Sundae (Part 8)

Sundae (Part 8)
By: Chaster Rassel

hot-pinoy-hunks-in-underwear-83Flavor 8: Hagen DasTorpe

“Hoy!…Ano ba magsalita ka!….”muli niyang sambit…..

Dahil sa kaba, hindi ako agad nakakilos. Hanggang sa dahan-dahan akong napalingon sa kanya…….

“D…Drey…Ahmmm…Ano kasi…”
“Ano nga?!…”muli niyang usisa habang pinupunasan ng tuwalya ang ulo niya…..

Huminto siya sa pagpupunas at isinabit sa leeg niya iyong tuwalya. Tapos ay tumabi siya sa akin sa bangko……..

“Hmph!…May kinalaman ba dito iyong tinanong sa akin kanina ni tita?…Ha?!…”
“Wa…Wala….”
“Kung ganun…Ano nga iyong ipagtatapat mo?!…”
“Ahmmm…Gus…Gusto kong sabihin sa iyo na….Na gusto…”
“Gusto? Anong gusto?…”tila sabik niyang usisa sabay hawak ng dalawa niyang kamay sa tuwalyang nakasabit sa kanya…..
“Gusto ko na kalimutan na lang natin….Iyong mga sinabi kong kundisyon dati sa iyo…Nung…Nung nagkasundo tayo…..”

Bwiset! Hindi ko magawa, hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko! Kaya ayun na lamang ang naisip kong sabihin…….

“Eh?!…”reaksyon niya……
“Si…Sinabi ko dati na bawal tayong maging close di ba?…Pero sa mga nangyayari kasi sa atin ngayon, useless na iyon eh….Tsaka……”

Napansin ko na habang nakikinig siya sa akin, humigpit ang pagkakahawak niya sa tuwalya, para bang nanggigigil siya…….

“Kung pipigilan ko ang sarili ko na mapalapit sa iyo…Parang…Parang pinigilan ko na rin ang sarili ko na maging masaya……”

Bumitaw siya sa tuwalya at napangisi……..

“Hay!…Ikaw talaga Haj oh…Akala ko naman, kung ano nang ipagtatapat mo…Ehehe…”

Umakbay siya sa akin at inakap ako. May kahigpitan iyong akap niya at parang kakaiba, hindi ko lang matukoy kung bakit. Pero hinayaan ko na lang, nasasarapan din naman ako eh. Paano kasi, ang bango niya dahil nga bagong ligo………

“So ibig mong sabihin…Okay na talaga tayo?…”
“Nagtatanong ka pa eh dito ka na nga tumutuloy sa amin ngayon eh….Kaya okay na okay na tayo…”

Ngiting-aso ang mokong matapos kong sabihin iyon……..

“Ahihihi!…So ibig sabihin din nun…May karapatan na kong malaman iyong sikreto mo!..”
“Sikreto?!…Anong sikreto?!…”
“Huwag ka nang magmalinis Haj!…Kainis ka ah…Bakit hindi mo man lang binanggit sa akin na may nililigawan ka pala?…HA?!…”
“Loko!…Sinabi ko na nga kanina na wala akong nililigawan di ba?…Tsaka bat ba ganyan ka umasta?…Ano ka, nagseselos?!…”

Napakalas siya ng akap sa akin. Pagkatapos ay……..

“Hin…Hindi ah!…Bat…Bat naman ako magseselos….Walang dahilan para magselos ako…”
“Oh iyon naman pala eh…Eh di tantanan mo na ko!…”

Hindi na siya kumontra at napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. Tumayo na ko mula sa bangko at…….

“Ang mabuti pa, matulog na tayo…Lumalalim na rin ang gabi eh…”

Tumayo na rin siya……..

“Teka!…Magtatabi ba tayo?!…”
“Bakit?…May problema ba kung magtabi tayo sa pagtulog?…”
“Wala naman…Nung last time lang naman kasi na nakasama kita sa pagtulog, may ginawa kang kababalaghan!…”
“Hahaha…Hanggang ngayon ba di ka pa rin nakakaget over dun?…
“OO!…At hinding-hindi ko makakalimutan iyon noh!…”

Sabagay, kahit ako eh, hinding-hindi ko rin makakalimutan ang pangyayaring iyon. At kung ako ang tatanungin, gustong-gusto ko na maulit uli iyon…….

“Sige…Kung ayaw mo…Eh di sa sahig ka matulog!…”natatawa kong sambit….

Lumakad na ko papasok sa bahay. Hinabol naman niya ko at……

“Uy teka Haj!…Huwag mo naman akong iwanan…Sige na!…Pumapayag na ko!….”sambit niya….
“Hahaha…”

Pumunta na kami sa kwarto ko. Inayos at pinagpag namin ang kama. Tapos ay nahiga kami nang magkaharap at nagkumot…..

“Hmph…Papayag ka rin pala ang dami mo pang arte…Hihi….”sambit ko…
“Eh ikaw kasi eh…”
“Oh sige na…Goodnight na Drey….”
“Goodnight….”

Pumikit na ko, pero narealize ko na may nakalimutan pala kong sabihin. Kaya naman dumilat ako ulit. Pagmulat ko ng mga mata ko, sakto nakadilat din siya at nakatingin sa akin…….

“SWEET DREAMS!…”sabay naming nasambit….

Nagkangitian na lamang kami at pagkatapos ay siya na ang naunang pumikit. Kasunod noon ay pinagmasdan ko na lang muna siya………

“Bahala na kung anuman ang mangyari….Matanggap man ng iba o hindi…Mahal kita…Drey…..”bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan siya…….

HAPON NG LUNES……….

Nakalabas na kami ni Drey ng school. Papunta na kami sa may sakayan, nang bigla na lamang kaming harangin ng isang grupo ng estudyante, pito sila at iyong iba may hawak pang mga pamalo. Nakikilala ko sila, sila lang naman iyong ilan sa mga napahirapan namin dati ni Drey………

“HMPH!…Akala niyo siguro hindi namin sasamantalahin ang pagkakataon na gumanti sa inyo noh?!….”sambit ng nasa pinakaharapan nila……
“Haj…Trobol toh…”pabulong na sambit ni Drey…..

So gusto palang gumanti ng mga kupal na toh. Pero nakakatawa dahil halatang nagtatapang-tapangan lamang sila. Paano kasi ay napansin ko na nanginginig ang mga tuhod nila. May isa rin na pati iyong mga kamay niya, nanginginig habang nakahawak sa pamalo. Napansin din iyon ni Drey at hindi niya napigilan na matawa……….

“Bwahaha!….”
“May nakakatawa ba?!…”inis na usisa nung isa……..
“Haha…Wala naman…Siya nga pala…Ang tagal na naming bawal makipag-away ah….Bakit ngayon niyo lang naisip na rumesbak?…”
“HA?!…Eh…Nag-ipon pa kami ng lakas eh!…”sagot naman niya na tila kabado pa…..

Bigla siyang kinaltukan ng isa sa mga kasama niya, matapos niyang sabihin iyon. Mas lalo tuloy kaming natawa…….

“Weh!…Sigurado ba kayo na nakaipon kayo ng lakas?…Hahaha….”natatawa kong pang-aasar….
“Sige lang!…Tumawa pa kayo!…Dahil mamaya, di niyo na magagawa iyan…SISIGURADUHIN NAMIN NA UUWI KAYO NG LUMPO!!!…”galit na sambit nung kumaltok…..
“Haj…Anong gagawin natin?…Hindi tayo pwedeng lumaban….Paano natin tatakasan ang mga bakulaw na toh?!…”bulong ni Drey….

Nakakaaliw sana na inisin pa ang mga kupal. Kaya lang tama si Drey at dahil nabanggit na niya rin ang tungkol sa pagtakas, merong akong naisip na paraan para makatakas kami……

“May naisip na ko…”
“Huh?…”
“Naaalala mo ba iyong ginawa mo sa akin dati?…Iyong nagpahabol ka hanggang sa may kabilang kanto…”

Minsan kasi, nung magkaaway pa kami, inabangan din ako ng loko, dito mismo sa kinatatayuan namin ngayon. Tapos nagpahabol siya hanggang sa makarating kami sa kabilang kanto. May eskinita dun na maraming sulok na pwedeng pagtaguan. Nagtago siya, pero ang hindi ko alam eh meron din palang aso doon na laging nakatali. Ang laki nito at nakakatakot ang itsura. Pinakawalan niya ito nang di ko namamalayan. At ayun hinabol ako, buti na lang ay natulungan ako nung may-ari ng aso.

At ngayon, iyon ang gusto kong gawin namin sa kanila. Agad naman niyang nagets ang ibig kong sabihin at napangisi siya…….

“Ahihi…”mahina niyang hagikgik…..

Nagsimula nang magsikilos ang mga kupal……..

“Ayan na sila…Game Drey?…”
“Hmph!…Pagbilang ko ng tatlo…Takbo na!….”

Bumilang na nga siya. At pagdating ng tatlo, sakto sumugod sila at agad naman kaming tumakbo. Hanggang sa nakarating kami sa may eskinita. Naghiwalay kami ng taguan. Dahil siya ang kilala nung aso, siya ang nagpunta dito at ako naman ay nagtago sa kabilang side.

Tinanggal na niya iyong tali nito, pero hinawakan niya muna toh para hindi tumakbo. Mayamaya pa, dumating na iyong mga kupal. Sinilip namin sila at pinakinggan ang pag-uusap nila……..

“Nasaan na sila?!…”
“Eh dito ko lang sila nakitang pumasok eh….”
“Hindi pa nakakaalis ang mga iyon…Hanapin natin!…”

Nagkatinginan kami at sabay na napangisi. Pagkatapos………

“HOY MGA BAKULAW!…”sigaw ni Drey……
“NANDITO KAMI!!…”dagdag ko…..

Nang makuha na namin ang antensyon nila at papalapit na sila, binitawan na niya iyong aso. Pagkakita nila sa aso, nagkagulo sila. Sinamantala ko ang pagkakataon na busy sila at nagpunta ko kay Drey. Habang nakatago kami, pinanood namin kung paano sila nagtatatakbo at panay ang tawa namin pareho.

Pero bigla akong napahinto at naging pigil rin ang paghinga ko, nang mapansin ko, na sobra na naman pa lang magkalapit ang mga mukha namin sa isa’t isa………

“Oh iyan…Wala na sila!…Sigurado, di na uulit ang mga iyan sa panggugulo sa atin…Hahaha…..”natatawa pa rin niyang sambit sabay tingin sa akin…..

Pagtingin niya, natuon ang mga mata ko sa mga labi niya. Ilang saglit pa, nahuli ko na lamang ang isang kong kamay, na nakahawak na sa pisngi niya. Tapos ay napatingin ako sa mga mata niya. Sa puntong iyon, isang bagay lang ang nararamdaman ko. At iyon ay ang kagustuhan na mahagkan siya. Pero……

“Ha…HAJ!….Ah…Ano ba iyang ginagawa mo?!…”

Bigla kong natauhan sa narinig ko at…..

“Ah…Eh…May dumi iyong pisngi mo eh…”iyon na lamang ang naisagot ko…..

Kasunod noon ay pinahid ko na lang kunyari ang pisngi niya, tapos ay ibinaba ko na ang kamay ko. Bakas sa kanya ang pagkabigla at napansin ko rin na napalunok siya. Kaya naman……

“Sorry…Nagulat ata kita…”sambit ko….
“Ahmmm….Okay na iyon…Ah…Tara na…Umuwi na tayo…”

Tumango na lamang ako, pagkatapos ay lumakad na kami. Bwiset! Nabwibwiset ako sa sarili ko! Pagkakataon ko na sana, kung itinuloy ko sana ang paghalik sa kanya, eh di sana alam na niya ngayon ang lahat.

Ano ba naman itong nangyayari sa akin? Dati nung basagulero pa ko, ang tigas-tigas naman ng mukha ko. Nung humingi ako ng tawad sa kapatid ko at Mama ko, nagawa ko namang harapin nang buong tapang. Pero ngayon, pagdating sa love? Pagdating sa pag-amin kay Drey? Naduduwag ako? Nakakagago!

SA BAHAY……….

Nakasabay namin si Mama sa pagdating sa bahay at may dala siyang pasalubong sa amin na Sundae. Tamang-tama at kailangan na kailangan kong tumira nun ngayon. Kaya pagdating namin sa may dining, agad kong dinampot iyong supot nito, para kumuha ng isa……..

“Hindi ka naman masyadong excited ah kuya…”sambit ni Hershey…
“Ehehe…”pilit kong tawa….
“Kanina kasi napadaan ako dun sa may tapat ng chain…At naalala ko kayo…Kaya iyan binilihan ko kayo…”
“Thank you po tita ah…”sambit ni Drey….

Nang makakuha na ko ng sundae………

“Siya nga pala Hagen…Nakabili na ko ng mga bumbilyang pamalit dun sa na napundi sa….”

Hindi natapos ni Mama ang kanyang dapat sasabihin, dahil bigla akong sumingit ng……..

“Ah Ma…Si…Si Drey na lang po ang pagkabitin niyo…Ka…Kailangan ko na kasing umakyat…Nababanyo na ko eh!…”

Matapos iyon ay dinala ko na iyong sundae at dali-dali akong pumunta sa kwarto ko. Hindi naman talaga ko nababanyo, sinabi ko lang iyon para makaiwas sa kanila. Ayaw ko kasing kumain sa harapan nila, baka kasi mahalata nila na may gumugulo sa akin. Mahirap na, baka magtanong pa sila, yari ako nun.

Ginawa ko na iyong pamatay ko, tapos ay nilantakan ko na iyong sundae. Binilisan ko ang pagkain, dahil baka umakyat na rin si Drey. Habang kumakain ako, bigla na lamang…….

“Baka naman mabulunan ka niyan sa ginagawa mo…”

Nagulat ako sa nagsalita at napalingon……..

“Her…Hershey!…”
“Sabi ko na nga ba eh!…Dito ka pupunta…”sambit niya habang kumakain rin ng sundae……
“Paano mo nalaman?!…”
“Magbabanyo may dalang sundae?…Hmph…Sinong niloko mo…”

Napakamot na lamang ako sa ulo…….

“Ano na naman ba ang emote natin ngayon?…Ha kuya?….”

Eto na nga ang kinakatakot kong mangyari. Pero sa totoo lang, nahihirapan na rin akong sarilinin ang mga pinagdadaanan ko ngayon. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko itong kapatid ko. Mabuti siguro na sabihin ko na lang sa kanya ang lahat.

Sinabi ko na nga sa kanya, pero matapos niyang marinig ang paglabas ng katotohanan mula sa bibig ko, bigla na lamang siyang tumawa. At humiyaw pa ng………..

“SABI NA EH! BIBIGAY KA RIN KAY KUYA DREY EH!!…”
“Gago ka!…Pag ikaw lang narinig nina Mama at Drey…”
“Sorry kuya!…”

Sumilip siya sa may pinto. Pagkatapos ay sinara niya ito at binalikan agad ako…….

“Hindi naman nila narinig…Pero teka…Ibig mong sabihin hindi pa alam ni kuya Drey?…”
“Oo…”
“Bakit hindi ka pa magtapat sa kanya?…”
“Eh iyon nga ang prinoproblema ko ngayon eh…”
“Huh?…Aysus naman kuya!…Hindi na uso ngayon ang torpe…Lalong-lalo na sa mga kagaya natin….”
“Hmph!…Kung magsalita ka para kang may maipagmamalaki ah…Parang ang dami-dami mong alam…Bakit?…Dumaan ka na ba sa pinagdadaanan ko ngayon ha?!…”

Imbis na sumagot nang matino, ngumisi lang siya sa akin. Pero iyong ngisi niya may kahulugan. Agad kong nagets ang ipinapahiwatig ng lokong bata, pero hindi ako makapaniwala dito……..

“Langya ka!…Naunahan mo pa kong magkasyota…”
“Syempre!…Dahil di ako mahina na gaya mo!…Hihihi…Pero kuya secret lang din iyon ah….”
“Sige na!…Ikaw na ang malupet!…Pero kung talagang magaling ka….”
“Ano?…”

Nakakahiyang gawin toh para sa akin, pero……….

“Tulungan mo naman si kuya kay Drey!…”nakacrossfingers kong sambit…..
“Eh?!…Akalain mo nga naman…Ang dating siga ng school, ngayon nagkakandaloko na sa isang lalake…Ahahaha…”
“Please Hershey!…”
“Fine!…I will help you kuya…”
“THANK YOU!….Isa ka talagang mabuting kapatid…”sambit ko na may kasama pang pag-akap sa kanya….
“Huwag ka munang magthank you…Di pa nga nagiging kayo eh…Hehehe….”
“So paano?…Anong gagawin ko?…”

Bago pa man siya makasagot sa akin, bigla naming narinig ang……..

“Haj!…”
“Si Drey nandiyan na!…”
“Mamaya na lang natin pag-usapan…Pagtulog na sila ni Mama…Pumunta ka sa kwarto ko…”pabulong niyang sambit…

Matapos iyon ay dinala ko iyong sundae at lumabas na kaming dalawa ng kwarto. Pumunta siya sa kwarto niya. Ako naman ay pumunta kay Drey na naabutan kong papunta sa banyo………

“Drey!…Bakit tinatawag mo ko?…”

Napahinto siya at napalingon sa akin………

“Pinapababa ka ulit ni Tita eh…May sasabihin ata…Teka, akala ko ba nasa banyo ka?…Eh bat sa kwarto ka nanggaling?…”
“Ahmmm…Tapos na…”
“Eh bat di ka pa nagbibihis ng pambahay?…”
“Kasi…Inuubos ko pa itong sundae ko!…”pagpapalusot ko sabay subo ng sundae…..

KINAGABIHAN……….

Gaya ng napag-usapan namin ni Hershey, nang masigurado ko na tulog na si Drey, bumangon ako at lumabas ng kwarto para pumunta sa kanya. Pagdating ko sa may tapat ng pinto niya, narinig ko na tila may kinakausap siya at tumatawa pa…….

“May kausap sa cellphone nang ganitong oras?…”bulong ko sa aking sarili…….

May pakiramdam na ko sa kung sino ang kausap niya. Pero nacucurious pa rin ako kaya binuksan ko na iyong pinto at pumasok na ko. Nagulat siya sa akin at……..

“Ahmmm…Beh sige na!…Kailangan ko nang ibaba iyong phone eh…Kita na lang tayo bukas sa school…Goodnight…”

Ibinaba na niya iyong phone. Tapos ay tinabihan ko siya sa kama niya kung saan siya ay nakaupo………

“Aba matinde!…At may tawagan pa talaga kayo…”
“Bakit?…May tawag din naman sa iyo si kuya Drey di ba…”nakangisi niyang sagot…..
“Hindi talaga ko makakalusot sa iyo eh noh…”
“Hahaha…”
“Matanong ko lang, gaano na ba kayo katagal nun?…”

Sumagot siya sa pamamagitan ng pagsensyas ng kamay niya sa akin ng…..

“Lima?!…Limang buwan?!….”
“Yup….”
“Pero kailangan ba talaga na tawagan ka niya nang dis oras ng gabi?…Ha?….”
“Nag-goodnight lang naman iyong tao eh….Tsaka teka!…Bakit ba iyong bf ko ang pinag-usapan natin?…Eh hindi naman siya ang ipinunta mo dito di ba?…”
“Syempre…Kuya mo ko noh…Gusto ko lang din masure na okay ka….”sagot ko sabay ngiti……

Kahit na sa maliit at simple na bagay lang, gusto ko din na makabawi sa kapatid ko. Gusto kong iparamdam sa kanya, na nandito na ngayon ang kuya niya, para sa kanya. Matalino talaga ang batang toh, dahil naunawaan niya agad ang nais kong iparating. Ngumiti din kasi siya sa akin at……..

“SALAMAT…KUYA HAGEN….”
“Oh paano na?…Pag-usapan na natin kung paano mo ko tutulungan kay Drey….”
“Hmmm…Natotorpe ka…So kung hindi mo kayang magtapat sa kanya sa salita…Bakit hindi mo idaan sa gawa?…”
“Too late bro…Pumalpak na rin ako pati dun…”napapakamot sa ulo kong sagot…..
“Huh?…”

Ikinuwento ko sa kanya iyong kagaguhang ginawa ko kaninang hapon. At panay na naman ang tawa niya……..

“Haha…Seriously, ‘gawa’ na ang tawag mo dun?…”
“Hmph!…Para sa akin ganun iyon…”iritable kong sagot
“Eh kung ganyan, talagang walang mangyayari sa iyo!…”
“Kaya nga humihingi ng tulong eh…”
“Okay!…Ganito kuya ha…Unang-una…Kung magtatapat ka, dapat nasa tamang oras at lugar…Hindi iyong basta na ka na lang mag dada moves habang nasa gitna kayo ng trobol!….”
“Eh kailan at saan naman iyang tamang oras at lugar na iyan?…”
“Hmmm…….Di ba malapit na kayong magprom?….”
“Oo nga pala noh!…”

Tama siya! Sa susunod na linggo na ang prom namin. At napakagandang pagkakataon nga noon. Bakit hindi ko agad naisip iyon?……..

“Oh iyan, may venue at time ka na….Ngayon naman, ang pangalawa ay iyong da moves na gagawin mo…”sambit niya sabay ngisi….
“Ay, diyan na ko mahina….”
“Kung mahina ka…Bakit di ka humugot ng kaunting soft serve ng motivation…Mula sa isang bagay na parehong special sa inyo ni kuya Drey…”
“Special?….Soft serve?….”napapaisip kong sambit…..

Dun na biglang pumasok isipan ko ang…….

“SUNDAE!…”

At dahil sa mga ideyang ibinigay niya sa akin, isang plano ang nabuo naming dalawa.

ILANG ARAW BAGO ANG PROM, SA SCHOOL……….

Galing ako ng washroom, pagdating ko sa may hallway na papunta sa classroom namin, nadatnan ko si Drey na may kausap na babae. Hindi ko siya kilala, dahil di namin siya classmate. Lalapitan ko na sila, pero napahinto ako bigla nang makita kong yumapos iyong babae sa isang braso niya.

Bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko. Napaiwas na lamang ako ng tingin mula sa kanila at napayuko. Dahil ayaw ko nang makita kung anu man ang susunod pang mangyayari. Makalipas lang ang ilang minuto……..

“Oh…Bakit ka nakatunganga dito?…”usisa ni Drey…………

Hindi ako umimik, kaya tinapik na niya ko……

“Uy!…Haj!…”

Napalunok ako, tapos ay inangat ko na ang ulo ko at ngumiti………..

“Ibang klase ka rin ah…Nalingap lang ako sandali, nangchicks ka na…Sino siya?….”
“Siya iyong date ko sa prom….”
“D…Date?…..”
“OO…Ayos siya di ba?…Actually….”sambit ni Drey…….

Di ko na kayang marinig pa ang mga sasabihin niya tungkol dun sa babae, kaya naman siningitan ko siya……….

“Ah…Eh…Kailangan ba talaga na may ganun pa?…”
“Ano ka ba naman Haj!…Isang beses lang tayo makakapagprom sa talambuhay natin….Kaya dapat gawin nating memorable toh….”
“Memorable…….Mukha nga……Mukha ngang ganun ang mangyayari….”paimpit kong sambit……….
“Huh?….”
“Ah wala….”
“Eh ikaw?…May date ka na ba?….Kung wala pa, pwede kitang hanapan…..”
“Sus!….Hindi ko kailangan ng date-date na iyan noh…”iyon na lamang ang naisagot ko……

Kasunod noon ay napangiti na lamang ko. Kunyari ay wala lang sa akin ang lahat, na okay lang ako. Kahit na ang totoo ay hindi. Matapos iyon ay niyaya ko na siyang bumalik sa classroom namin.

GABI NG PROM……….

Nasa kwarto kaming dalawa ni Drey. Nagbibihis at nag-aayos na kami ng aming sarili para sa prom. Nagrenta si Mama nung tinatawag na black tie para sa amin. Ito ang unang pagkakataon na magsusuot ako nito. At lintik na iyan! Iyong slacks at long sleeves pa nga lang na polo ang naisusuot ko eh naaalibadbaran na ko nang husto. Lalo na nang tignan ko ang sarili ko sa salamin………..

“Taena naman nito!….Hindi ba pwedeng magpunta ng prom nang nakasando lang?!…”inis kong sambit…..
“Ano ka ba!…Formal event iyon…Kaya hindi ka pwedeng magsando dun…Tsaka sayang naman iyong binayad ni tita sa mga toh noh, kung di mo gagamitin….”sambit ni Drey na nagsusuot na rin ng polo sa likuran ko………
“Eh kasi naman ang init-init nito eh!…Alam mo naman na ayaw ko sa mga damit na may manggas di ba?…”

Dinampot ko iyong ribbon na gagamitin ko mula sa kama at…………

“Tsaka hindi ako marunong magkabit nitong ribbon!….”

Huminto siya sa pagbubutones nung polo niya at………

“Iyan lang ba ang problema mo?…”usisa niya sabay kuha nung ribbon sa akin…..

Kasunod noon ay clinose neck niya ang pagkakabutones ng polo ko. Tapos siya na ang naglagay at nag-ayos nito para sa akin……

“Madali lang naman ikabit toh eh…Ganito lang oh…Tsaka hindi po ribbon ang tawag dito, bow tie!…”sambit niya…..

Hindi na ko nagsalita, pinanood ko na lamang siya habang ikinakabit ito sa akin. At habang pinagmamasdan ko siya, napangiti na lamang ako. Kinuha na rin niya iyong suit na kasama nito mula sa kama………….

“Oh isuot na rin natin toh sa iyo, para tapos na ang problema mo…”

At tinulungan ako na isuot ito. Matapos iyon ay iniharap niya ko sa salamin, para makita ko ang itsura ko……..

“Tignan mo…Rerekla-reklamo ka pa diyan, eh ang gwapo-gwapo mo nga sa suot mo oh….”

Mula sa salamin, napansin ko na medyo namumula siya habang sinasabi iyon nang nakatingin sa akin. Lumingon ako sa kanya……..

“Sa…Salamat sa tulong ha…”
“Magsabi ka nga sa akin ng totoo Haj…Napansin ko kasi na mula pa kaninang umaga, tila aburido ka…May gumugulo ba sa iyo?…”
“Ha?!….Ah wala toh…Ninenerbyos lang ako…Kasi…Kasi ngayon lang ako makakapunta sa isang formal na party…Huwag mo na kong isipin Drey…O…Okay lang ako…”
“Sure ka ha?…”
“Oo…Ahmmm….Sige…Mauuna na ko sa labas….Hihintayin na lang kita sa sala ah….”

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba sa may sala. Pagdating ko doon, naabutan ko ang kapatid ko na nakaupo sa supa at nanonood ng TV. Agad siyang napatingin sa akin. Napatayo siya at lumapit……..

“Naks!….Ang pogi ng kuya ko ah!….”

Tapos ay naging pabulong ang pagsasalita niya…….

“Ready ka na ba for your big night?….”nakangisi niyang usisa……

Alam ko na ang tinutukoy niyang big night ay hindi iyong prom, kung di iyong plano namin na pagtatapat ko kay Drey. Iyong plano ay hindi namin tatapusin ni Drey iyong prom. Dahil pagkatapos ng cotillion ay yayayain ko siyang tumakas at magpunta sa chain. Dun ko sa chain gagawin ang lahat habang kumakain kami ng sundae.

At syempre, nandun si Hershey para sumuporta at palihim akong tulungan sa mga magiging kilos at sasabihin ko. Hindi siya magpapakita kay Drey, magtatago lang siya hanggang sa matapos ito……..

“Iyong totoo?…Nagdadalawang-isip na ko kung itutuloy ko pa ba toh…”sagot ko….
“Ha?!…Bakit?!….”

ITUTULOY……….

 
YouPorn