Sundae (Part 9)

Sundae (Part 9)
By: Chaster Rassel

hot-pinoy-hunks-in-underwear-83Flavor 9: Secret Sensations

“Dahil ba natatakot ka sa isasagot niya sa iyo?…O baka naman dahil pa rin iyan sa date niya?…”
“Ewan ko…Di ko na alam…Pero isipin mo naman…Paano ko makukumbinsi si Drey na sumama sa akin sa chain, kung magiging busy siya sa date niya?…Tsaka babae iyon eh, ano naman ang laban ng isang tulad ko sa kanya di ba?….”
“Kuya ano ka ba!…Hindi lang mga babae ang may karapatang magmahal ng lalake…Tayo rin…At kung totoong mahal mo si kuya Drey, hindi ka dapat magpatalo!…Itutuloy natin toh kuya…Maghihintay ako mamaya sa chain!….”

Kahit na nababalot ako ng pangamba, napatango na lamang ako sa kanya. Matapos iyon ay dumating si Mama galing sa labas………

“Anak…Nakakuha na ko ng taxing maghahatid sa inyo…Naghihintay na sa labas….”

Pinagmasdan niya ko, mula ulo hanggang paa………..

“Ang gwapo natin ah!….”napapangisi niyang sambit…..

Napakamot na lamang ako sa aking ulo…….

“Alam ko na!…Pipitsuran kita….”
“Ma!…”

At ginatungan pa ng magaling kong kapatid. Dali-dali nito inabot sa kanya, iyong cellphone niya……….

“Oh dali na…At iuupload ko toh sa facebook para makita ng papa mo!…”
“Ma naman eh!…”
“Huwag nang maarte!…”

Wala na nga kong nagawa. Hinayaan ko na lamang si Mama na kuhanan ako ng picture. Ilang saglit lang ay bumaba na rin si Drey. At dahil naghihintay na nga iyong taxi, agad na kaming lumakad. Habang papunta kami doon, hindi ko mapigilan na sundan siya ng tingin.
Ngayon ko lang din kasi siya nakita nang nakasuot ng ganitong damit. Ang astig niyang tignan. Hindi ko tuloy maiwasan na lalong mapahanga sa kanya. Hanggang sa bigla na lang siyang huminto sa paglakad at………

“Hoy!…Baka naman matunaw ako niyan sa ginagawa mo?…”biglang niyang sambit….

Nagulat ako, kaya napahinto rin ako sa paglakad at napaiwas nang tingin sa kanya. Tumawa lang siya nang mahina sa naging reaksyon ko, tapos ay nauna na siya sa taxi………

“Taena mo Drey Ernuella!…Ang cute mo!…” mahina kong sambit sabay sunod na sa kanya……

SA PROM……….

Pagpasok naming dalawa sa may venue, marami nang tao. Habang naglalakad kami, nasalubong namin si principal kaya napahinto kami………

“Good evening po…”sambit ko…..
“Good evening po…Prin…Principal…”dagdag ni Drey…..

Pinagmasdan nang husto si Drey ng mommy niya at……

“Not bad Mr. Ernuella….You look good…”

Pero siya, ni hindi makatingin nang tuwid at hindi rin siya sumagot. Matapos iyon…….

“Anyway…I have to go at marami pa kong aasikasuhin…”

Umalis na si principal………..

“Hanep ah!…Parang hangin lang na dumaan…”mahinang sambit ni Drey…..
“Huh?…”pagtataka ko sabay tingin sa kanya…..

Nakangisi siya, pero napansin ko na tila namamasa ang mga mata niya…..

“Wala…Tara na Haj…”sagot niya….

Pumunta na kami sa pwesto kung saan naroon ang aming mga kaklase. Pero minabuti namin na humiwalay ng mesa sa kanila. Pag-upo namin…………

“Ahmmm….Drey….Iyong date mo nga pala?….”
“Naipit daw siya sa traffic eh…Kaya malelate siya….Magtetext na lang daw siya, pag nandiyan na siya……”
“Hmph!…Sana huwag na siyang dumating…”bulong ko sa aking sarili…..

Mayamaya pa, nagkaroon ng anunsyo na may technical difficulty daw sa music na gagamitin sa cotillion. Madedelay daw ito, dahil dun ay pinayagan kami na kumain muna o kaya ay magsayaw sa dance floor kung gusto namin.

Magtretrenta minutos na ang nakalilipas pero hindi pa rin nagsisimula ang cotillion. Karamihan ng mga kaklase namin nagsasayawan na. Hindi naman ako mahilig sumayaw, kaya nanatili na lamang ako sa mesa. Hindi rin ako gutom kaya inumin na lang ang kinuha ko. Si Drey, pinili na lang din na samahan muna ko.

Kung titignan ang itsura ko, nakapangalong baba ako sa mesa at hinihigop sa straw ang inumin ko. Habang nakatitig sa mga sumasayaw kong kaklase, nang nakabusangot ang pagmumukha.

“Tignan mo iyang mga iyan….Kapag nasa classroom, akala ko kung sinong mga anghel na tatahi-tahimik….Pero pagdating sa dance floor, para mga hayop sa zoo na nakawala sa hawla….”sambit ni Drey……
“Hmph!…Hayaan mo silang magmukhang gago…Trip nila iyan eh…”

Ilang saglit pa, nangyari na ang ayaw kong mangyari. Tumingin si Drey sa kanyang cellphone at………..

“Nandiyan na siya!…Teka ha…Susunduin ko lang siya sa may lobby….”sambit niya…..
“Sige lang….”

At iyon nga, naiwan akong mag-isa sa mesa. Nakakabadtrip! Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Drey, pero mag-isa lamang siya……

“Oh nasaan na siya?….”nakabusangot kong usisa…..
“Nagcr lang…Huwag kang mag-alala, ipapakilala ko siya sa iyo…”nakangisi niyang sambit……
“Huwag na!….”at hindi ko nga napigilan ang inis ko…..
“Huh?!…”pagtataka niya……
“Ah…Ang ibig kong sabihin, kahit huwag na…Okay lang ako….”

Naupo siya sa tabi ko…………

“May problema ba tayo Haj?…”
“Wa…Wala….”
“Eh bat parang aburido ka sa akin?….”
“Hindi ah….Tsaka sabi ko nga di ba okay lang ako….Sige na, asikasuhin mo na iyong date mo….”

Napatingin siya sa may mesa at………….

“Ubos na pala iyong inumin mo oh….Ang mabuti pa, kukuhanan kita ng isa pa….Mukha kasing kulang pa iyang nainom mo, para lumamig iyang ulo mo….”nakangisi niyang sambit……

Tumayo na siya at sinundan ko siya nang titig habang papunta siya sa may buffet. Tinignan ko kung anong oras na sa relo ko. At dun ko lamang biglang naisip na……….

“Teka!…Bakit ba hinihintay ko pa iyong cotillion?!…Kung pwede naman nang hatakin ko na si Drey ngayon….Tamang-tama, hindi pa lumalabas sa cr iyong date niya…Chance ko na toh!…”sambit ko…..

Dahil dun ay agad akong tumayo at sumunod kay Drey, para kausapin na siya. Pero napahinto ako sa paglakad, dahil naunahan ako ng iba na lumapit sa kanya. Iyong bwiset na babae na kadate niya, nandiyan na.

Hindi ko na itinuloy ang paglapit, sa halip ay tinignan ko na lamang kung ano ang susunod na mangyayari. Habang kumukuha pa siya ng inumin ay kinakausap siya nito. Tila nagkukulitan sila, tumatawa kasi silang pareho at napapakamot pa siya sa ulo. Mukhang close na close pala sila.

Di nagtagal, ibinaba ni Drey iyong hawak niyang baso sa mesa. Tapos ay hinawakan niya iyong kamay nung babae. Oo, si Drey ngayon ang mismong nakita ng dalawa kong mga mata, na humawak sa kanya. Kasunod noon, dinala niya ito sa may dance floor at nagsayaw sila. At para mas palalain pa ang lahat, bigla na lamang nagpalit iyong tugtog, naging pang slow dance. Dahil dun ay naging slow dance din iyong sayaw nila.

Hindi ko na naiintindihan kung ano ba ito mga nangyayari ngayon sa harapan ko. At sa puntong iyon, nagsimula na ring manlabo ang paningin ko, dahil sa mga luhang unti-unting naiipon sa mga mata ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya na patuloy pa itong pagmasdan! Kaya nagpasiya na ko, na umalis na lamang nang mag-isa mula sa prom.

Tumakbo ko, habang gigil na gigil na tinatanggal iyong bow tie na nasa leeg ko, pati na rin iyong pagkakaclose neck ng polo. Tumakbo ko nang tumakbo! Hanggang sa tuluyan akong makalayo mula sa lugar na iyon!

SA MAY CHAIN……….

Sa chain ako dumiretso, pagpasok ko, si Hershey ang agad na sumalubong sa akin………

“Kuya!….Oh…Bakit mag-isa ka lang?…Nasaan si….”

Napatigil siya sa pagsasalita nang makita niya ang itsura ko…….

“Anong nangyari?…”usisa niya…
“Hindi na matutuloy ang plano natin Hershey….”
“Pero kuya….”
“Bro…Kung pwede, iwanan mo na lang ko….Mas mabuti kung umuwi ka na lang…Baka hanapin ka pa ni Mama eh…Please lang….”

Naintindihan naman niya ang pakiusap ko at hinayaan na lamang niya ko. Nagtungo ako sa may counter para umorder na ng sundae. Matapos iyon ay nagpunta na ko sa paborito naming pwesto ni Drey. Naupo ako, tapos ay nagtanggal ako ng suit at inilapag ito sa tabi ko. Napatingin na lamang ako sa kinalalagyan ko.

Dito sa lugar na ito, dito ko first time na nakitang kumain ng sundae si Drey. Na ginagawa din niya dito iyong parehong bagay na lagi kong ginagawa. At kung paano siya unti-unting ngumiti habang kumakain nito. Dito nagsimulang magbago ang lahat sa pagitan namin.

Ang dami na ring nangyari sa amin. Hanggang sa nahulog na pala ang puso ko sa kanya. Pero masyado kong nagpadala sa nararamdam ko. Kaya ngayon, ako din ang nasasaktan sa mga pinaggagawa ko. At nagsimula na namang mamasa ang mga mata ko. Sunod ay napayuko na lamang ako……….

“Ano ba naman kasi itong kagaguhan mo Hagen?….Lalake siya eh, kaya natural na babae ang hahanapin at magugustuhan niya….Bakit ba nag-ilusyon ka pa na pwedeng maging kayo?!…Na papatulan ka niya?!…Na kagaya mo siya?!…Ang tanga mo Hagen!…ANG TANGA-TANGA MO!!…”inis kong bulong sa sarili ko……
“Sabi ko na nga ba dito ka pupunta eh…”

Pinahid ko ang mga luhang nagsisimula nang bumagsak mula sa mga mata ko. Inangat ko ang aking ulo at lumingon. Si Drey, sinundan pala niya ko……

“Paano mo naman nalaman na nandito ko?…”
“Tinatanong pa ba iyan….”

Ayaw ko pa sana siyang makaharap. Kaya lang wala na kong magagawa, nandito na siya………..

“Bat mo iniwanan iyong date mo?…Baka naman magalit pa iyon sa iyo….”
“Iyon magagalit?….Eh abnoy kaya iyong pinsan kong iyon!…Parang ako lang pero malala ng kaunti…Hehe…Siya pa nga itong nagsabi na sundan na lang kita at sasama na lang daw siya sa tropa niya….”
“Pin….Pinsan?!….”

Nabigla ako at nanlambot sa mga narinig ko. Parang gusto kong himatayin na lang. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kaya naisipan ko na lamang na……….

“Ahmmm…Kukunin ko lang sandali iyong inorder ko ah….”napapalunok kong sambit……

Nakakadalawang tawag na rin pala para sa inorder ko. Hindi ko lang ito narinig dahil nga lutang ang utak ko. Pagkakuha ko nito………..

“Ku…Kung magpinsan sila…….I…Ibig sabihin nagkamali ako….Ta…Tapos nandito na siya ngayon…..ARRRGH!…Anong gagawin ko?!….Pinauwi ko na si Hershey!……”bulong ko sa aking sarili…..

Dahan-dahan na kong lumingon kay Drey. Tapos ay napatingin naman ako sa hawak-hawak kong sundae. Habang pinagmamasdan ko ito, bumalik sa akin ang ilang mga salitang sinabi ng kapatid ko………..

“Kung mahina ka…Bakit di ka humugot ng kaunting soft serve ng motivation…Mula sa isang bagay na parehong special sa inyo ni kuya Drey…”
“Kung totoong mahal mo si kuya Drey, hindi ka dapat magpatalo!…”
Tumingin na ulit ako kay Drey. At sa puntong iyon, isang desisyon ang napagpasiyahan ko………

“Tama ang kapatid ko…Hindi pwedeng wala akong gawin…Hindi ko hahayaan na matapos ang gabing ito, nang hindi nakakapagtapat sa iyo….”

Bumalik ako sa counter para humingi ng isa pang kutsara. Matapos iyon……..

“Kaya mo toh Hagen!….”bulong ko sa aking sarili sabay hinga nang malalim………….

Binalikan ko na siya at inilapag sa mesa ang sundae. Imbis na umupo kaharap niya, pinaurong ko siya sa kinauupuan niya at tinabihan siya. Kasunod noon, isang pamilyar na kanta ang nagsimulang tumugtog………

…….We’ve grown closer everyday…..
…….And deep down inside your heart……

Napatingala kaming pareho at napatingin-tingin sa paligid. Hindi namin matukoy kung saan ito nagmumula, kaya hinayaan na lamang namin……….

…….Do you feel the same?……
…….Since I met you baby……
…….No one’s ever more on my mind, yeah……

“Ahmmm….Haj……”
“Huwag ka nang magsalita pa!…”

Napahinto siya dahil dun. Dinampot ko iyong sundae mula sa mesa at……..

“Saluhan mo na lang ako dito…”alok ko na may kasamang na ngiti……
“Pero Haj….”
“Dali na!…Magtatampo ko niyan sa iyo…”

…….All this love I have for you……
…….Just get’s better in time……

“Eh paano naman natin gagawin iyong….Alam mo na…Kung magsheshare tayo sa iisang sundae?…”
“Problema ba iyon?…Eh di magsabay tayo!…”

…….Like a rainy afternoon……
…….Or the sweet tastin’ wine……

“Ha?!….”
“Bibilang ako ng tatlo…Tapos iaangat ko itong sundae para sabay nating langhapin…Okay?….”
“Teka muna!….”

…….And when I look into your eyes……
…….I’m lost in your storm……

Hindi ko na siya pinakinggan pa. Agad na kong nagsimulang magbilang dahil ayaw kong magkaroon siya ng pagkakataon na pumalag………

“3….”
“Uy!…Ano ba!…”
“2….”
“Haj!…”
“1!”

…….Can you feel my body tremble……
…….When you walk through the door……

Inangat ko na iyong sundae. At wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto kong mangyari. Sa kalagitnaan ng paglanghap namin sa sundae, iminulat ko ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang pagkakataong hinihintay ko. Nakapikit si Drey at nakatuktok ang mukha niya sa akin. Unti-unting bumilis at lumakas ang pagpintig ng puso ko.

…….I’ve got you deep in my soul……
…….Inside your heart you should know……

Kasunod noon ay hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa, ibinaba ko na iyong sundae sa mesa, hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi at dali-daling sinunggaban ng isang mainit na halik sa labi. Sa wakas, nagawa ko na rin, nagawa ko na ring ilapat ang mga labi ko sa mga labi niya.

…….I’ll be there wherever you go……
…….If there’s one thing I know……

Kasunod noon ay napapikit na lamang ako muli. Wala na kong pakialam kung patinginan man kami ng mga tao sa ginawa kong ito. Dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mapakita at mapadama sa kanya ang nararamdaman ko.

…….I’ve got you deep in my soul……

Ilang minuto din kaming tumagal nang ganun. Hanggang sa nagpasiya ko na ihinto ito, para tumingin nang diretso sa mga mata niya at sabihin ang mga salitang matagal ko nang gustong sambitin sa kanya………

“Drey Ernuella…Mahal kita….”

Hindi siya kumibo, pero titig na titig siya sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkabigla………

“Alam kong kagaguhan toh dahil lalake ka rin gaya ko….Tapos dati pa tayong mortal na magkaaway…Pero siguro nga…Siguro nga kahit nung magkaaway pa tayo…Kahit na inis ako sa iyo….Sa kaloob-looban ko, eh gusto talaga kita….Tapos lumabas lang iyon…Nung…Nung makita kita na kumakain ng sundae….Hindi ko maintindihan kung bakit, pero dun nagbago ang lahat….At ngayon, wala akong ibang nararamdaman para sa iyo, kung di pagmamahal…..Mahal kita Drey!…MAHAL KITA!!!…”mangiyak-ngiyak kong bulalas….

Matapos kong maisambulat sa kanya ang lahat, wala pa rin siyang imik. Pero ngayon ay napaiwas na siya ng tingin mula sa akin at napayuko. Tapos napansin ko na nakasara ang mga kamay niya, nakapanuntok siya. At tila nanggigigil!

Bigla na lamang siyang bumuwelo. Akala ko galit siya at sasapukin niya ko sa mukha. Pero sa may bandang dibdib ko niya itinutok ang kamao niya. Napahinto siya, tapos……

“Gago ka!…Gago ka Hagen Dasuero!….Taena ka!!…ANG TAGAL MO KONG PINAGHINTAY!!!…”mangiyak-ngiyak niyang sambit habang paulit-ulit akong tinatapik nang malakas…..

Ako naman ngayon ang nagulat sa kanya. At sa mga sinabi niya na matagal ko siyang pinaghintay. Huminto na siya, napadantay na lamang siya sa akin at tuluyan nang tumangis……….

“Drey….Ibig mong sabihin….”
“OO!…Mahal din kita Haj!….MAHAL KITA MATAGAL NA!!!….”

Pagkasabi niya noon ay napakayakap na lamang siya sa akin nang mahigpit at niyakap ko na lang din siya. Sa puntong iyon, sobra-sobrang kasiyahan ang nararamdaman ko kaya napaluha na lang din ako, tears of joy ika nga. Mayamaya, kumalas na muna ko sa yakap niya. Kinuha at hinawakan ko ang mga kamay niya. Pagkatapos……….

“Drey…Ngayon na nagkaaminan na tayo, pwe…pwede ba kitang maging boyfriend?…”
“Oo naman…Pwedeng-pwede…Iyong-iyo ako Haj!…”

Matapos iyon ay nagkatitigan na lamang kami. Hanggang sa unti-unti na namang naglalapit ang aming mga mukha. Nang bigla na lamang…….

“AYUN OH!….Sa wakas!!….Naging sila na rin!!…WAHAHA!!!….”

Nagulat kami at napahinto dahil sa narinig naming nagsalita at tumawa nang malakas. Pagtingin namin, ang magaling kong kapatid ay nakatayo sa likuran ng kinauupuan namin!…………

“Anak ng!….Anong ginagawa mo diyan?!….Sabi ko sa iyo umuwi ka na di ba?!…..”inis kong sambit habang nagpapahid ng mga luha ko………
“Eh nag-aalala ko sa iyo kuya eh…Iba kasi iyong itsura mo kanina…Ka…Kaya nagpasiya ko na huwag umalis….Ehehe…”napapakamot sa ulo niyang sagot sabay tawa na pilit…….
“Bwiset ka! Panira ka ng moment!!…”sambit ni Drey na nagpapahid din ng mga luha niya…..

Sinaluhan na kami ng makulit na bata sa mesa namin at………

“Sorry na po mga kuya!…Masaya lang naman ako para sa inyo eh…Pero ayus kayo ah!…Feeling ko nanonood ako ng movie kanina….Ahihihi…”nakangisi niyang sambit……

Napaakbay na lamang ako kay Drey, na ngayon ay boyfriend ko na nga at pagkatapos…………

“HMPH!…Pasalamat ka good mood ako ngayon…Dahil kung hindi, KINALTUKAN NA KITA!…”sambit ko…..
“Hahaha!….”

Natawa na lamang siya. Napatingin siya sa may mesa at………

“Hala siya!….Kuya Hagen nagmemelt na iyang sundae niyo oh….”

Napatingin kaming dalawa ni Drey dito at tama nga siya. Nawala nga naman kasi sa isip namin ito dahil sa mga nangyari. Dahil dun ay itinuloy na namin iyong dapat na gagawin namin kanina, iyon ay ang magshare dito. Si Hershey naman ay umorder na rin ng sarili niyang pagkain. Habang kumakain kami……….

“Siyang nga pala kuya Drey…Curios lang ako…Sabi mo kasi kanina, matagal mo nang gusto si kuya Hagen…Gaano na katagal exactly?…”nakangising usisa ni Hershey……..
“Oo nga noh!…”sambit ko sabay tingin kay Drey…..
“Ahmmm…Ang totoo…Four years na…”
“Fo…Four years?!…Ibig sabihin mula pa nung first year pa lang tayo?!…..”gulat kong reaksyon…….
“Actually, bago pa iyon….”

Sinimulan niyang ipaliwanang ito. Four years ago, nung bakasyon pa daw, napadalas ang pagpunta niya dito sa chain. Kasi nga naman summer at iyon iyong panahon na pinakamasarap lumantak ng isang katerbang sundae………….

“Then one day, papasok na dapat ako dito para kumain….Nang may biglang makakuha ng antensyon ko mula sa labas…Isang batang lalake na nakasuot ng sando…Naglalakad siya papunta sa may counter…Iyong mukha niya, parang kinusot na toilet paper sa sobrang pagkabusangot at iyong isa niyang pisngi nangangamatis sa pula….”pagkwekwento niya habang nakangisi sa akin………
“Eh?!….Huwag mo sabihing ako iyon?!…”usisa ko….
“Ikaw nga po!…”
“Teka…Parang may naaalala ko…Maliit pa ko nun…Tapos pinagalitan ni Mama si kuya Hagen at sinampal nang malutong….Nagulat pa nga ako nun sa tunog eh….Tapos mayamaya…Nakita ko na lang siya na tumatakas ng bahay….”natatawang sambit ni Hershey……

Matapos kong marinig ang mga sinabi ng makulit na bata. Bumalik na sa akin ang lahat………..

“Naaalala ko na rin…Ako nga iyon Drey…Bagong lipat lang kami nun sa lugar na toh…Ayaw kong mag-enroll nun sa highschool kaya iyon ang inabot ko kay Mama…Sa inis ko, tumakas ako para humanap ng mabibilhan ng sundae…At nakita ko naman ang chain na toh…”
“So kaya pala ganun ang itsura mo nun…Hihi…”
“Oo na….Huwag mo nang ipagdiinan pa iyong itsura ko…So nakita mo nga ako….Ano nang sunod?….”

Di daw niya maintindihan kung anong pumasok sa kanya, pero napatayo na lamang siya dun at sinubaybayan ako. Hanggang sa nakita niya ang paglanghap ko sa aking sundae………….

“Nashock ako nung makita ko na pareho tayo…Tapos nung nakita kita na unti-unting napapangiti habang kinakain mo iyong sundae mo, naging awkward ang feeling ko…Para bang….”
“Para bang may connection ka na agad sa akin?….Parang may kung anong humahatak sa iyo…At gusto mo na ilapit ang sarili mo sa akin?…”nakangiti kong pagtapos sa sinasabi niya…….
“Oo…Ganun nga…Haj…Naramdaman mo rin iyon?…”
“Oo Drey…Ganun na ganun din ang naramdaman ko sa iyo…”

Napangiti na lang din siya sa akin. Kasunod noon ay napatingin ako sa mesa at bigla na lamang akong may narealize…………

“Drey….Dito ako nakaupo nun noh?…”usisa ko sabay tingin sa kanya……
“Sa wakas!…Naalala na rin niya….Haha….”

Ngayon alam ko na kung bakit paborito niya dito, dahil pala sa akin. At tama rin pala na naging paborito ko rin dito. Tuloy ang pagkain namin at tinuloy rin niya ang kwento niya. Mula daw noon ay lagi niyang inaabangan ang pagpunta ko dito sa chain. Pero sa tuwing narito daw ako, hindi siya pumapasok at pinapanood lamang niya ko mula sa labas. Kaya naman pala hindi ko siya nakikita dito dati.

At nung nagpasukan na daw sa school. Laking gulat daw niya na magkaklase kami. Tuwang-tuwa daw siya, dahil may chance na siya na makilala ako. Kaya lang, bago pa man niya magawang makipagkaibigan sa akin, nakita niya kung anong klaseng tao ako. Nakita niya iyong kalupitan ko sa mga kaeskwela namin. Aaminin ko, talagang iba ang saltik ko nun dahil nga labag sa kalooban ko ang pagtuloy sa highschool. Kaya lahat ng galit ko, inilalabas ko sa pangbubully ng iba at paghahanap ng trobol………..

“Sa kabila ng mga nakita ko sa iyo nun…Hindi ko pa rin magawa na kamuhian ka Haj….Dahil naniniwala ako na hindi totoong masama ang isang taong napapangiti ng sundae….At dahil narealize ko na malabong mangyari na makipagkaibigan ka sa kahit sino…Naisip ko na sa ibang paraan na lang maging bahagi ng buhay mo….”
“Ibang paraan?…”
“Ang maging kaaway mo…Ang maging peste sa buhay mo!…Then naging magkakilala nga tayo di ba?….At dahil din dun, naproprotektahan kita….”
“Protekta?…Protekta ang tawag mo sa pakikipag-away at suntunkan sa akin?…”

Iyong mga panahong iyon, wala talaga kong habag. Wala akong sinasanto at ginagawa ko ang anumang gustuhin ko. Natakot daw siya na baka ikapahamak ko ang mga pinaggagawa ko. Kaya mula nun, nagpasiya siya na gamitin ang sarili niya………

“Lahat ng mga pambwibwiset ginawa ko sa iyo…Nang sa ganun, sa akin mo na lang ituon at ilabas ang lahat ng galit mo sa mundo….Dahil kung ako lang ang makakaaway mo…Pwede kong gamitin ang impluwensya ko bilang anak ng principal…Para masigurado na walang mangyayari sa iyo….”

Kaya pala, kaya pala lagi niya kong kinakabangga, iyon pala ang dahilan. All this time lahat pala ng ginagawa niya ay para protektahan ako…………

“Kung minsan nga, nakakaramdam na rin ako ng pagod….Hindi naman kasi talaga madali para sa akin na sinasaktan ka….Pero mahal talaga kita eh…Kaya hindi kita sinukuan…At tignan mo nga naman ang pagkakataon…Akalain mo…Nakaroon ng milagro at nagkagusto ka rin sa akin….Ahaha…”sambit niya sabay tawa……

Napatapik ko sa kanya sa braso at………..

“Tatawa-tawa ka pa diyan!….Ang daming beses kaya kitang nasaktan nang sobra-sobra dahil sa pinaggagawa mo!…..”
“Okay lang iyon!…Sulit naman eh….Ang sarap kaya ng feeling kapag bwinibwiset kita nang sobra….Tapos later on, makikita ko iyo ngiti mo habang kumakain ka ng sundae….At may bonus pa!…Dahil napapansin ako ni Mommy…Hitting two birds with one stone lang ang peg di ba….Ahihihi!…”
“Sira ka talaga!…Hahaha….”

Natawa na lamang din ako sa kanya……….

“So in short….PAREHO KAYONG TORPE!…”pagsingit ng makulit na bata……

Sabay kaming napatingin ni Drey sa kanya. Nakangisi siya, eto na naman, mang-aasar na naman………

“Hoy!…Excuse me ha….Hindi po katorpehan iyong ginawa ko!…”iritableng sambit ni Drey……
“Sus!…Hindi mo inamin iyong nararamdaman mo kay kuya kaya ganun din iyon…Kung tutuusin nga, pwede naman na lapitan o saluhan mo na siya nung una mo pa lang siyang nakita dito eh….Eh di sana naging magkaibigan na agad kayo….At hindi mo na kinailangan na magpabugbog….Ganun lang naman kasimple yun eh….Hehehe…”

Panay ang tawa niya na ikinairita ko. Ang boyfriend ko naman ay napakamot na lamang sa kanyang ulo……….

“Wait a minute!…Pareho kaming torpe?!…”usisa ni Drey sabay tingin at ngisi sa akin……
“Yup!…Kaya nga ako actually nandito eh….Dahil dapat magpapatulong itong si Kuya Torpeng isa na magtapat sa iyo….”
“Hmmm….At sa bata pa magpapatulong….”sambit ni Drey na tila nang-aasar…..
“Pero mukhang may nangyari kanina, dahil bigla siyang nagsolo flight….”

“Speaking of kanina, bat nga ba nag-inarte at nagwalk-out sa prom iyong isa diyan?…”usisa ni Drey sabay ngisi sa akin….
“Ah walk-out….Parang alam ko na iyan ah….Kaya pala ganun na lang iyong itsura niya kanina….”dagdag ng makulit na bata sabay ngisi rin sa akin……..

Langya naman itong dalawa na toh, pinagtutulungan ako………

“Ano ha Haj?….”sambit ni Drey nang nakangisi pa rin…..

Nakakairita iyong mga ngisi nila. Bahala na kung pagtawanan man nila ko, magsasalita na lang ako para matapos na………..

“Oo sige na po!…Sasagot na!…Umalis ako kanina sa prom kasi nagseselos ako sa date mo!….Eh malay ko ba naman na pinsan mo pala iyon…”sagot ko…….
“Hmph…Pinsan?!….”sambit ni Hershey…….

At bumulalas na nga ang mga tawa nila. Habang ako naman ay napakamot na lamang sa aking ulo……….

“Hay!….Ito talagang Haj ko oh!….”

Inakap ako ni Drey, pagkatapos………

“Makinig ka…Kahit na may pagkabaliw iyong pinsan kong iyon, mabait iyon….Siya iyong pinsan na nabanggit ko sa iyo dati…Na tumulong sa akin nung pinalayas ako ni Mommy….Tsaka alam po niya na ikaw ang gusto ko….”
“Talaga?…Tototo ba iyan?….”
“Opo!….Kaya huwag ka nang mag jelly-jelly diyan!….”sagot niya sabay dikit ng pisngi niya sa pisngi ko………

Matapos iyon ay tumawa na naman ulit silang dalawa. Ako naman ay napangiti na lamang.

ITUTULOY……….

 
YouPorn