By: J.E.
CHAPTER 2
Biglaang pumasok ang Professor namin dahilan para maputol ang usapan namin.
Awkward na awkward ako kaya pinili ko naring tumingin sa harapan.
Pero kitang kita ko parin sa gilid ng mata ko na nakatingin parin sya sakin.
Napakadami nang sinasabi ng professor namin pero wala ni isang word ang naiintindihan ko dahil ang nasa atensyon ko ay si Ethan na nakatingin sa akin!
Bakit nya ako tinitingnan?? May kaylangan ba sya?? May gusto paba syang tanungin??
Hanggang sa napaayos ako ng upo at nag ayos ng damit.
Dahilan sa biglang pagiwas nya ng tingin sakin at nagbuntong hininga.
Natapos ang class namin ng hindi ko sya nililingon o kinakausap pero aminado ko na nasakanya lang ang atensyon ko.
Habang nagaayos ako ng gamit, nakikita ko na nakatingin sya sakin ng biglang kinausap sya ng isang lalaki.
"Bro , let's go! Hurry up!"
Tumingin
ako sa lalaki na nasa harapan ko.
Si Emmet Wilson pala!
Napakagwapo ng lalaking ito, ganun din ka seryoso ang kanyang mga mata na nakakapag patakot sa nga taong titingnan nito.
Bigla akong
yumuko at nagayos ulit ng gamit.
Naiilang nanaman ako, bakit naman kasi ito pang upuan ang napili para sakin!
"Well looky here! Is this the one that the whole campus buzzing around?" Pagkakasabi nya ng mahina at nakakatakot na boses.
Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na si ethan at nagsalita "Yeah! He's finally here, he seem so quite and reserved so don't bother him Emmet."
"Wait, you already talked to him? Do you have any plans introducing me to the only son of Mr. Aguilar?" Pagtatanong nya na may pagkahalong sarcastic.
Tumingin ako kay Ethan at dun ko din nalaman na nakaingin din sya sakin na may halong pagaalala.
"Julian.. I'm sorry. It was really nice to finally meeting you seatmat!" Sabi nya sakin at tinapos ng isang matamis na ngiti.
Hindi ko alam sasabihin ko sakanya, naghahalo halo ang utak ko sa pagiisip kung ano sasabihin ko hanggang sa binigyan ko nalang sya ng awkward na ngiti.
Bigla syang pumunta kay Emmet at pinatalikod at mahinang tinulak para maglakad palabas ng room.
"Common dude! Let's go!"
At naka labas na nga sila sa room.
Nakita ko sila Asher at ang tatlo na malapit sa pinto ng room at nakatingin sakin ng may mga ngiti na sarcastic.
Lumapit ako
sakanila ng naka yuko ng bigla akong sinalubong ni Michaela at binunggo ng
bahagya sa braso "You, sweet face has literally a death wish! I can't
imagine na pinagitnaan ka ng dalawa kanina, and the nerve na tumayo sa harapan
ni Emmet ng ganung katagal? Wow!"
Sabay pinalakpakan ako ng mahina.
"What about Ethan? Is he kind or humane to you?" Pagtatanong sakin ni Laurel
"Uhmm.. I - I think so.. muka namang mabait sya" Utal-utal kong pagkakasabi.
"Enough with that guys, tara na sa library. Kaylangan pa nating mag review for the next class, nakita nyo naba yung curriculum?" Biglang nagsalita si Michaella
Walang sumagot samin kahit isa. At halata sa tatlo na wala din silang alam about sa module.
"You
four little prick should thank me!! Hurry!!"
Galit na sagot ni michaella at nagmamadaling lumabas.
Naunang lumabas si Michaella sumunod si Laurel at Connor nang biglaang sinibi ni Asher ng mahina "I really like her! Wew!"
Nagkatinginan kaming dalawa at naglangitian.
"Someday
I'll ask her out! Do you think ok yun?"
Pagtatanong nya sakin.
"Oo naman, man up Asher! You look good rin naman, bagay kayong dalawa ni Michaella" Sagot ko at binigyan sya ng ngiti.
"I hope I look good for her. Anyways let's go!"
May gusto pala itong si Asher kay Michaella. Sabay hindi narin ako magtataka, magandang babae si Michaella at gwapo din itong si Asher at pareho pa silang matalino. Wala akong nakikitang problema.
Buong oras kaming tahimik sa napakalaking library ng campus para at nagreview. Nattuwa din ako sa apat dahil masasabi mung matatalino sila at masisipag.
Hindi rin naman ako nahirapan kabisaduhin lahat ng pointers, nahirapan lang ako sa pag focus sa kinakabisado ko tuwing naaalala ko si Ethan at ang nangyare kanina.
Hindi ko maiwasang matuwa dahil ang bait ni Ethan at yun ang kabaliktaran ni Emmet.
Natapos ang pag rereview namin at pumunta na kami sa room.
Pagpasok namon doon, una kung hinanap si Ethan.
Nakita ko nga sya, at maraming babaeng kausap sa gawing baba ng room.
Hindi ko alam bakit na wala ako sa mood bigla at nagtuloy tuloy sa nalang sa paglalakad at sinundan ang apat. May nagsabi sabin na sa 3rd subject is walang assigned seats na inayos.
Nakahinga naman ako ng maluwag na ang apat ang katabi ko this time.
Natapos ang class ng wala ako sa sarili, at ramdam ko ang pagkawala ko sa mood. Mabuti nalang at hindi nag pa recitation ang professor namin.
Nagsimula nang maglabasan ang student at pagkatapos noon ay tiningnan ko ang susunod na subject, ito na pala ang last subject for this day.
Hay.... salamat naman at makakauwi narin. Gusto ko na umalis dito at magpahinga.
"Guys, I'll go ahead na. I'll be heading home!" Sabi ko sa apat habang nagaayos sila ng gamit.
"Wait! What?! This early? Are you okay? You seemed slightly checked out during discussion, are you okay?" Malakas na pagtatanong ni Asher saakin.
"Oo naman! Okay lang ako, siguro napagod lang ako, all of this is new to me so.. I'm a bit overwhelmed, that's all" I replied.
"Okay, do you want a ride?" Sagot ni Asher.
"Thank you, pero meron kasi akong car so.. "
"Ofcourse you are, well take care sweetface!" Sabi ni Laurel sabay beso.
"Bye bro, don't hit the gas hard ha? Madulas ang daan!" Pagpapaalala ni Connor.
"We'll see you tomorrow Julian, anyways nice meeting you!" Sabi ni Michaella sabay beso.
"Bye Bro! So pano, bukas ulit! Ingat!" Pagpapaalam ni Asher.
Pagkatapos nun ay lumabas nako ng room at naglakad palabas ng building para pumunta sa parking at makaalis na dito sa lugar nato.
Lahat nanaman sila ay nakatingin sakin at tila may pinaguusapan.
Julian you'll get used to this. Basta yumuko kanalang at bilisan mo mag lakad!
Nakarating ako ng parking lot ng school ng nakayuko at nagmamadali.
Hinahanap ko yung susi ng car, and hindi ko to makita!! San mo ba nilagay Julian!! Napaka makakalimutin mo.
Umupo nako sa tabi ng pintuan at nilapag ang bag ko para halungkatin yung susi!
SH'T NAMAN!! Hindi ko pa nakikita! Nagsstart ng umambon at palakas na ng palakas!
Napakamalas mo Julian!! Uuwi kana nga lang hindi mo pa magawa ng maayos!
Nagsstart ng bumuhos ang ulan dahilan ng pagkabasa ko ng malala.
Mayamaya, may nakita kong sapatos na pumunta sakin, inangat ko yung ulo ko at doon ako natigilan.
" Excuse me, is this yours? I saw you dropped it while walking so fast on getting out in the building." Isang mala anghel na boses ang narinig ko mula sa mala anghel na muka.
SI ETHAN!! NAPULOT NYA YUNG CAR KEY KO!
"Ahmm.. o-o ata.." nauutal kung pagkakasabi at kinuha ang susi mula sa kamay nya na naka abot.
"T-thank you Ethan.." utal utal parin ako magsalita.
"Anytime Julian, I'm glad ako nakapulot ng car key mo" sabay nagpakawala sya ng nakakalusaw na ngiti!
"Uhmm...
sorry naulanan kapa! Mabuti pa pumasok kana sa loob at baka lagnatin kapa! Uuwi
narin kasi ako kaya Thank you ah??"
Mabilis kung pagsasalita at papasok na sana ko ng sinabi nya na..
"Do you think I'll take your thank you? Sorry but that's not good enough!"
"Ha???" Pagtataka ko sa sinasabi nya.
"Common! Let's go! Umupo ka sa driver's seat at ako mag d-drive! Remember you owe me one!"
Bigla syang pumasok sa car ko at wala nakong nagawa dahil napakalakas na talaga ng ulan, pumasok nalang ako sa kabilang pintuan habang kabang kaba at lutang na lutang sa mga nangyayare.
Pagka pasok ko, nagpigil ako ng hininga ng hubarin nya yung rain coat nya at natira ang puti nyang longsleeves!
JULIAN! CALM YOUR FCKNG SELF! WAG KANG TITINGIN SAKANYA! ACT NORMAL PLEASE!
"Sorry, I have to take this off, basang basa e."
"O-okay lang.. uhmm.. ilagay mo nalang sa back seat" utal utal kong pagkakasabi
At inilagay nya nga sa likod ang rain coat nya.
Grabe ang dami nyang damit na dala-dala! Kanina ibang iba suot nya, ngayon ibang outfit naman!
Amoy na amoy ko ang pabango nya na sobrang hindi nakakasawang amuy-amuyin.
"So let's go? Buckle up Julian!" Bigla nyang pagsasalita at pinaandar ang kotse ko.
Napabuntong hininga ako at parang gulat na gulat parin sa mga pangyayare. Wala akong magawa kundi humawak sa pintuan at nakatingin lang sa bintana.
"Let's grab a cup of coffee, it's just three blocks away from here" rinig na rinig ko nanaman ang mala anghel nyang boses.
"Are you okay with that?" Sabay tingin nya sakin.
"Uhmm, yeah.. yeah.. okay lang! Kahit saan"
JULIAN AYUS AYUSIN MO ENGLISH MO!!
"Okay! Here we go.." sabi nya habang pinapalakad na nya ang kotse
Wala pang 5 minutes ay nakarating na kami sa tapat ng coffee shop, para itong restaurant type pero coffee shop ang nakalagay sa baba ng name.
Puno ang parking ng biglang binaba nya ang window ng car, and nilapitan kaagad sya ng guard.
"Sir Ethan! Ako na po maghahanap ng parking at mag papark para sainyo! Sabi ng isang guard sakanya.
"Thank's Jordan!" Sabi nya sa guard.
Tumingin
sya sakin at sabay sabing..
"Dont worry your car is safe with him, so let's go!
Pagkababa namin sa sasakyan may sumalubong sa aming dalawang crew at pinayungan kami papasok sa coffee shop.
Pagkapasok namin, sobrang ganda sa loob. Napaka vintage ng loob at halatang mahal ang mga bilihin dito.
May lumapit na crew sa aamin at niyaya kami patungo sa table na pang dalawahan at dun ay nakaupo na kami ng walang kahirap hirap.
Tumingin ako sa paligid at halatang puro mayayaman ang nasa loob dito.
Hanggang dito nakaka-intimidate!
"Uhmm I'll take one espresso, what about you julian?" Tanong nya sakin.
"D-do you have a h-hot chocolate?" Pautal utal kong sabi.
"Yes sir! We have!" Sagot ng crew.
"Yun nalang po.. thank you!"
After umalis ng crew, hindi ko alam kung san ako titingin so as usual yumuko nalang ako.
"So Julian, uhmm.. How was your first day in our school?" Bigla nyang pagtatanong habang nakatingin sakin at tila naghihintay ng isasagot ko.
"Uhmm, okay lang n-naman." Kabado kong pagkakasabi.
"How young are you anyways?" Muli syang nagtanong.
"21, uhmm i-ikaw?"
"I'm already 23!" Sabay binigyan ako ng ngiti.
"So where you from? I mean, where did you grew up?"
"F-from Cebu, dun ako lumaki with my mom."
JULAIN PLEASE WAG KANALANG MAG ENGLISH! PINAPAHIYA MO LANG SARILI MO!
"So why did you moved here?" Bigla nyang pagtatanong
"M-my mom remarried, so.."
"So you don't like the guy?" Kitang kita ko sakanya ang pag ka curious sa mga asul nyang mata.
"No, hindi.. hindi.. uhmm John's fine. Kaylangan lang mag move to USA kasi businessman sya and ayoko naman maging hadlang sa kanilang dalawa, so I decided na mag spend naman ng time kay Dad.."
"Ohh I see, well I hope you'll enjoy your stay here in Manila Julian!"
"I hope..." binigyan ko lang sya ng awkward ng ngiti.
"I'm sure you will." Sabi nya sabay nagpakawala ng nakakakilabot na ngiti.
Biglang nag ring st nag vibrate sa table ang cell phone ni Ethan dahilan para maputol ang tingin nya sakin.
Hay... salamat. Hindi ko kaya tumagal sa ganung mga tingin nya. Sobrang nakakapanghina.
"Excuse me, I have to take this call from my dad, give me a moment." Sabi nya at kinuha kaagad ang cellphone at lumabas sa coffee shop.
Tinitingnan ko sya sa labas at parang hindi maganda ang pinta ng kanyang mukha.
Hindi ko alam kung bakit naging seryoso ang kanyang muka.
Nagaalala ako ng kaunti, at nagtatanong sa sarili kung ano kaya ang problema.
Binaba na nya ang telepono at muling pumasok na nagmamadali.
"Julian, I'm sorry I dont want to be rude pero I really have to go." Nagmamadali nyang sabi.
"Ha? Uhmmm.. okay lang! Gusto mo ihatid na kita?" Pagtatanong ko na may halong pagaalala.
"No, hindi wag na. I'll take the cab! I'm sorry! By the way, I had a nice time, Julian. Sorry but I have to go.." nagmamadali nyang sabi pagkatapos ay kinuha nya ang bag at nagmamadaling umalis.
Ano kayang problema bakit sya nag mamadaling umalis? May problema kaya sa sya?
Naiwan akong magisa at clueless sa table. Kasabay ng pag dating ng order naming dalawa.
"Uhmm, miss sorry pero pwede ba itake out ko nalang yung order namin?"
Pumayag naman ang crew at after few minutes nabigay na sakin.
Nagdrive ako ng dahan dahan pauwi dahil sa basang kalsada.
Wala narin akong ibang dinaanan at naisip na errands kaya umuwi narin ako.
Pagpasok ko sa garahe, I check the back seat kung meron akong naiwan na gamit and all I found there was Ethan's rain coat.
Kinuha ko ito at medyo natuyo na.
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko kung bakit naisipan kong amuyin ito.
All I smelled was his perfume, napaka bango. Lalaking lalaki ang amoy.
Biglang may kumatok sa salamin ng pintuan, at dun ko nakita si manang konchita.
"Anak,
ako na magdadala ng gamit mo."
Sabay kuha ng aking bag.
"Ahh manang, kaya ko na po ito. Salamat po."
"Paano yang rain coat na hawak mo? Akina at lalaban ko."
"Nako manang wag na po, salamat po manang."
Kapag pinalaba ko itong rain coat na to, mawawala yung pabango ni Ethan, gusto ko pang amuy amuyin.
SERIOUSLY? JULIAN? GUSTO MO PANG AMUY AMUYIN? NARIRINIG MO BA SINASABI MO?
___________________
After namin magdinner ni Manang, sinabihan narin ako na mal-late daw sa paguwi si Dad. Nagtataka ako kung bakit late daw makakauwi si Dad, baka may problema sa company nya.
Well, siguro dapat masanay narin ako ng ganito.
I got settled in my room and getting ready to rest nang bigla kung naisip yung rain coat ni Ethan.
NO, JULIAN. NO. Hindi mo gagawin yang iniisip mo! No!
At hindi ko
na napigilan sarili ko at kinuha ang rain coat na naka sambay sa upuan ko.
Humiga ako at niyakap ang rain coat nya sabay inamoy amoy.
Hm...... ang bango talaga! Bakit hindi ako nagsasawang amuy amuyin to.
Hanggang sa
nakatulog ako na yakap yakap ang rain coat.
ITUTULOY
If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send them at gaypinoystories@gmail.com.
We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.
Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.
Post a Comment