi sa akin na wag kong itutuloy ang sinasabi ng aking puso.
Pumasok ako sa klase ko at nakasalubong ko si kuya ngunit parang may hiya akong nararamdaman . Nilihisan ko siya . Naging ganyan ako sa kanya ng almost 4 months. Kailangan ko mag isip kasi naguguluhan talaga ako sa inaasal ni kuya sakin. Bakit ako pa? Bakit di nalang sa babae? Hindi ba ito kasalanan? Siguro sa sobrang pag iisip eh nakatulog na naman ako. Kalagitnaan na ng second semester at ganun pa rin ako kay kuya kahit di ko na kaya. Namimiss ko na ang kulitan namin. Nababanggit din sakin ng kaklase ko(yung pinsan niya) na madalas daw galit at mainipin si kuya Genio. Sabi ko naman baka may problema lang si kuya. Hindi na ako masyado nagpapaapekto sa mga sinasabi ng pinsan niya na classmate ko kasi parang nakokonsensya ako at naaawa . Ni text di ko siya nerereplayan.First week ng march, napunta ako sa department ng Engineering para kunin yung flashdrive ko sa classmate ko dati kasi kailangan ko. Gabi na rin yun siguro mga past 6. Alam ko medyo busy na rin sina kuya kahit di na kami naguusap ee alam ko yun kasi graduating na siya.Dire-diretso ako sa hallway ng may biglang humila sa akin. Natakot ako sa una dahil baka mga fraternities pero kalaunan ee kinagulat ko dahil si kuya Genio lang pala.Malungkot ang kanyang mukha at seryoso. Hindi ako makapagsalita kasi parang umurong ang aking dila. I want to say sorry to him pero di ko magawa. Nagsalita siya “ Anong problema Mark?( tinawag niya na ako gamit ang pangalaan ko)”. “wala po kuya” sagot ko. “Anong wala ? Eh hindi mo ako pinansin ng halos apat na buwan. Bakit? Dahil ba dun sa halik?”. “ Ewan kuya, naguguluhan na po kasi talaga ako” sagot ko. Naiyak na talaga ako, hindi ko na kaya. “Alam mo kuya iniiwasan kita kasi alam kong mali iyong ginawa natin. OO aaminin ko mahal na rin kita pero mali pa rin kasi. Ano ang magiging tingin ng mga tao sa atin lalo na sayo? Ayokong masira ang image mo kuya kasi mahal kita. Sapat ng nakilala kita at naging magkaibigan tayo. Sana naiintindihan mo ako. Sorry kuya.” Hindi ko namalayan umiiyak na rin pala si kuya. “Bakit ganun? Hindi mo ba ako kayang pagbigyan? Mark mahal kita”. Iyak pa rin siya ng iyak ganun din ako. “ Iniwasan kita kuya dahil gusto kong pigilan ang nararamdaman ko sayo . Sorry. Sana mapatawad mo ako”. “Bakit mo pinipigilan? Handa akong mahalin ka”. “Pinigilan ko kuya dahil MALI.”Pero bago ko masabi ang huling salita na MALI ay niyakap niya ako bigla ng pagkahigpit higpit. “Sorry bunso masyado akong naging mabilis. Naiintindihan kita pero sana sinabi mo sa akin agad para di ako nasasaktan ng ganito.” “sorry talaga kuya”. Bigla siyang nagsabi “ pwede ba ganito tayo kahit sa huling pagkakataon ay Kuya at bunso pa rin tayo?” . Naguguluhan na naman ako kaya tinanong ko siya, “ bakit kuya?”. “Kasi after graduation ee dun na ako sa Germany with my dad” sabi niya. Para akong nabingi sa sinabi niya kaya umiyak na naman ako. “ Sige po kuya, pagbibigyan kita:(“.Umuwi ako ng humihikbi pa rin na parang bata , mabuti nga at madilim na rin at konting konti nalang yung students sa campus at walang nakakita sa amin. After that incident, naging okay ulit kami ni kuya,pinagbigyan ko siya sa huling pagkakataon. Dumating na nga ang graduation ni kuya at masaya ako para sa kanya. Biglang nag flashback simula nung first day ko siyang nakilala ,yung kulitan namin at harutan. Para akong tanga kasi naluluha na naman ako. Tapos na ni kuya iaccomplish lahat ng documents papuntang abroad kasi matagal na rin pala nyang pinaghandaan , eto na naiiyak na naman ako. Sa huling pagkakataon, sinabi ko sakanya “Kuya, I love you. Ingat ka dun at sana hindi mo ako makalimutan”. “Hinding hindi kita makakalimutan Bunso. Mananatili ka rito (sabay turo sa puso). Mamahalin at mamahalin pa rin kita. Alam ko magkikita pa rin tayo sa hinaharap. Hindi ako mag papaalam kasi I'm not letting you go.I love you Mark” . Hinug niya ako at nagulat ako kasi hinalikan niya na naman ako pero dampi lang. “Salamat Kuya”. Nang sumunod na araw ay yung flight niya na .Umiyak talaga ako. Masakit nga pala talaga pag nag mahal pero alam kong tama ang ginawa ko. Alam ko time will come to help me move on . Masaya ako para kay Kuya Genio at mananatili siya dito sa puso ko.
Salamat mga ka-PGS readers! Pasensya na kung mahaba at di kalibugan ang kwento. Salamat sa nagtiyagang magbasa at tinapos.
If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send them at gaypinoystories@gmail.com.
We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.
Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.
Post a Comment