Campus Trio Part 21-22 | m2m pinoy stories

By Daredevil

Part 21

"Ayos yan Troy." ang tugon ni Bryan sa nais gawin ni Troy na tulong kay Andrew. "At least mas mababantayan at matutulungan mo pa siya."

"Thanks tol."

Bakas ni Bryan ang tuwa sa boses ni Troy na sa di maipaliwanag na dahilan ay nakakaramdam sia ng pangamba. Alam naman niya sa kanyang sarili na wala siyang magagawa dahil sa kaniyang sitwasyon ngayon kaya no choice siya kundi pumayag.

Makalipas ang isang linggo, nilisan na ng pamilya ni Andrew ang kanilang tahanan upang lumipat sa bahay ni Troy. Walang naging problema dahil naging mabait naman ang kanyang lola sa mag-ina.

"Naku ang laki nito Troy para sa amin ni nanay. Pwede naman kami  sa kwarto na lang ng dati niyong katulong." ang sambit ni Andrew nang ipakita sa kanya ni Troy ang magiging silid nilang mag-ina.

"Tsk. Huwag ka nang mahiya Andrew. At saka kahit magiging kasambahay si Tita dito, ituturing ka na namin ni lola bilang miyembro ng aming pamilya."

Naantig ang puso ni Andrew sa mga pahayag na iyon ni Troy. At dahil doon ay masasasabi niya na talagang napakabait niyang tao.

"Salamat talaga Troy. Isa ka talagang mabuting kaibigan. Noon pa man ang bait mo na sa akin, sa amin ni nanay. Hanggang sa mga panahon na pinahinto ako sa pagtutor, nariyan ka. At itong pagpapatira mo sa amin dito. Hayaan mo balang araw babawi ako sa lahat ng ginawa mo sa amin." ang maluha-luhang pahayag ni Andrew.

"Ui. Bawal ang iyakin dito sa bahay namin." ang sagot ni Troy na may halong biro sabay gulo ng buhok ni Andrew. "Ang mabuti pa ayusin niyo na ni Tita ang mga gamit niyo."

"Sige Troy salamat ulit."

_________

"I like them. Sa tingin ko magkakasundo kami ng kanyang ina." ang masayang komento ng lola ni Troy na katayo sa terrace ng kanilang bahay.

"Yes Grandma. Thank you sa pagpayag mo. Hayaan niyo po na hindi niyo ito pagsisisihan. Mababait po sila kaya sure akong walang kayong magiging problema sa kanila." ang sagot ni Troy at niyakap sa likod ang kausap. Ganoon ang paraan ng kanyang panlalambing sa taong nagpalaki sa kanya ng halos 10 taon matapos mamatay ang kanyang mga magulang mula sa isang aksidente.

"Pumayag ako dahil gusto kong pasayahin ang pinakamamahal kong apo. And besides maganda naman ang motibo mo kaya hindi na ako nagdalawang-isip."ang pahayag ng kanyang lola na sinabayan ng ngiti.

Ngiti rin ang isinukli ni Troy sa narinig.

"And of course para palagi na kayong magkasama. Aba eh halos araw-araw na siya ang bukang-bibig mo." ang pahabol ng kanyang lola. Palagi kasing nagkukuwento si Troy sa kanya ng mga bagay-bagay na nangyayari sa kanila ni Andrew sa tuwing magkasama sila nito.

"Huwag naman kayo maingay lola." si Troy.

"Bakit ayaw mo bang marinig niya? At wala ka bang balak sabihin sa kanya ang..." ang tanong ng lola na agad pinutol ni Troy.

"Hindi na po lola. Masaya na ako at kuntento sa ginagawa kong pagtulong sa kanila. Sapat na sa akin ang nakikita kong masaya si Andrew."

Matagal nang inamin ni Troy sa kanyang lola ang totoo niyang nararamdaman para kay Andrew. Sa una ay nagulat ang matanda at di makapaniwala sa rebelasyon nito, ngunit naiintindihan naman niya ito. Para sa kanya mas mahalaga ang kaligayahan ng kanyang kaisa-isang apo.

"Cute pala siyang bata ano, mabait at magalang bukod sa pagiging matalino at masipag. Now I know kung bakit mo siya nagustuhan. Im sure na kapag nag mature pa siya, magiging magandang lalaki rin siya tulad mo."

Natawa naman si Troy.

"Tama na nga yan lola. Oo nga pala, kailan po pala ang alis niyo papuntang London." ang pag-iiba niya ng usapan.

"Next week na iho, tutal may makakasama ka naman na dito."

Business-minded ang lola ni Troy. Sa kabila ng kanyang edad na 56, nagagawa pa rin niyang pamahalaan ang kanilang negosyo na paggawa ng tela. Nag-eexport na sila sa ibang bansa katunayan ng pag-unlad nito.

"Magtatagal na naman kayo doon" si Troy na medyo nagtatampo.

"Ito talagang apo ko. Nandito naman si Andrew di ba kaya dapat hindi ka na malungkot. At saka palagi naman tayong nag-uusap di ba sa internet. Hayaan mo sisikapin kong makabalik agad."

 "Ok." ang naisagot na lang ni Troy.

_______

Habang abala sa pagsasalansan ng mga damit ang mag-ina sa cabinet ay pinag-usapan nila ang mga nangyari.

"Mababait talaga ang mga nagiging kaibigan mo anak, si Bryan at ngayon si Troy naman. Maswerte ka sa kanila." ang sambit ng kanyang ina.

"Tama po kayo nay."

"At ang bait pa ng kanyang lola kabaliktaran ng ugali ni Mam Sebastian." ang may halong birong pahayag ng kanyang ina.

"Si nanay talaga. Mabait din naman po siya sa akin, kahit papaano at binigyan niya ako ng trabaho at siya pa ang nagpapaaral sa akin. Ginawa lang niya ang sa tingin niya ay makakabuti sa kanyang anak."

"Sa bagay tama ka anak. Mabuti naman at nauunawaan mo na ngayon."

"Ganoon po talaga nay. Hindi naman pwedeng habambuhay akong magpadala sa lungkot. Medyo tanggap ko na hindi kami ni Bryan ang para sa isat-isa.

"Ngunit kung ako lang ang papipiliin sa dalawa, kay Troy na ako anak."

Natawa lang si Andrew sa narinig sa ina.

_______

"Nakalipat na pala sina Andrew sa bahay ni Troy." ang sabi ni Michael kay Bryan. Abala silang dalawa ngayon  sa pagbubuhat sa gym.

Ibinaba ni Bryan ang hawak niyang bakal at nagpunas ng pawis. "Oo nga. Nagtext si Troy sa akin kagabi."

"Oh. Bakit parang hindi ka masaya. Ayaw mo ba nun, nasa pangangalaga na ni Troy ang mag-ina. Hindi ka na gaano mag-aalala sa kabuhayan nila at kaligtasan."

"Siyempre gusto." ang walang kaemo-emosyong sagot ni Bryan.

Napansin naman ni Michael na medyo may kakaiba sa kanyang kausap ngayon.

"Ito nga pala tol, pwede ba akong humingi ng pabor?" si Bryan.

"Sure. Tungkol ba yan kay Andrew."

"Oo.Kung pwede sana pag may time ka dalawin mo naman si Andrew dun."

"Bakit pa safe naman na siya doon?" ang nagtatakang tugon ni Michael.

"Gusto ko lang na kamustahin mo siya at malaman ang mga nangyayari sa kanya kapag nandoon siya."

"Hmmm... Ok. Sige mga once or twice a week ok na ba iyon?" ang agad na pagsang-ayon ni Michael.

"Pwede na iyon. Kapag pumunta ka, obserbahan mo silang dalawa ni Troy."

Tumango lang si Michael bilang pagsang-ayon kahit nagtataka pa rin siya sa pinapasuyo nito sa kanya.

_______

"Ang sarap talaga ng luto niyo Tita." ang masayang papuri ni Troy habang kumakain sila ng hapunan. Nagsimula na agad ang ina ni Andrew sa pagtatrabaho bilang kasambahay sa pagluto ng magiging hapunan nila.

"Halina kayo at sabayan niyo na kami ni lola." ang pag-anyaya sa kanila ni Troy.

"Hindi na po. Sabay na lang kami kakain ng anak ko sa kusina."

"Sige na sabayan niyo na kami. Dito kayo nakatira kaya kapamilya na rin namin kayo. Huwagt na kayong mahiya." ang nakangiting pahayag ng lola ni Troy.

"Salamat po mam." ang nahihiya pa ring tugon ng ina ni Andrew.

Sumabay na sila sa paghahapunan ng maglola.

"Mabuti naman at nagustuhan niyo po." ang pahayag ng ina ni Andrew.

"Opo Tita the best. Talagang tataba ako nito. Kailangan na talagang magbuhat araw-araw." si Troy ulit.

"Hinay-hinay lang apo baka di ka matunawan niyan." ang natatawang sabi ng kanyang lola.

Samantalang di maiwasan ni Andrew ang magbalik sa kanyang alaala ang gabing nakikain ng hapunan si Bryan sa dating bahay nila. Magkatulad kasi ang naging komento nila ni Troy sa luto ng kanyang ina at ang pagiging conscious ng mga ito sa kanilang katawan. 

________

"Ahm, Andrew mamaya pagkatapos natin kumain doon tayo sa kwarto ko." ang yaya niya kay Andrew matapos nilang kumain. "Marami akong ipapakita at ituturo sa iyo."

"Sige."

Makalipas ang ilang minuto, dinala na ni Troy si Andrew sa kanyang silid. Nang makapasok, agad niyang nilibot ang kanyag mga mata sa paligid para mapagmasdan ang itsura nito. Lalaking-lalaki ang ayos nito. Maraming nakadikit na poster ng mga international player ng basketball at mga anime characters.

"Halika dito tayo sa kama ko." si Troy habang nagbubukas ng kanyang laptop.

"Anong gagawin natin diyan?" ang tanong ni Andrew.

"Dito? Siyempre mag-iinternet."

"Ah. Pasensiya na. Hindi pa kasi ako nakakagamit ng ganyan alam mo naman." si Andrew sabay upo sa kama.

"Tsk. Isang scholar hindi pa marunong gumamit ng computer. Sige tuturuan kitang gumamit nito. Pero bago muna yan marami akong ipapakita sa iyo."

Matamang nakatingin lang si Andrew sa screen ng laptop ni Troy. Nakita niya na nagbukas ito ng isang website na pamilyar na rin sa kanya dahil naririnig niya ito kay Dina at sa iba pa niyang mga kaklase.

"Ito ang aking facebook account." si Troy.

Pinakita ni Troy ang kanyang mga larawan. Hindi maiwasang mapahanga ni Andrew dahil sa ganda ng mga pagkakakuha ng mga iyon. May mga nakahubad at nakapang porma.

"Wow pwede ka talagang maging modelo o kaya naman photographer ah." ang sambit ni Andrew matapos makita ang lahat ng mga larawan. "At ang dami nagbibigay ng mga comments."

"Siyempre naman ako pa. Sa gwapo kong ito di ba." ang sagot ni Troy.

Pagkatapos ay pinakita naman ni Troy ang isa pang account.

"Si Bryan!" ang sambit ni Andrew. Medyo nakaramdam agad siya ng pagkamiss dito nang makita pa lang ang primary picture.

"Sa aming tatlo siya ang pinaka astig! Tignan mo naman kung ilang ang mga friends niya at subscribers nya.

Nabigla si Andrew sa bilang nga mga friends niya. Kaunti na lang at aabot na ito ng 5000. Samantalang mahigit 2000 na ang subscribers nito. 

Isa-isang pinakita ni Troy sa kanya ang mga pictures ni Bryan. Tulad ni Troy maganda ang pagkakakuha ng mga iyon. Hunk na hunk talaga siyang tignan. Naalala tuloy niya ang mga panahong natutulog ito sa dati nilang bahay at ang kapilyuhang pagpapakita nito ng kanyang katawan sa kanya bilang panunukso.

"At ito naman ang mga pictures namin." si Troy habang pinapakita kay Andrew ang bonding moments nilang tatlo. Kasama na rin ang mga larawan nila nung mga bata pa sila.

Sa pagkakakita ni Andrew ng mga larawan ni Bryan nung bata pa ay naalala niya ulit ang picture sa bahay nila nung una siyang nagpunta roon. 

"At ito naman ang lihim ni Bryan na hindi alam ng buong campus." si Troy.

Bahagyang natawa si Andrew nang makita ang isang picture ni Bryan na nakatayo sa ibabaw ng upuan na halos maiyak-iyak ang mukha.

"Grabe isang siga at astig sa campus takot sa isang ipis!" ang natatawang sambit ni Andrew.

"Oo nga e. Alam mo ba na kapag inaaway kami niyan, tinatakot talaga namin siya ng insekto na iyan."

Natigil sa pagtawa si Andrew nang mapansin ang isa pang picture ni Bryan. Nakaakbay siya sa isang batang babae.

"Sino yan?" ang tanong ni Andrew.

"Ah si Sarah yan. Kababata rin namin. Kapitbahay dati ni Bryan. Nasa Canada na siya ngayon."

"Ok."

"Alam mo ba na sobra ang pagkaclose nila sa isat-isa. Kapag binibiro nga namin siya, lagi siyang pinagtatanggol ni Bryan. Kaya sobra rin ang pagkalungkot niya ng umalis siya ng bansa."

Sa mga oras na iyon ay bahagyang naguluhan si Andrew sa kanyang mga nalaman. Naisip niya na baka ang Sarah na iyon ang naging first love ni Bryan. Sumagi din sa isip niya yung araw ng usapan nila ni Dina at Michael sa tambayan ng tiro habang hinihintay niya si Bryan. Naisip siya na baka isa ito sa dahilan ng kakaibang pagsagot ni Michaelsa kanyang mga tinatanong.

Ang ibig sabihin nito para sa kanya na kung sakaling nandito pa rin ang babaeng iyon ay mabaliktada ang sitwasyon. Hindi siya nagpahalata kay Troy.

Marami pang mga larawan ang ipinakita ni Troy sa kanya ngunit hindi na niya nagawa pang pansinin ang mga iyon dahil sa mga bumabagabag sa kanya. May mga kinukuwento si Troy sa mga ito na hindi magawa pang pakinggan ni Andrew.

"Anong balak mo Andrew?" ang kanyang tanong na nagpabalik ng ulirat ni Andrew.

"Ah eh Bakit?"

"Ang sabi ko anong balak mo sa nalalapit na kaarawan ni Bryan?"

"Kaarawan?" si Andrew sabay tingin sa profile ni Bryan at nakita niya na malapit na ang kaarawan nito. "Sa susunod na linggo na pala ah at sakto pa sa Valentines Day. Pero wala siguro, alam mo naman ang sitwasyon namin di ba?"

"Oo. Ngunit may magagawa ka pa. Ang bigyan siya ng regalo. Kung alam mo lang kung gaano ka na niya ka miss. Halos araw-araw nga sa tambayan ikaw lagi ang kanyang bukambibig. At least sa paraang ito maipakita mo sa kanya na hindi mo pa siya nakakalimutan." 

______

Nang gabing iyon habang nakahiga ay iniisip ulit ni Andrew ang lahat ng mga sinabi ni Troy sa kanya habang hawak ang kwintas na ibinigay sa kanya ni Bryan.

"Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nararamdaman ang ganito sa mga nalaman ko tungkol sa babaeng nagngangalang Sarah. Pero dapat ko pa rin siguro siyang bigyan ng regalo." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili.

Makalipas ng ilang minuto ay nakaisip na siya ng ibibigay niyang regalo kay Bryan.


------------------------------------------

Part 22 - Kwentong Kabaklaan

------------------------------------------

Kinabukasan habang nag-aagahan ay kinausap ni Andrew si Troy tungkol sa ibibigay niyang regalo kay Bryan.

"Teddy bear!" ang gulat na sambit ni Troy.

"Bakit pwede naman iyon ah. At saka wala naman akong maisip na maaaring ibigay sa kanya. Ayaw ko naman ng pagkain dahil mauubos agad. Mas mainam na siguro ito para remembrance." ang pangangatwiran ni Andrew.

"Oo pwede naman iyon. Naisip ko lang na hindi iyon babagay sa isang tulad ni Bryan, babae lang kasi ang binibigyan ng ganoon."

"Ah. ok." ang medyo malungkot na tugon ni Andrew. "Hindi na lang siguro ako magbibigay ng regalo sa kanya.

"Ito naman. Sige pwede na iyon. Matutuwa naman siya sa kahit anong bagay na ibibigay sa kanya lalo na kung galing as iyo."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Ako pa, kilala ko na ang buong pagkatao ng kaibigan kong iyon."

_______

"Kamusta naman sa bago niyong tirahan?" tanong ni Dina kay Andrew habang naghihintay ng susunod nilang propesor sa araw na iyon.

"Ok lang. Wala naman kaming naging problema ni nanay. Mabait naman ang lola ni Troy."

"Ang swerte mo talaga friend. Napaka "special" ng turing sa iyo ng Campus Trio." si Dina ulit na binibigyang-diin ang salitang special.

"Ano, nakita mo na rin ba ang katawan ni Troy?" ang paghirit nito.

"Ikaw talaga Dina. Magkaiba naman kami ng kwarto doon." ang natatawang sagot ni Andrew.

"At tungkol sa sinabi mong special na pagtrato nila sa akin, ewan ko ba parang hindi ko naman nararamdaman e. Sa palagay ko mas naging miserable pa yata ang buhay ko simula nang makilala ko sila."

"Ano ka ba friend yan pa ang iniisip mo. Alam mo ba na halos buong campus ang naiinggit sa iyo."

"Iyon na nga eh .Naging masama pa nga ako sa kanila."

"Pero aminin mo na malaki ang naitulong nila sa iyo lalo na si Papa Troy. Kung hindi niya kayo tinulungan baka sa tabi-tabi lang kayo nakatira ngayon. At hindi lang yan, siya ang nagcomfort sa iyo nung mga panahon na malungkot ka dahil sa mga nangyari sa inyo ni Papa Bryan."

"Oo na sige na." Totoo naman kasi ang sinabi ni Dina. Simula ng huminto siya sa pagtutor, si Troy ang palagi niyang kasama.

______

Sinamahan ni Troy si Andrew sa mall upang bumili ng teddy bear na ibibigay kay Bryan sa nalalapit nitong kaarawan. Pumasok sila sa isang shop na puro pang regalo ang tinda.

"Ito ang bibilhin ko!" ang masayang sambit sambit ni Andrew nang makita niya ang isang di kalakihang brown na teddy bear.

"Maganda nga yan. Pero sapat ba ang pera mo para diyan. Kung hindi, dadagdagan ko na lang."

"Huwag na. Kasya ang pera ko. Marami-rami yata akong naipong pera mula sa pangangalakal ko bago kami lumipat sa inyo. Mas maganda di ba kung galing mismo sa aking pinaghirapan ang perang ipangbibili ko dito."

"Sige. Sabi mo eh." ang nakangiting sagot ni Troy senyales na napabilib siya ni Andrew sa mga sinabi nito. "Ganito na lang. Ililibre na lang kita ng pagkain. Ooops! huwag ka nang tumanggi, treat ko na yun sa iyo."

Nakangiting tumango si Andrew sa paanyaya ni Troy.

_______

"Ano na ang balita kay Andrew tol?" ang agad na tanong ni Bryan sa kararating na si Michael sa gym.

"Nag text sa akin si Troy nasa mall daw sila ngayon." ang tugon ni Michael.

"Anong ginagawa nila doon?"

"Common sense naman. E di siyempre namamasyal. Anong klaseng tanong yan tsk?"

Naalala naman ni Bryan yung araw na pamamasyal rin nila ni Andrew matapos ang pagsimba na kung saan ay binilihan niya ito ng mga bagong damit. Isa rin ito sa pinakamasayang araw niya dahil dito niya napasagot si Andrew. At muli siyang nakaramdam ng kung ano na hindi niya maintindihan.

"Upakan kaya kita diyan. Alam ko iyon!" ang nasabi na lang niya.

"Easy lang tol. Huwag mo namang ibuntong sa akin yang inis mo."

"Hindi ako naiinis."

"Talaga lang ah."

"Hay ewan ko sa iyo."

"O sige maiba tayo. Paano yan malapit na pala ang birthday mo"

"Hindi ko nga iniisip ang bagay na yan."

"Talaga. Balita ko, may surprise daw sa iyo si Tita ah."

"Wala akong pakialam sa kanya."

"It seems na galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon."

"Pwede ba huwag na natin siyang pag-usapan." ang naiinis pa ring si Bryan.

"Ok sabi mo e."

_______

"Pakibigay na lang sa kanya ito Troy ah." ang pakiusap ni Andrew nang makauwi sila galing sa pamamasyal. Alam naman niyang hindi siya maiimbita sa okasyong iyon.

"Sure."

Agad na tumungo si Andrew sa kanyang silid upang sumulat ng isang maikling note na isasama niya sa ibibigay niyang regalo kay Bryan.

"Happy Brithday Bryan! Pagpasensyahan mo na kung ito lang ang kaya kong mabigay sayo. Lagot ka sakin kapag tinawanan mo yan."

 _______

Dalawang araw bago ang nalalapit na kaarawan ni Bryan, naging usap-usapan sa buong campus ang nasabing okasyon. Halos lahat ng dako ng mga building ay may mga nakapaskil na pabati sa kanya. At ang mas inaabangan ng mga estudyante ay ang nakatakdang sorpresa sa kanya ng kanyang ina.

"Narinig mo na ba yung balita Andrew tungkol sa big surprise ni Mam Sebastian kay Bryan." ang tanong ni Dina kay Andrew habang naglalakad sila sa hallway ng school.

"Wala naman akong balak alamin pa kung anuman iyon. Hindi naman ako makakapunta doon."

"Sa bagay. Mga babaeng estudyante lang naman ang inimbita except kina Michael at Troy."

"Oo nga kaya pinabigay ko na lang kay Troy yung regalo ko sa kanya. Sabi ko nga na pasimple lang niya itong iabot."

"Wow, ano naman yang regalo mo?"

"Teddy bear."

"How sweet! Ang tanong ay kung magugustuhan kaya niya iyon."

"Bahala na siya sa buhay niya kung tatanggapin niya iyon o hindi. Ang importante lang naman ay nakapagbigay ako."

"Sa bagay."

_______

"How's your stay in this house?" ang tanong ni Michael kay Andrew nang dumalaw siya sa bahay ni Troy dalawang araw bago ang kaarawan ni Bryan.

"Ayos lang." ang kanyang tugon. "Naninibago lang ako. Alam mo na nasanay na kami ni nanay sa maliit na tirahan."

"Mabuti naman kung ganoon. At least nasa mabuti kang kalagayan, kayo ng nanay mo."

"Oo nga. Talagang napakabuting tao ni Troy sa akin pati na rin ng kanyang lola. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo niya sa akin. Sabi ko sa aking sarili na babawi ako sa kanya balang araw."

"Tama na ang drama. Oh tara meryenda na tayo. Naku masarap itong ginataan. Luto ito ni Tita" ang biglang pagsingit ni Troy sa kanilang pag-uusap."

Habang kumakain ay pasimpleng pinagmamasdan ni Michael ang dalawa. Napapansin niya ang kasiyahan nila habang nag-uusap lalo na si Troy. Sa tagal niyang pagkakakilala dito ay ngayon lang niya nakita na sumaya siya ng ganoon sa kabila ng pagiging seryoso nito.

"Uy Tol" ang paggulat ni Troy kay Michael nang mapansing nakatingin ito sa kanila. "Ang tahimik mo yata"

"Ah wala naman hehehe" ang natatawa niyang tugon.

"Siya pala, I heard na may big surprise daw si Tita sa birthday ni Bryan." si Troy.

"Oo nga. Pero alam mo ba ang sinabi ni Bryan na wala daw siyang interes dito."

"I see. Hanggang ngayon kasi masama pa rin ang loob niya kay Tita. So ano na ang plano niya?"

"Wala naman siyang nababanggit sa akin."

"Baka hindi siya sisipot sa kanyang party. Sayang naman yung regalo ni Andrew sa kanya." ang pahayag ni Troy na nagpabigla kay Michael. Si Andrew naman ay pasimpleng siniko si Troy dahil sa hiya.

"Really, so ano naman yang regalo mo sa kanya Andrew?" ang interesadong tanong ni Michael.

Inunahan siya ni Troy sa pagsagot. "Isang teddy bear."

"Teddy bear!" ang sagot niya sabay halakhak.

"Eh yun lang ang naisip ko. Bahala na."

"Pero ito lang masasabi ko. Kahit ano pa yan tatanggapin niya basta galing sayo... naging baduy na kasi siya."

Nagkatawanan lang silang tatlo.

_________

Isang gabi bago ang kaarawan ni Bryan kinabukasan ay nakatanggap si Andrew ng isang imbitasyon nang hindi niya inaasahan.

"Bakit Andrew?" ang tanong ni Troy sa kanya nang mapansin ang kakaibang reaksyon nito nang basahin ang paanyaya. "Ayaw mo ba nun, mabibigay mo mismo ng personal kay Bryan ang regalo mo sa kanya"

"Nabigla lang ako. Hindi lang ako makapaniwala na aanyayahan ako ni Maam Sebastian. Di ba galit nga siya sa akin."

Tinabihan ni Troy si Andrew na nakaupo sa kama. "Huwag kang mag-alala Andrew, kasama mo ako. Ako ang bahala sa iyo." ang kanyang pahayag.

"Salamat Troy."

Nginitian lang siya nito.

Buong magdamag nag-isip si Andrew. Naguguluhan siya. Pakiramdam niya ay may mali. Nagkaroon siya ng pangamba sa mangyayari bukas. Imposibleng kasing padalhan siya ni Mam Sebastian ng imbitasyon sa kaarawan ni Bryan.

"Dadalo kaya ako?" ang tanong niya sa kanmyang sarili na tila nagdadalawang-isip sa kabila ng assurance na sinabi ni Troy sa kanya.

________

Maaga pa lang ay inaayos na ang auditorium ng school kung san gaganapin ang selebrasyon ng kaarawan ni Bryan kinabukasan. Karamihan sa mga estudyante lalo na ang mga babaeng imbitado ay naroon upang pagmasdan ang ginagawang paghahanda.

"Buti ka pa binigyan ng imbitasyon." ang may pagkainggit na pahayag ni Dina nang ipaalam ni Andrew dito ang paanyaya sa kanya. Napadaan din sila doon para alamin para makita ang ginagawang preparasyon. "Magkikita na rin kayo sa wakas ni Papa Bryan, tapos kasama mo pa sina Papa Michael at Troy."

"Parang ayaw ko ngang pumunta. Hindi ko alam pero pakiramdam mo may mali."

"Ano ka ba? Iyan pa ang iniisip mo ngayon ha. Dapat pa nga na matuwa ka dahil hindi lahat ng estudyante sa campus ay inimbitahan."

"Ewan ko ba. Pero ano pa ba ang magagawa ko kundi ang dumalo na lang. Siguro ibibigay ko lang ang regalo sa kanya tapos aalis na ko agad."

"Hays sayang naman. Pero dont forget na balitaan ako tomorrow ah"

Tumango si Andrew bilang pagsang-ayon.

________

"Ready ka na ba anak?" ang tanong ng mama ni Bryan nang pumasok ito sa silid niya na nakabihis na.

"Oo" ang medyo matamlay nitong sagot. Bukod kasi sa inis niya sa ina ay wala rin siyang gana na dumalo sa kanyang kaarawan.

"Bryan anak alam kong may sama ka pa rin ng loob sa akin pero mamaya sisiguraduhin kong magiging masaya ka na sa aking gagawin."

Saglit na natigilan si Bryan sa kanyang narinig pahiwatig ng pagkakaroon niya ng interes dito.

"Ill make sure na magiging memorable ang gabi ito para sa iyo anak." ang dugtong pa ng ina.

Naisip agad ni Bryan si Andrew, na baka padadaluhin din niya ito upang magkasama sila. Napangiti siya ngunit hindi niya ipinahalata.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay sabay na umalis ang mag-ina patungo sa pagdadausan ng okasyon.

Itutuloy...


If you wish to share your own pinoy gay stories, you may send them at gaypinoystories@gmail.com.

We also value your privacy, if no author's or pen name provided, we will simply use "Anonymous" as the sender.

Thank you very much and we are looking forward to all your Pinoy M2M stories and other kwentong malilibog stories to share in our pinoy gay blog.

Post a Comment

[blogger]

Author Name

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.