Sundae (Part 4)

Sundae (Part 4)
By: Chaster Rassel

hot-pinoy-hunks-in-underwear-83Flavor 4: It’s Gone!

Bigla kaming umayos nang pagkakatayo. At kung kanina gusto kong bumitaw sa kamay ni Drey, ngayon naman ay humigpit ang hawak ko sa kanya nang dahil sa kaba………..

“Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?…”usisa niya……..
“Po?!…Ma’am naman…Mukha ho ba kaming nag-aaway?…Eh nagkukulitan nga ho kami eh…”pagpapalusot ni Drey……
“Oh really huh….”
“Tignan niyo ma’am oh magkaholding hands pa kami….Gagawin ba naman toh ng nag-aaway…”muli niyang sambit…..

At talagang itinaas pa niya iyong magkahawak naming mga kamay, para mas lalo itong makita ni ma’am. Napatingin naman si ma’am dito at tila nabigla siya. Taenang iyan! Nakakahiya! Ang gago talaga nitong si Drey…….

“Hmmm…So ibig sabihin ba nito…Magkasundo na kayo?….”usisa ni ma’am…..
“Opo ma’am…Ka…Kami pa nga po iyong…Iyong magkapartner sa book report namin sa English eh…”nauutal kong sagot…..
“Tsaka di lang iyon ma’am…Talagang good boy na kami ngayon ni Haj….Hindi ba Haj?….”dagdag ni Drey sabay ngisi sa akin……..

Saan naman kaya niya nakuha ang palayaw na iyon? Nakakaasiwa pakinggan! Pero, sinakyan ko na lang siya para di kami mapahamak………

“Ah…Eh…Oo naman….To…Totoo po iyong sinasabi niya ma’am….”sagot ko na may kasamang pilit na ngiti………
“Oh siya!…Sumunod na kayo sa akin sa classroom at malapit nang tumunog ang bell….”

Nauna na sa amin si ma’am at nang tuluyan na siyang makaalis………

“Haj?!…”inis kong usisa….
“Bakit?…Eh cute namang pakinggan ah…”

“Anong cute! Eh parang pangalan ng aso iyong tunog eh!….”
“Hindi kaya…Ang lambing nga ng tunog eh…Tsaka pinaikli ko lang naman ang pangalan mo noh…..”
“Hmph!…”
“TAMA!…Mula ngayon, Haj na lang ang itatawag ko sa iyo!…”nakangisi niyang sambit…..

At mas lalo kong nainis dahil sa sinabi niyang iyon………

“Ano Haj?….Tara na sa classroom?…”usisa niya sabay ngisi ulit….

Humakbang na siya, pero hindi siya nakatuloy sa paglakad. Hindi kasi ko gumalaw mula sa kinatatayuan ko, dahil sa isang bagay na tila nakalimutan niya………..

“Oh bakit ayaw mong kumilos?…Baka malate na tayo niyan….”
“GAGO!…Maglalakad tayo papuntang classroom nang magkahawak ang kamay?!…”

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Namula siya at napabitaw na sa wakas mula sa kamay ko. Umiwas siya ng tingin sa akin, tapos ay napakamot na lamang siya sa kanyang ulo………

SA PAGLIPAS NG MGA ARAW……….

Nang matapos na namin basahin pareho iyong libro, mas dumalas na kaming magkasama ni Drey, dahil sa paggawa nung book report. Dahil Napadalas din ang pagpunta namin sa chain. Dun kasi namin ito ginagawa habang kumakain ng sundae.

Dahil din dun, unti-unti kong narealize na masarap din palang kasama ang mokong. Minsan nga, nang magawi ako sa chain nang mag-isa lang, nahuli ko na lamang ang sarili ko, na dun nakaupo sa paborito niyang pwesto, kahit na wala siya.

Naging paborito ko na rin pala dun dahil sa kanya. At ang nakakaloko, pakiramdam ko may kulang dahil wala siya. Eh dati naman sanay akong mag-isa. Sabihin na natin na makulit siya at nakakairita. Pero sa totoo lang, mas nag-eenjoy ako ngayon kapag nandiyan siya.

Isang gabi, nasa may beranda ko ng bahay namin. Presko kasi dito, tapos may pahabang mesa at bangkong may sandalan na masarap tambayan. Kaya naisipan ko na dito na lang mag-aral ng aking mga leksyon. Mayamaya ay dumating ang kapatid ko……..

“Kuya Hagen!…”maligalig niyang patawag sa akin…..
“Oh bakit kuya Hershey?…”pabiro kong sagot sabay lingon sa kanya……
“Haha!…Aba mukha atang good mood tayo ngayon ah….”
“Bakit? Porket ba lagi akong masungit eh hindi na ko pwede maging good mood?….”
“Eh kasi naman nag-iba bigla iyong dating ng isa diyan!….Ang aliwalas ng mukha…Hmmm…Mukhang nag-iba na ata ang flavor ng sundae niya ah….I smell…LOVE flavored sundae, na may toppings na nagsisimula sa letter D…Ahihi!….” sambit niya habang naglalakad palapit sa akin….

Nabanggit ko kasi sa kanya ang tungkol sa mga nanyari sa amin ni Drey, pati na ang pagkakasundo namin. Pero kung alam ko lang na gagamitin niya pala toh para mang-asar, hindi ko na sana sinabi………

“Kung anu-ano na naman ang pinagsasabihan mo diyan ah…Huwag ka ngang magulo…Kita mong nag-aaral itong tao eh….”
“Sus!…”

Tinabihan niya ko sa bangko…….

“Eh kayo nga pala ni crush mo?…Kumusta?…”usisa ko….
“Ah kami ba…Ahmmm…TEKA!…Binabaliktad mo ko eh!….”

Ngumisi ako sa kanya na may bahid ng pang-aasar…….

“Ay binabago niya iyong usapan para makaiwas…Style mo bulok kuya!….”
“Hoy wala akong dapat iwasan noh…Hehe…”
“Talaga?…Eh bat naging palangiti ka?…Eh dati masungit ka…Tapos kapag pumapasok ka sa school para kang laging excited….AT…Atat na atat kang maggawa ng book report…Dahil ba sa sundae? O dahil sa partner mo?…Ahihihi….”

Nak ng…Pati iyong mga ganung bagay napansin pa niya?! Dinaig pa ata ng batang toh ang isang detective ah…….

“Excuse me lang ha…Kailangan ko po iyong book report para mabawi ko ang grades ko…Kaya natural lang na maging pursigido ako dun…Iyon lang iyon!…”
“Okay…Ayaw mo magsabi ng totoo…Fine!…Si kuya Drey na lang ang tatanungin ko…”

Pagkasabi niya noon ay bigla siyang naglabas ng cellphone mula sa bulsa ng shorts niya at agad na nagdial. Nagulat ako’t nataranta, ni hindi ko kasi alam na may number pala siya ni Drey. Napabitaw tuloy ako nang di oras sa hawak kong libro at………

“HUWAG!…”hiyaw ko sabay hawi nung phone mula sa kamay niya…..

Hindi niya naituloy ang kanyang pagtawag. Pero panay naman ang tawa niya sa akin……..

“Paano mo nakuha ang number ni Drey?!….”
“Ah nauto!…Wala naman talaga kong number niya eh…Gusto ko lang naman makita ang magiging reaksyon mo…Ahahaha!…”tumatawa niyang sambit…….
“Langya kang bata ka!…Pinakaba mo ko!!…”
“Pinakaba?…Sabi na nga ba eh…May tinatago ang kuya ko eh…Haha…Magsabi ka na kasi ng totoo…”

Naloko na, nacorner na ko ng makulit na bata. Ilang bang utak meron ang isang toh at lagi na lang niya kong naiisahan. Gusto niyang magsabi ako ng totoo, eh ni hindi ko nga alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon para kay Drey. Nalilito at naguguluhan kasi ko sa mga nangyayari sa akin at sa amin……….

“Ano na!…Speak up!….Kuya…HAJ!…”nakangisi niyang sambit……

At talagang inartehan at inemphasize pa niya iyong “Haj”. Mukhang hindi hihinto toh hanggat di ako nagsasalita. Makapatid nga talaga kami, pareho kasi kaming malupet mangpigga ng tao eh. Naalala ko tuloy, ganito din iyong ginawa ko dati kay Drey sa chain. Hay, ang karma nga naman, bigla-bigla na lamang dumarating………..

“Ewan…”sambit ko……
“Anong ewan?…”
“Ewan ko…Nalilito ko eh…Basta ang alam ko lang, mula nung malaman ko na mahilig din siya sa sundae….Na pareho kami pagdating dun…Nag-iba na ang tingin ko sa kanya…Tapos gustong-gusto ko na nakakasama siya…Lalo na kapag kumakain kami ng sundae….”
“So ibig sabihin…Hindi ka na galit sa kanya….At nagugustuhan mo na siya?….”
“Si…Siguro…Ganun na nga…”
“Akalain ko mo nga naman…More than 3 years din kayong naggegerahan…Tapos sundae lang pala ang makakapagpabati sa inyo…Hahaha!….”

Habang sinasabi niya ang mga iyon, nahuli ko na lamang ang sarili ko na napapangiti……….

“Uyyyyyyyyyyy!!!…Napapamahal na sa kanya si kuya Drey….”pang-aasar niya…….
“Hoy!…Wala akong sinasabing ganyan ha!….”
“Asus!…Kasasabi mo lang eh…Nagugustuhan mo na siya eh!…”
“Ang sabi ko ‘siguro’ , tsaka iba iyong nagugustuhan sa napapamahal…Loko ka!…”
“Magpapalusot pa…Eh nagblublush ka na nga diyan oh kuya…hahaha!….”
“Tigilan mo ko!…”

Napapamahal? Saan ba nakukuha ng batang toh ang mga pinagsasabi niya? Oo, awkward ang pakiramdam ko ngayon kay Drey. Pero kahit kailan, hindi pumasok sa utak ko iyong mga kagaguhang pinag-iisip ng isang toh.

ISANG ARAW BAGO ANG DEADLINE NG BOOK REPORT……….

Nagawa naming tapusin ni Drey iyong report namin sa oras. Ang tanging kailangan na lamang namin gawin ay ang ipaprint ito. Pagdating sa school, bago ko pumasok sa classroom namin, nagtungo muna ko sa locker ko. May kinuha akong ilang libro na gagamitin ngayon sa klase. Pagsara ko nung pinto, nagulat ako na may tao pala sa likod at biglang……..

“Good Morning Haj!!!…”
“AY BULLDOG!…”

Bwiset na Drey toh, ke aga-aga nangtritrip na………….

“Grabe naman toh…Talaga bang mukha kong aso sa paningin mo?…”
“Ginulat mo ko eh!…At ilang beses ko bang kailangang sabihin sa iyo, na huwag mo kong tatawaging Haj!….”
“Haj…Haj…Haj…My one and only Haj…”nakangiti niyang sambit sabay akbay sa akin……

Nung una, naiinis at naiirita talaga ko kapag tinatawag niya ko nang ganun. Pero nang tumagal, nag-iba na, kinakabog na ko sa tuwing tinatawag niya ko sa palayaw na iyon. Pero syempre, ayaw kong ipahalata sa kanya iyon. Kaya naman………

“Tumigil ka nga…Tsaka alisin mo iyan!….”pagalit kong sambit….

Inaalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin………

“Baka mamaya niyan may makakakita pa sa atin…At kung ano pa ang isipin!…”
“Hahaha…Mas okay nga iyon eh…Kaysa naman sa makita nila tayo na nagsusuntukan di ba?…”natatawa at pabiro niyang sagot…..
“Baliw!…”

Nilock ko na iyong locker. Pagkatapos noon……

“Siya nga pala…Iyong flash drive ba nadala mo?…”usisa ko….
“Syempre naman…Hindi natin mapapaprint iyong book report ng wala iyon noh…”

Kinapa niya ang isa sa mga bulsa ng slacks niya. Tapos ay ipinasok niya ang kamay niya dito. Ilalabas ata niya iyong flash drive. Pero……

“POTAENA!…”bigla niyang sambit…..
“Bakit?!…”

Nag-iba iyong timpla ng mukha niya. Inilabas niya iyong kamay niya mula sa bulsa nang walang laman. Hanggang sa pinagkakapa na niya pati iyong iba niyang bulsa……

“Huwag mo sabihin sa akin na iyong flash drive ay……”
“Haj…NAWAWALA!…”
“Anak ng tipaklong!…DREY NAMAN!…”
“Dito ko lang naman sa bulsa ko nilagay iyon kanina eh…Shet na iyan!…Baka nalaglag ko kanina sa jeep papunta dito….”sambit niya habang patuloy na kinakapa ang kanyang mga bulsa…..
“Sigurado ka ba?!…Hanapin mong mabuti!…”
“Wala talaga!….”

Taenang iyan! Malaking problema toh! Nag-iisang kopya lang nung report namin, iyong nandun sa flash drive niya. At ang masaklap pa………

“ARRGH!…Drey ano ka ba naman!… Alam mong bukas na iyong pasahan, tapos ganito pa ang ginawa mo!”
“Pasensya na Haj….Hindi ko naman sinasadiyang maiwala iyong flash drive eh….”
“Pasensya?!…Winala mo iyong book report na kailangang-kailangan natin para makabawi sa grades!….Tapos gusto mo magpasensya ko?!….Eh gago ka pala eh!….Hmph…Sabagay, dati nga nalalag mo iyong wallet mo na muntinkan mo pang ikinadisgrasya eh….Kaya hindi na nakapagtataka na naulit toh…Dahil wala ka naman talagang ibang alam gawin, KUNG DI PURO KAPALPAKAN!!!….”bwiset kong sambit…….

Sa inis ko ay nilayasan ko na siya. Pagkatapos ay nagpunta na ko sa classroom namin. Hanggang sa lunch break, hindi ko siya kinibo. Ni hindi ko siya sinamahan sa may caferia at sa classroom na lamang ako kumain.

PAGDATING NG UWIAN…………

Naunang lumabas si Drey ng classroom kesa sa akin at tila nagmamadali siya. Agad ko siyang sinundan. Nagpasiya kasi ko na kausapin na siya. Naisip ko kasi na walang mabuting idudulot sa amin ang pagpapairal ko ng inis. At lalong hindi rin nito masosolve ang problema namin ngayon.

Pero ang bilis niyang nawala. Langya! Huwag niya sabihing ngayon pa niya naisapan na mang-iwan sa ere! Agad akong tumakbo papunta sa labas ng school, baka kasi hindi pa siya nakakalayo. Pero wala akong Drey na nadatnan. Ipinagtanong ko siya sa school guard. Hindi naman daw siya nakita nito na dumaan. Ibig sabihin, maaaring hindi pa siya lumalabas. Dahil dun ay bumalik ako sa loob para hanapin siya. Hinanap ko siya sa may cafeteria, pati na rin sa may washroom, pero wala. Huli kong pinuntahan ay ang library. At nandito nga siya.

Nakaupo siya sa isa sa mga mesa. Nang papalapit na ko sa kanya ay napahinto ako bigla, dahil sa natanaw ko na ginagawa niya. Nagsusulat siya, tapos nakapatong sa mesa iyong mga handwritten drafts na pinaggagawa namin dati para sa report, pati na rin iyong librong ginamit namin.

Ginagawa niya ulit iyong book report nang mag-isa at mano-mano pa dahil nga wala na iyong flash drive. Loko talaga itong mokong na toh, kaya naman pala nagmamadaling umalis. Napangiti na lamang ako habang tinitignan siya. Bigla ring gumaan ang pakiramdam ko at nawala iyong inis ko kanya.

Nagkamali na naman ako, ang gago ko talaga. Hindi ako dapat nagalit sa kanya kanina. At lalong hindi ko siya dapat pinagsalitaan nang di maganda. Kung tutuusin nga, wala naman talaga siyang kasalanan. Hindi rin naman niya ginusto ang mga nangyari.

Tuluyan ko na siyang nilapitan, pero nagdahan-dahan ako para di niya mamalayan. Nang makalapit na ko, bigla akong umupo sa tabi niya. At sa unang pagkakataon, napaakbay na lamang ako sa kanya……….

“Hmph!…Magsolo flight daw ba?…”sambit ko sabay tingin sa kanya…..

Nagulat siya sa ginawa ko, napahinto siya sa pagsusulat at napatingin din sa akin……….

“Bakit naman hindi mo sinabi sa akin, na may balak ka pa lang gawin ulit iyong report?….”usisa ko….
“Eh ako naman ang may kasalanan ng lahat eh…Kaya naisip ko na ako lang din ang dapat na gumawa nito…Ayaw ko na din na madamay ka pa nang dahil sa mga katangahan ko….Tsaka di ba galit ka sa akin?….”
“Ano ka ba!…Para saan pa na naging partner mo ko kung hindi kita tutulungan?…Tsaka…Wala naman ako dapat ikagalit sa iyo eh…Dahil wala ka naman talagang kasalanan…”
“Ha…Haj….”
“Hindi kita dapat pinagsalitaan nang masama kanina…Pasensya ka na Drey ah…Nadala lang kasi sa bwiset ko eh….”napapangiti kong sambit sabay kamot sa aking ulo, gamit ang isa ko pang kamay…..

Unti-unti din siyang napangiti sa akin at………..

“Hagen Dasuero…Ikaw ba talaga iyan?…”nakangisi niyang usisa….
“Loko…Ano namang klaseng banat iyan?…”natatawa kong sagot….
“Eh kasi po ang bait-bait mo!…At ngayon lang ata kita narinig na humingi sa akin ng pasensya ah…..”
“Hahaha…Sabihin na lang natin na…Marami na kong natutunan, mula nung makipagbati ako sa isa diyan…”

Tama, marami na kong natutunan at malaki na rin ang nagbago mula nung magkabati kami. At sa totoo lang, ayaw ko nang bumalik pa kami ulit ni Drey sa dati, na puro away at sakitan. Dahil masaya ko sa kung anong meron kami ngayon. Masaya ko, na nandito siya sa tabi ko…………

“Oh…Ang mabuti pa, sa ibang lugar na lang natin gawin itong report…Dahil pag dito eh tiyak na aabutin tayo ng closing time…”
“Eh saan naman natin gagawin?….Sa chain ulit?…”
“Hmmm….Para maiba naman…Bat di na lang kaya natin gawin sa bahay namin?….”

Natigilan siya, tila nabigla siya sa sinabi ko. Maging ako man ay ganun din sa sarili ko. Hindi ko kasi inakala na darating pala ang pagkakataong ganito, na yayain ko siyang magpunta sa bahay namin………..

“Si…Sigurado ka ba diyan Haj?…Gus…Gusto mo kong pumunta sa bahay niyo?…”nauutal niyang usisa…..
“Oo naman…Gagawa lang naman tayo ng book report eh…Iyon lang iyon…Wala po iyong ibang kahulugan….”
“Okay…Sinabi mo eh…Pero bago tayo pumunta sa inyo…Dapat, bumili muna tayo ng pampalakas…”sambit niya sabay ngiti….
“SUNDAE!”sabay naming sambit…..

Nasa library nga pala kami at medyo napalakas iyong boses namin. Kaya naman natawa na lamang kami nang mahina. Pagkatapos noon, napatingin siya sa kamay ko na nakaakbay sa kanya. Lumingon siya ulit sa akin at ngumisi………

“So kapag ikaw ang nang-aakbay, pwede…Pero kapag ako, hindi?….”

Bigla akong napakalas sa pagkakaakbay, sabay iwas ng tingin mula sa kanya. Natawa siya, habang ako naman ay napakamot na lamang sa aking ulo.

Matapos iyon ay tinulungan ko na siyang ayusin at dalhin iyong gamit na nasa mesa. Umalis na kami sa may library. At habang naglalakad kami sa may hallway……..

“Paano nga pala iyong Mama mo, Haj?…Di ba magagalit iyon sa pagpunta ko?…”
“Hay nako, tiyak na magugulat iyon…Pero di naman siguro magagalit….”

PAGDATING SA BAHAY……….

Nauna kong pumasok sa bahay. Si Drey naman ay sumunod nang nakatago sa likuran ko. Kesyo nahihiya at natatakot daw siya sa magiging reaksyon ni Mama, kapag nakita siya. Naabutan namin si Mama na nanonood ng TV. Hindi niya kami napansin kaya naman……..

“Mmmm….Ma……”

Napalingon sa akin si Mama…….

“May kasama ko…”

Dahan-dahan nang lumabas si Drey mula sa likuran ko. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa amin…….

“Good…Good afternoon po…”bati ni Drey….
“Anong ibig sabihin nito?!…Bakit kayo magkasamang dalawa?!…”

ITUTULOY……….

 
YouPorn