Everybody Loves Julian Part 3 (END)

By: J.E.

CHAPTER 3

When I opened my eyes in the morning, something was different..

It was the light.

Sobrang gaan ng pakiramdam ko.
Hindi na umuulan, maliwanag na ang paligid

At alam ko hindi lang yun ang nagpagaan ng pakiramdam ko.

Kun hindi ako magsisinungaling sa sarili ko, ang isang dahilan doon ay si Ethan.

I don't know what's wrong with me, pero crush ko na talaga si Ethan.

THE FCK?? CRUSH?? ANO KA JULIAN? SOME GAY IN HIGH SCHOOL?

Pagkatapos ko mag bihis pang school, bumaba at pumunta sa kitchen.

Doon ko naabutan si Dad, nagkakape at busy sa pag l-laptop.

"Oh, anak Good Morning. Grab your breakfast na para makaalis kana kaagad." Mabilis nyang pagkakasabi.

"I'm sorry hindi kita nasabayan mag dinner last night. May binili kasing property ang corporation natin at medyo nag ka problema dahil sa mga media."

"Okay lang po Dad, uhmm Well I hope everything's going alright."

"Don't worry anak, everything is in place! Grab your breakfast Julian, your going to be late."

After ko nag breakfast, pumunta narin ako sa kotse daladala ang rain coat ni Ethan.

Ibabalik ko ito sakanya kapag may chance na magkasalubong kami sa school.

Napaka-aliwalas ng daan habang ako'y nagmamaneho. Nakarating naman ako ng school ng mabilis.

Pag pasok ko sa building ng school, as usual nakatingin sila sa akin. At ang mas nakakahiya is halos lahat sila nakatingin at tila mag pinagkkwentuhan nanaman.

May naririnig ako sa isang babae na "I can't believe natalo nila ang VDW & W Corp."

"He seems very quite but he's cute like his father" ang sabi naman ng isang babae na naglakad sa harapan ko.

Unti unti nanaman akong namumula habang sa paglalakad ko ng pabilis ng pabilis.

Bakit ba lagi nalang ganito ang pinaparamdam ng school sakin na ito! Isang buong araw nanaman akong magtitiis sa kahihiyan!

Habang naglalakad ako ng mabilis papunta sa room ko dalawang babae ang humarang sa harapan ko at tila nakatingin sakin ng matataray habang ang isa ay nakapamewang at ang isa naman ay naka cross arms.

"What a coincidence.. look who's here Serena"
Sabi ng isang babae na may dark brown hair at mestisa na may kaliitan pero ubod ng ganda.

"Well is it the only son of Mr. Aguilar, the son of the number one competitor and threat of VDW & W Corp." Dagdag ng isang babae na matangkad, blonde hair at mestisa habang naka pamaywang. 

"Your Dad is really turning into inconvinient and  pain in the ass. You better not get in our way you little specimen." Dagdag ng matangkad na babae.

"B T W.. In case you didn't know us. I'm Blair and this is Serena. Close friends of Ethan and Emmet Wilson and also our parents is one of the board of directors here in Middleton Law School."
Sabay lapit sakin at mahinang sinabi "See you around" at biglang dumaan sa gilid ko.

Lumapit naman sakin si Serena sabay sabing "You better watch your back." At umalis habang dumaan sa gilid ko.

Natulala ako ng ilang segundo at naramdaman ko na pinagpawisan ako ng butil butil.

Bakit ganun nalang sila kagalit sakin?! Meron ba akong malaking kasalanan sa kanila?!

Ayoko na talaga dito!! Gusto ko nang umuwi sa aamin.

Bigla kong naalala na wala na pala sila mommy at john, lumipad na sila ng USA. All I have is my Dad and my life here now.

Wala nakong choice kundi tiisin lahat ng nangyayare at mangyayare sakin dito.

I'm in my Dad's world now. Wala nakong magagawa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa classroom namin.

Pagpasok ko sa classroom, lahat sila nakatingin sa akin, may nakit pa ako sa laptop ng isang student na picture at nasa loob noon at ang picture ni Dad, ang pangalan nya at ang building na ipapagawa nya.

Biglang lumapit sa akin si Asher " Wow man! You do really have a death wish!"

Pumapalakpak papalapit si Connor sabay sabing "You're Dad is so impressive Julian, na turn-down nya ang project ng VDW & W Corp."

"H-ha??? Paano nangyari yon??" Pautal utal kung pagtatanong.

"Your Dad bought the land on a higher price and now your Dad's project will officially confirmed and soon will rise" nagsasalitang lumapit si Laurel.

"And now VDW & W Corp. is out of the picture! Wait how could you not know this?! You're the son of Philip Aguilar!" Pagalit na sabi sakin ni Michaella.

"Ahhh eh, uhmm.. alam ko lang may pinapatayong property si Dad.. yun lang.."
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil wala naman talaga akong alam! Kanina ko lang umaga nakausap ulit si Dad.

Biglang pasok ng professor namin at lahat kami ay nag siupuan na.

Baka kaya nagmamadali kahapon si Ethan. Nagka problema sila dahil sa pagbili ng property nila ng kumpanya ni Dad.

Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap kay Ethan.

Hanggang sa nag start na ang class habang ang utak ko'y lumilipad kakaisip.

Natapos ang klase ng lumilipad parin ang utak ko.

Hanggang sa naisip ko ano ang second subject after nito.

SHT! OO NGA PALA! MAGKATABI KAMI NI ETHAN SA SEAT PLAN!!

Bigla akong nabuhayan at kinabahan. Ano sasabihin ko sakanya?! Pano ko magsisimulang makipagusap sakanya?!

Hanggang sa naalala ko ang rain coat nya na naka sabit sa likuran ng upuan ko.

Tama! Eto nalang ang gagawin kung panimula sa  pakikipagusap sakanya.

Teka JULIAN! Bakit gusto mung makipagusap sakanya? Kanina ang plano mo lang naman ay isoli ang rain coat nya yun lang! Matinding pagtatanong ko sa utak ko.

Pagkatapos ng class namin, dumiretcho kami sa cafeteria at nagmiryenda.

Habang nasa table kaming lima, napansin ni Connor ang nakapatong na rain coat sa ibabaw ng aking hita

"Julian, alam mo hindi ko maintindihan.. Why you still have your rain coat with you? tirik na tirik sa labas ang araw"

"Ahh.. eh.. w-wala. Baka kasi  umulan mamaya kaya naisipan kung magdala" utal utal kung pagsagot sakanya.

Ayokong sabihin sakanila na kay Ethan yun, ayoko nang magkaroon pa ng dagdag na issue. Kontang kota nako ngayong araw.

Ayoko din na dumagdag pako sa problema ni Ethan ang ng family nya.

Mabuti nalang din at busy ang tatlo sa pag c-cell phone at hindi narinig ang patatanong ni Connor.

Natapos ang vacant namin at nag decide na kaming pumunta sa room.

Bakit napaka bibilis nilang mag lakad! Ayoko pang pumasok!!

Hindi pako nakakaisip ng tamang dahilan para kausapin si Ethan.

May mukha paba kong mahaharap after ng ginawa ng comoany ni Dad sa company nila?

Wala nakong nagawa at nagsipasukan na kami sa room.

Huminga ako ng malalim bago ako pumunta sa upuan ko.

Natigilan ako ng nakita ko sya na nakaupo!!

Fckk!!! Sandali! Teka! Wait lang!

Ako nalang ang naiwang nakatayo sa likod at bukod tanging naiwan sa likod.

Teka mag c-cr na muna ko.

Nang biglang pumasok na ang professor namin.

Shtt. Wala nakong choice.

Dahan dahan akong bumababa papunta sa upuan ko.

Madadaanan ko muna ang upuan nya bago ako makarating sa upuan ko.

Kung bakit naman kasi magkatabi pa kami!!

Nakaharang ng kaunti ang kanyang paa, nang tungin sya sakin at nakitang dadaan ako sa harapan nya.

Doon ako nanghina ng hindi nya inasog ang kanyang paa at binalik ang tingin sa harapan.

Bakit hindi nya ko pinansin? Bakit hindi na nya ako nginitian?

Naka upo ako ng walang ginagawang ingay.

Hindi sya lumilingon sa akin.

Nararamdaman ko ang kaba ko at ang pagtulo ng pawis ko sa likod.

Hangang sa inayos ko ang pagkakaupo ko, binaba ang aking bag at huminga ng malalim.

Naglakas na ako ng loob na kausapin sya.

Tumingin ako sakanya, at ayun parin sya nakatingin sa professor namin ng parang iritable.

"E-Ethan.. naiwan mo pala kahapon yung rain coat mo.."

Hindianlang sya lumingon at walang nagbabago sa pwesto nya.

"Ibabalik ko na..." mahinahon kong pagkakasabi at inabot sakanya ang rain coat nya.

"You can keep it." Pagkakasabi nya ng mahina at nakatingin parin sa professor namin ng iritable.

"H-hindi... s-sayo ito Ethan. Naiwan mo lang naman. Heto oh?.." nakaangat parin ng bagya ang aking braso at hawak hawak ang kanyang rain coat.

"I said keep it." Bigla syang tumayo sa upuan at naglakad palabas ng room.

Naiwan akong mukang tanga sa upuan ko at napansin kung nagbubulungan ang mga tao na naka upo sa likod.

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig ng tawagin ang pangalan ko.

"Mr. Aguilar, if you have something important to do. Kindly leave the room. I don't need inconsistent and unfocused student here in my class" sabi ng professor namin na masamang masama ang tingin sakin.

Kasabay noon ang paglingon ng mga ulo ng mga tao sa akin.

"I-I-m sorry Sir.. uhmm Sorry po." Yumuko ako at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking muka.

Few seconds nawala na sakin ang atensyon ng buong klase.

Pero eto parin ako, hiyang hiya at gulong gulo ang pagiiisip.

Bakit umalis si Ethan? Ayaw na nya ba akong makausap? Makita?

Bakit ganito ako kaapektado sakanya??
Bakit ganito ako nasasaktan??

Natapos ang klase at nagalisan ang ibang tao sa room ng hindi ako umaalis sa pwesto ko.

Hindi ko kinaya ang kahihiyan na nangyari sakin kanina.

Kitang kita ko sa gilid ng paningin ko na lumilingon ang ibang student sa akin.

Hiyang hiya ako at nanatiling nakayuko.

Bakit nangyayari sa akin ito?

Hindi ko talaga lugar ito. Hindi ako nababagay sa lugar na ito.

Madaming gumugulo sa isipan ko.

Nang biglang lumapit ang apat saakin.

"Julain? What happened earlier? Malabo naba mata ko o talagang kinakausap mo si Ethan Van Der Woodsen?" Pagtatanong sakin ni Michaella"

"Kanino ba talaga yang rain coat nayan Julian? Is that Ethan's??" Pagtatanong ni Laurel.

Nakatingin lang sakin si Connor at basang basa ko sa muka nya na alam na nya ang storya dahil sa ngiti nya.

"Dude, answer us. What happened? Naging center of attention ka kanina during class!" Tumabi sa pagkakaupo ko si Asher.

"Let me correct that bro, Julian is a phenomenon in this school since he got here yesterday." Biglang pagsasalita ni Connor habang naka naka cross arms at may sarcastic na ngiti.

Hindi ako makapagsalita at makaisip ng dahilan sa kanilang apat.

Ayokong sabihin sa kanila lahat ng nangyare simula kahapon ng yayain ako ni Ethan sa coffee shop.

Wala akong mukang maiharap sa kanila.

Kaylangan ko mapagisa at magisip isip.

"Guys, I'm really sorry I can't answer all your questions. Sorry I have to go, uuwi na muna ako. I'm not feeling well."

Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko na masama ang pakiramdam ko.

Bigla akong tumayo at naglakad palabas ng room at ng building papunta sa parking.

Habang malapit na ako sa main entrance ng building kug saan ako lalabas, nakita ko sa gilid sila Serena, Blair at Emmet!

Fckk!

Natigilan ako paglalakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta!

JULIAN! THINK! THINK!!

Inikot ko ang aking mata ng makita ko ang emergency door na kaunting naka bukas.

Dali dali akung tunakbo papunta ng tumambad sakin ang dead end na wall at hagdang papa akyat!

Lalabas pa sana ako ng naririnig ko ang noses nila Serena at Blair na nagtatawanan malapit sa pinto.

Wala na akong choice kundi tumakbo papa akyat ng hagdanan.

Hindi ko alam kung saan papunta itong hagdanan na ito.

Pero wala nakong choice kundi magtuloy tuloy sa pag akyat ng hagdanan.

Haggang sa nakarating ako sa taas, namangha ako sa nakita ko.

Malamig ang hangin at kitang kita ang mga malalaking building na pumapalibot sa school.

Maluwag ang espasyo nito at may iilang upuan at mga halaman sa gilid gilid

Naglakad ako sa gitna habang hingal na hingal kakaakyat.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib dahilan para maluha ako.

Hanggang sa hindi ko kinaya at sumigaw ng napakalakas!

AHHHHHHH!!!!!!! AAAHHHHHH!!!!!!!! AYOKO NA!!!!!!!!!!!!

Umaalingawngaw ang boses ko sa buong roof.

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng dibdib ko na puno ng hinanakit

Tumulo ng tumulo ang aking luha ng tuloy tuloy.

Homesickness  and tiredness was all in my chest.

Nang ako'y unti-unting nahimasmasan, naupo ako at tumingala sa kulay asul na langit.

Nagbuntong hininga ako ng napakalalim at pinakawalan ang hangin ng dahan-dahan.

You got this Julian, get it together. Wala nang ibang magtatanggol sayo kundi ang sarili mo.

"Hell of a second day ha?"

Biglang may pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko dahilan para ako'y magulat at lumingon sa likuran ko.

Napanganga nalang ako ng makita ko si Ethan na nakatingin sakin at naka sandal sa wall at nakaupo.

Gulat na gulat ako at walang masabi.

NARINIG NYA ANG PAGSIGAW KO AT BAKA NAKITA DIN NYA ANG PAGIYAK KO!

"B-bakit ka nandito Ethan?" Utal utal kong pagkakasabi.

"You're not the only one who needed to be saved down there." Sagot nya sa tanong ko

"Kanina kapa nandito?" Hiyang hiya kong pagtatanong.

"It's alright!" Sabay nagpaka wala sya ng ngiti.

Naglakad sya papunta sakin at kinuha sa kamay ko ang hawak hawak kong rain coat nya at sinuot.

All of a sudden naging seryoso ang muka nya.

"I'm sorry if I embarrassed you earlier. I just don't want others see you getting involved with me.."

"O-okay lang.. naiintindihan ko Ethan. Ako nga dapat mag sorry sa'yo.. dahil sa company ng Dad ko na turn down lahat ng projects ng company nyo.. I'm sorry." Napayuko nalang ako at hiyang hiya sakanya.

Bigla syang umupo sa tabi ko.

"You really think I'd get mad about that. It's my dad's problem and not mine. Pero lagi nya akong simasama sa problems ng company, the company I don't want to get involved and caged for a long time."

Tumayo sya at naglakad ng ilang steps at tumingin sa langit.

"I know it's a kid stuff but sometimes I'd really like to become a flying bird."

"Free, can always do what it wants and go  wherever it  wants to be."

Bigla syang nagpakawala ng malalim na hininga.

"But in my case, here I am. Caged and flightless bird"

"I was around 12 when my mom died in a accident."

Kinagulat ko ang sinabi nya. Ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib nya.

"And after what happened to mom, everything was changed. Naging workaholic si Dad, my older sister went to abroad for college and I was still there, left."

"I'm sorry..."mahina kung sabi.

Natawa sya bigla ng bahagya

"You don't have to feel sorry for me, Julian."

"I was the one who chose not to move on, I just really love my mom and I just couldn't accept the fact na wala na sya."

"You know, since the accident wala pakong napapagsabihan ng sentiments ko until you came and got stuck here with me on the roof. So... thank you for listening"

Sabay tumingin sya sakin at ngumiti.

Nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita sya. Hindi ko alam isasagot ko sa mga naririnig ko galing sakanya.

"Let's get out of here, Julian." Bigla nyang sabi habang nakatingin parin sa langit.

"H-ha??" Nagtatako kung pagatanong sakanya.

"Let's get out of town, I'm sure you want too.
It's not like we got big plans but just for today.."

Bigla syang tumingin sakin.

"Let's get lost.."

"Ngayon?? Saan??" Nakanganga parin ako.

"It Doesn't matter?" Sagot nya sakin ng biglang pumunta sa aakin at hinawakan ang kamay ko't hinila.

Tumatakbo kami pababa ng emergency stairs habang hawak hawak nya ang kamay ko ng mahigpit.

BAKIT HAWAK HAWAK NYA ANG KAMAY KO? SAAN KAMI PUPUNTA?

Tila nags-slow motion ang mundo ko habang tumatakbo kami pababa sa hagdanan.

Ang atensyon ko lamang ay nasa kamay naming dalawa na magkahawak at sa ngiti nya na mukang na e-excite sa gagawin namin.

Pagbaba namin, dumaan kami sa pinakalikuran ng building patungo sa parking.

"Nasa gawing likuran pa ang kotse ko Ethan" sabi ko sakanya habang kami'y tumatakbo parin.

"No, we'll take my car Julian" he replied habang hawak hawak nya parin ang kamay ko at tumatakbo papunta sa kotse nya.

Kinuha nya ang car key mula sa pocket nya at pinindot ang unlock button dahilan para umilaw ang isang black mercedes na kotse, 90's na design ito pero ang classic ng pagkaganda ng kotse nya.

Binitawan nya ang kamay ko bago nya binuksan ang pintuan.

Tumingin ako sakanya habang hawak hawak nya ang bukas na pinto ng kanyang kotse 

"This is it, Julian. Let's drive the hell out of this town!" Sabay nag step back sya at pinapasok ako sa kotse nya.

Bago nya isara ang pinto, yumuko sya at timingin sakin..

Binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti sabay sarado ng pinto.

Hindi ba malinaw sa kanya na lalaki ako at sa pinapakita nya sakin ay parang ginagawa nya akong babae.

Fckk! Mahirap man aminin pero kanina pako ako kilig na kilig sa nga ginagawa nya!

Saan kami pupunta? Hindi ko alam kung saan kami dadalin ng mga paa naman, wait no. Hindi ko alam kung saan kami dadalin ng apat na gulong ng kanyang kotse.

Bigla nyang binuksan ang pinto ng driver's seat at umupo sa tabi ko.

Biglang nag-ring ang kanyang phone. Sabay kaming tumingin sa phone na hawak-hawak nya.

Nakita ko na ang nakalagay ay "Dad".

Bigla nya itong pinatayan ng call at sabay pinatay ang kanyang phone.

Pagkatapos ay tumingin sya sakin sabay sabing 
"No turning back."

Binigyan ko lang sya ng ngiti at humarap sa harapan ng sasakyan.

After few seconds, nag tataka ako bakit hindi nya pa pinapaandar ang kanyang sasakyan.

Tumingin ako sa kanya ng makita ko na nakatingin sya sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng ako'y kilabutan sa napakaseryosong pagtingin nya sakin.

"B-bakit?" Naka nganga nanaman ako na nakatingin sakanya.

Unti unti nynag inalapit ang kanyang katawan sa akin habang nakatingin ng seryoso.

Bigla ako akong tumingin sa harapan at pumikit upang makaiwas sa kanya.

Naramdaman ko na kinabit nya ang seatbelt sa katawan ko.

Dumilat ako ng maabutan kung hinihigpitan nya ang seatbelt ko sabay sabing..

"No escaping now" pagkatapos ay nginitian ako.

FCKK JULIAN! TIISIN MO!

GUSTO KO NA TALAGANG MANIWALA NA NANANAGINIP AKO!!

Pinaandar na nya ang kotse at umalis sa parking ng school.

Nagtext narin ako kay Dad na baka gabihin ako sa paguwi at ang dinahilan ko ay mag-ddinner kami ng mga classmate ko.

It was 2 pm in the afternoon and sobrang init. Pero mas nakakaramdam ako ng init ng katawan sa hiya at kilig kahit sobrang lakas ng aircon sa loob ng sasakyan nya.

"We'll grab something to eat, any suggestions?" 
Bigla syang nagtanong sakin habang nag d-drive.

"Uhmmm, ikaw ano bang hinahanap ng tiyan mo?" Nahihiya kung suggest baka di nya magustuhan magustuhan.

"I'd like to try something na hindi ko pa nakakain or na ttry.. mag suggest ka Julian"

Ano ba nga hindi nya pa nakakain? E lahat ng mamahalin na pagkain na kain na nya ata.

Nagisip ako ng nga pagkain dati sa amin na masarap kainin.

Naalala ko ang paborito ni mommy na Siopau na asado! Shit baka hindi naman nya magustuhan yun!

"You got something on your mind Julian, spill it out" pagkakasabi nya ng nakangiti habang nag ddrive.

"Kumakain kaba ng Soipau?"
Nahihiya kung tanong sakanya.

"What? Sio.....pau..?" Pagtatanong nya sakin ay halatang hindi nya alam kung ano iyon."

"Ako na bahala, sabi mo gusto mo magtry ng di mo pa nakakain diba?"

"I like the way you think Julian, so impress me! San tayo makakahanap ng Sio..pau  mo?"

"Pumunta ka sa kahit saang convenient store kahit sa 7Eleven."

"Sure, meron akong alam outside the city. 30 mins away pero same way din ng pupuntahan natin.."

"Saan ba tayo pupunta Ethan?" Tanong ko sakanya.

"You'll know when we got there" nakangiti lang sya na nag ddrive.

Less than 30 minutes nakarating na kami sa 7eleven.

"Ako nalang bababa at bibili, dito kanalang."

"Okay, got it! Thanks!"

Hmm! Kundi lang kita crush e! Nakakainis yang mga pangiti ngiti mung ganyan!

Nakapasok nako sa 7eleven at bumili ng siopau na asado. Naisip ko bumili ng tatlo in case na magustuhan nya at bumili ako ng slurpee. Natawa ako ng maisip ko lahat ng mga pinagbibibili ko, sana nga magustuhan nya.

Paglabas ko ng pintuan ng 7eleven, napatulala ako at napangiti ng makita ko na walang bubong ang sasakyan nya.

Kasunod nun ang pagtingin ko sakanya.
Inayos nya ang buhok nya at hinubad ng tuluyan ang kanyang rain coat.

FCK napakagwapo nya bakit ganun?! Totoo ba tong nangyayare na ito?!!! Ayoko ng magising kung panaginip ito!

Hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko at nakatingin lang sakanya.

"We'll travel in style Julian, let's go!"

END

If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send them at gaypinoystories@gmail.com.

We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.

Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.