Sundae (Part 3)

Sundae (Part 3)
By: Chaster Rassel

hot-pinoy-hunks-in-underwear-83Flavor 3: Trying Out A New Combination

“Tayo?! Magiging magkapartner sa book report?!…Nasisiraan ka na ba Drey?!…”iyon na lamang ang naging reaksyon ko……
“Hindi…Tsaka hindi lang sa book report ang ibig kong sabihin…Sa lahat…Sa pagpasok sa top 10…Sa pag-ayos sa buhay natin….”
“Hmph!…Nasisiraan ka na nga…”
“Oh c’mon Hagen!…Sa iyo na rin nanggaling eh…Pareho lang tayo ng sitwasyon ngayon…So bakit hindi na lang tayo magtulungan…”
“HINDI!…Hindi ako makikipagtulungan sa iyo…Maliwanag?!…”

Hindi na siya nagsalita, kaya tinalikuran ko na siya. Pero nang palakad na ko, dun siya nagsalita ulit…….

“Kapag pumayag ka…Ililibre kita ng SUNDAE!!!…”

Napahinto ako nang marinig ko ang salitang sundae. At nahuli ko na lamang ang aking sarili na lumilingon pabalik sa kanya. Pumunta siya sa tabi ko at inakbayan ako. Dahan-dahan ay inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at…….

“Alam kong favorite mo ang sundae….”
“Alam niya?!…”nagtataka kong bulong sa aking sarili…..
“Anong gusto mong flavor?…Caramel?…Hot Fudge?….O iyong special sundae na Imperial Choco Indulgence?…Sabihin mo lang…Sagot kita…Basta ba pumayag ka lang…”sambit niya na may boses na tila ba pinatatakam niya ko…..

Imperial Choco Indulgence, iyon ung special na sundae na sineserve dun sa chain. Imbis na isang klaseng soft serve lang, dalawa ang meron dun, vanilla at chocolate. Tapos may toppings ito na chocolate sauce, fudge brownies, dinurog na dark chocolate tsaka hazelnuts. Nung una ko pa lang nakita iyong picture nun ay talaga namang naglaway ako agad. Pero may kamahalan iyon, kaya hanggang ngayon hindi ko pa natitikman…….

“Ano Hagen?…Ayaw mo bang matikman iyong Imperial Choco Indulgence?…”muli niyang bulong…
Hindi ko alam kung paano niya nalaman na sundae ang kahinaan ko. Pero Imperial Choco Indulgence ang pinag-uusapan namin dito. At hindi ko toh magagawang tanggihan na lang basta. Kaya naman……….

“Fine!…Pumapayag na ko!…”

Napangiti siya sa sinabi ko at………

“Yun oh!…Sabi ko na nga ba eh…Sundae lang ang katapat mo…Hihihi….”
“Huwag kang magsaya diyan…Dahil may dalawa kong kundisyon…” “Sige…Okay lang…Sabihin mo lang kung ano…”
“Una…Hindi tayo magiging close, lahat ng gagawin natin ay pure schoolwork lang…Pangalawa…Hindi mo lang ako isang beses ililibre, sa tuwing gusto kong kumain ng sundae…Dapat sagot mo ko…”sambit ko sabay ngisi…….

Natahimik siya at napakamot sa ulo. Natawa naman ako dahil iyong itsura ng mukha niya ay parang tinderong nalugi…..

“Iyong una okay na okay sa akin….Pero iyong pangalawa….”di niya itinuloy iyong sasabihin niya, sa halip ay napakamot na lamang siya ulit sa ulo…..
“Haha…Huwag kang mag-alala…Hindi naman mabubutas ang bulsa mo sa akin noh….”

Natawa na lang din siya. Matapos iyon, napagpasiyahan namin na pumunta muna sa isang bookstore, para bumili ng librong gagamitin namin sa book report.

SA MAY CHAIN……….

Pagkabili namin ng libro, dumiretso na nga kami sa chain, para kumain na ng sundae at mapag-usapan ang mga gagawin namin. Pagdating namin, agad niya kong niyaya na maupo sa sulok. Nang maupo na kami, narealize ko na ito rin iyong parehong pwesto na inupuan niya dati.. Nung nakita ko siya na malungkot at umiiyak………

“Di ba dito ka rin nakaupo dati?…”usisa ko….
“Oo…May problema ba?…”
“Nagtataka lang ako kung bakit dito sa sulok mo gustong-gusto umupo…..”

Sandali siyang natahimik, tapos napatingin pa siya sa may labas. Pero agad din siyang tumingin pabalik sa akin at……….
“Favorite ko itong pwesto na toh eh…May angal?….”
“Wala!…Hmph…O sige na umorder ka na….”
“Ano bang gusto mo?…”usisa niya….
“Ano pa, eh di iyong Imperial Choco…”sagot ko sabay ngisi para asarin siya…..

Nabakas ko sa mukha niya ang pagkairita sa ginawa ko. Pero hindi na naman na siya kumontra. At lumakad na nga siya para umorder. Hindi ako makapaniwala, napapayag niya ko na makipagkasundo sa kanya nang dahil lang sa sundae. Pero……..

“Siya na lang naman talaga ang pwede kong maasahan…Hindi madali ang mga problemang hinaharap ko ngayon…Kaya mabuti na rin siguro toh…Na may katuwang ako…Kesa sa wala….”bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa kanya…….

Nang matapos siyang umorder at nakabalik na siya sa pwesto namin………

“Ah Drey…Saan ka nga pala tumutuloy ngayon?…”
“Sa bahay ng pinsan ko…Buti nga napakiusapan ko eh…Pero pansamantala lang naman iyong pagtira ko sa kanila…Dahil pag nalaman ni Mommy na nasa kanila ko, which is sure na mangyayari….Kakailanganin ko ding umalis ulit…Para di na sila madamay sa gulo namin…”
“Ah…So ganun pala talaga katindi ang galit ng Mommy mo sa iyo noh….”
“OO…Sa dami ba naman ng mga kasalan ko sa kanya…Eh ikaw Hagen?…”
“Anong ako?…”
“I mean…Nabanggit mo kasi kanina na hindi rin kayo okay ng Mama mo…So… Anong nangyari?…”
“Syempre…Napagalitan din ako nung nasuspend tayo…Ayun nagkasagutan kami…Ang totoo niyan…Hanggang ngayon hindi kami nagpapansinan sa bahay….”
“Oh…Parang mas malala ata iyan kaysa sa amin ah…Kasi magkasama kayo sa bahay, pero parang hindi din dahil walang pansinan…At bakit nga ba humantong kayo sa ganun?…”
“Dahil gago ako…Dahil palaging kong iniisip na masama ang tingin sa akin ng mga magulang ko at ang magaling lang sa kanila ay iyong kapatid ko…Kaya…Kaya nagkaroon kami ng gap…”
“So may inggit ka kay Hershey?…”
“Actually, comedy iyang part na iyan…Dahil iyong makulit na bata pa mismo ang nagpamulat sa akin ng mga mali ko…Na imbis na puro inggit ang pairalin ko…Patunayan ko na lang sa mga magulang namin, na pwede rin nila ko maipagmalaki….At iyon ang goal………….”

Napahinto ko sa pagsasalita, dahil may bigla akong napagtanto………..

“TEKA!!!…”inis kong sambit….
“Huh?…Bakit?…”
“Bat masyado atang personal ang usapan natin?!…May kasunduan tayo na di tayo magiging close di ba?!…”

Biglang siyang natawa, pagkatapos ay…….

“Ahahaha!…Saka mo pa napansin iyan, kung kailan nakapagkwento ka na lahat-lahat….”
“Taena mo inisahan mo ko eh!…”papangisi kong sambit….
“Anong ako…Eh ikaw itong naunang magtanong diyan eh…Hihi…”
“Hmph!…”

Natigil ang usapan namin dahil ready na iyong order. Kinuha niya muna ang mga iyon sandali. Pagbalik niya, hindi lang isang Imperial Choco ang dala niya, kung di dalawa pa………….

“Oh ayan…Tig-isa pa tayo diyan!…”sambit niya sabay lapag ng mga sundae sa mesa at balik sa upuan niya…..
“Sa lahat ng mga pinalayas na anak…Ikaw lang ata ang nakita kong may pera ah….”
“Hehe…Well I’m prepared…Sabihin na lang natin na…Dati pa kong nagkaroon ng hunch na may mangyayaring ganito sa akin…Kaya nag-ipon ako…”
“Loko ka talaga….Kumain na nga lang tayo!…”

Ginawa ko na ang pamatay ko bago tuluyang kumain. Pero ngayon, nagmistulan akong nakaharap sa isang salamin. Dahil may tao sa aking harapan na ginagawa din ito at sabay na sabay pa sa akin. Doon ko lamang naalala na pareho nga pala kami. Sabay kaming napahinto at sabay din naming inilapag sa mesa ang mga sundae namin. Nakatingin lang siya akin at hindi nagsasalita. Ako naman ay hindi makatitig sa kanya nang maayos. Bigla kasi kong nakaramdam ng hiya. At inaalala ko rin kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Mayamaya pa ay……..

“Ang cute mong tignan…”napapangiti niyang sambit…..

Biglang tumalon ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Napatulala ako sa kanya. Hanggang sa………

“Hoy Hagen huwag mo kong tignan nang ganyan ha!…Hindi iyang iniisip mo ang ibig kong sabihin!!…”
“Hmph!…”
“Ano kasi…Na…Nakakatuwa lang dahil…Hindi lang pala ko iyong nag-iisang kakaiba pagdating sa pagkain ng sundae….Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko kaya nasabi ko iyon…Iyon lang!…”

Mamula-mula siya matapos na makapagpaliwanag. Tapos para siyang wala sa sarili niya at hindi rin siya mapakali sa kinalalagyan niya. Malakas ang pakiramdam ko na may hindi pa sinasabi sa akin ang loko. At dahil gustong-gusto ko na binubully siya, pipigain ko siya na magsalita…………

“Hmmm…So…Nacucutan ka pala sa akin?…”usisa ko sabay ngisi…..
“Ang kapal mo din ha!…Hind po ikaw ang cute!…Kundi iyong ginagawa mo sa sundae!…”
“Uhuh!…Pilit pa rin nagpapalusot ha…”
“Nang-iinis ka ba talaga?!…”
“At naiinis ka naman?…Oh eh di guilty ka…Tama nga ako…Hahaha!…”
“Ang kulit mo ha!…Sinabi na ngang dun ako nacucutan sa ginagawa mo sa sundae!!…KAHIT NUNG DATI PA!!!…”inis niyang sambit…..

Napanganga kaming pareho sa mga salitang iyon na lumabas mula sa bibig niya. At kung tama ang pagkakaintindi ko dito………..

“ANAK NG!…Matagal mo nang alam toh?!…”gulat kong reaksyon…..

Hindi siya kumikibo, pero mas lalo siyang namula ngayon…….

“HOY DREY MAGSALITA KA!!!…”

Napalakas ang boses ko sa pagsabi noon kaya…….

“Ano ka ba Hagen!…Hinaan mo naman iyang boses mo…Nakakahiya!…”pabulong niyang sambit…..
“Eh ayaw mo kong sagutin eh!…”
“Eto na nga magsasalita na eh…”
“Hmph…Sige makikinig ako…”
“Ahmmm…Nung…Nung gabing nagpang-abot tayo sa may chain…Pa…Pasimple din kitang tinitignan…At…At dun ko unang nakita na ginawa mo iyon…”
“I…Ibig mong sabihin…”
“OO!…A…Alam kong pinagmamasdan mo ko noon…Na…Nahuli kita…”

Para kong binuhusan ng isang baldeng tubig na punong-puno ng yelo, sa mga sinabi niyang iyon. Taena! Nahuli pala talaga niya ko!……..

“Ayaw ko nga sana na makita mo ang pagkain ko eh…Pero…Down na down ako that time at sundae lang ang nakakapagpahimasmas sa akin…Kaya hinayaan ko na lang….”

Pa…Pati ba naman doon magkapareho kami? Masyado na atang nagiging awkward toh………

“Aaminin ko na rin…Gustong-gusto ko talaga na makitang ginagawa mo ulit iyong…Alam mo na….At nang malapitan…Kaya ginamit ko itong sitwasyon natin sa school…Para magawa iyon…Kaya sana….”

Potek na iyan! Nag-iiba na ang pakiramdam ko sa mga naririnig ko mula sa kanya. Kinakabahan ako, lalo na kung magpapatuloy pa siya, kaya naman…..

“TAMA NA!…Okay na Drey!…Sapat na iyong mga narinig ko…Kumain na lang tayo!…”

Hindi na siya kumontra, nanahimik na siya at kumain na nga kami. Pero habang kumakain, hindi ako mapalagay. Kasi naman eh! Sa mga ganitong pagkakataon, dapat nabwibwiset na ko sa kanya. Pero hindi ko magawa iyon ngayon. Dahil…Dahil may bahagi ng sarili ko na tila natutuwa sa mga sinabi niya. Hay, hindi ko tuloy manamnam nang mabuti itong Imperial Choco.

Mayamaya pa, nahuli ko na lamang ang sarili ko na tumitingin kay Drey. Hanggang sa hindi ko napigilang mapangiti. Kaya lang sakto naman ay bigla din siyang tumingin sa akin……..

“Oh bakit ka nakangiti diyan sa akin?…Siguro natutuwa ka noh?…”nakangisi niyang usisa….

Agad kong inalis ang ngiti sa mukha ko at…..

“At ano naman ang nakakatuwa sa mga kagaguhang pinagsasabi mo?….”pagpapalusot ko….
“Sige lang….Magpanggap ka pa….Eh huling-huli na kita eh!….”nakangisi pa rin niyang sambit…..
“HMPH!….”

Hindi ko na siya pinansin. Umiwas na lamang ako ng tingin mula sa kanya at bumalik sa pagkain. Kasunod noon ay sa book report na lamang namin itinuon ang aming usapan. Hanggang sa napagkasunduan namin na ako na muna ang hahawak nung libro. Babasahin ko iyong unang kalahati nito at siya naman dun sa natitira. Pagtapos nito, saka namin sisimulang gawin iyong report.

KINAGABIHAN……….

Nakahiga na ko sa aking kama at nakatalukbong ng kumot. Hindi na naman ako makatulog. Pero iba naman ang dahilan ngayon. At iyon ay dahil hindi mawala-wala sa utak ko, iyong mga sinabi ni Drey sa akin kanina. Mayamaya pa, di ko na kinaya iyong nararamdaman ko. Inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa akin at………

“ARGH!…Nakakainis ka Drey!…Bwiset ka talaga!!…Hanggang sa pagtulog ko, pineperwisyo mo ko!!!…”inis kong sambit habang nakatitig sa may kisame…..

Napalingon ako sa may kanan ko. Natanaw ko iyong libro para sa book report, na ipinatong ko kanina sa may ibabaw ng study table. Napabangon ako bigla at…..

“TAMA!…”bulong ko sa aking sarili…..

Naisip ko na simulan nang basahin ito at baka sakaling antukin na ko habang ginagawa iyon. Kinuha ko na toh, tapos ay bumalik din ako agad sa kama at nagkumot ulit. Humiga ako nang patagilid at nagbasa na. Wala pa ko sa kahalati ng unang pahina nang biglang nagring ang cellphone ko. Napatigil tuloy ako sa pagbabasa para kunin ito. At nakapatong din toh sa study table kaya napilitan akong tumayo ulit…………

“Sino ba tong tumatawag na toh nang dis oras ng gabi?!…”inis kong sambit sabay dampot sa cellphone……

Pagtingin ko sa phone, nakita ko na nagmumula ang tawag sa numerong hindi ko kilala. Patuloy pa rin ito sa pagtunog. Sinagot ko na para malaman ko kung sino ba ito. Pero hindi muna ko nagsalita, hinayaan ko lang na mauna iyong nasa kabilang linya………

“Hello?…Hello Hagen…Si Drey toh….Ahmmm….”

Nabigla ako sa narinig ko at dali-dali kong ibanaba ang phone. Paano kaya nalaman ng gago na iyon ang number ko?! Ilang saglit lang, tumunog ulit iyong phone ko………..

“Hindi na nga ko makatulog nang dahil sa iyo, tapos kakausapin pa kita?!…ASA KA!!…”sambit ko….

Hindi ko na siya sinagot pa. Pinatay ko na lamang iyong phone para hindi na siya makatawag ulit……….

“Iyan ang dapat sa iyo!”….

Itinabi ko na iyong cellphone ko. Bumalik na ko sa kama at itinuloy ang naunsiyame kong pagbabasa.

KINABUKASAN, SA SCHOOL……….

Nagkasalubong kami ni Drey sa may school gate. Nginitian niya ko na para bang walang nangyari kahapon. Naiilang ako sa kanya, kaya hindi ko na siya kinibo. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at nauna nang lumakad. Pero sinundan niya ko. Dahil dun, huminto ako sa paglakad at………

“Ano ba iyan!…Bat mo ba ko binubuntutan?!….Dinaig mo pa ang aso ah!…”bwisit kong sambit…..
“Hala…Ang aga-aga, ang sungit…”nakangisi niyang tugon….

Nakakairita talaga siya. Lumakad na ulit ako, pero bigla na lamang……….

“Uy!…Sandali lang naman!…”sambit niya sabay hawak sa kamay ko….

Nagulat ako! Hindi kasi basta hawak iyong ginawa niya. Iyong hawak na pang magsyota ba naman ang ginawa ng gago! Bigla tuloy kumabog ang dibdib ko……..

“Bi…Bitawan mo nga ang kamay ko!…”
“Hindi!…Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo ko kinakausap nang maayos…Kahapon okay na tayo di ba…Eh bat binabaan mo ko ng phone kagabi?…Tapos ngayon parang galit ka na naman sa akin…Ano bang problema?…May kinalaman ba dito iyong mga sinabi ko sa iyo?…”
“Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo…Kaya bitawan mo na ko!…”sambit ko sabay pumiglas sa pagkakahawak niya…..

Nagpatuloy ako sa pagpupumiglas. Pero ayaw pa rin niya kong bitawan. Hanggang sa………

“What’s going on here?!…”biglang sambit ng isang boses…..

Sabay kaming napalingon na dalawa. Iyong adviser pala namin toh!……..

ITUTULOY………

 
YouPorn