Sundae (Part 10)

Sundae (Part 10)
By: Chaster Rassel

hot-pinoy-hunks-in-underwear-83Flavor 10: A Love Flavor Sundae And It’s Toppings”

SA BAHAY, BAGO MATULOG……….

Katatapos ko lang maglinis ng aking katawan at magbihis ng damit. Medyo nababagabag pa rin ako sa mga ipinagtapat sa akin ni Drey kanina. Kaya naman pagdating at pag-upo ko sa tabi niya sa may kama, agad niya itong nahalata……..

“Oh ano na naman iyan?…Bakit nakabusangot ka na naman diyan?….”
“Ahmmm…Naiisip ko lang kasi iyong mga sinabi mo kanina eh…..”
“Alin?…Iyong pagprotekta ko sa iyo?….”
“Oo…..Ang totoo niyan….Nahihiya ako sa iyo Drey…..Pakiramdam ko kasi, ako ang dahilan kaya nagkasira kayo ng mommy mo….Nang dahil sa kagustuhan mo, na maprotektahan ako mula sa sarili ko….Ginawa mo iyong mga bagay na alam mong ikagagalit niya sa iyo….”

Dumikit siya akin, tapos ay kinuha niya at hinawakan ang isa kong kamay……….

“Sira ka talaga Haj!…Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo noh…Dahil lahat ng mga bagay na ginawa ko, choice ko…Pati na rin iyong naging bunga na mga toh….Naintindihan mo?…”sambit niya sabay patong ng isa pa niya kamay, sa magkahawak naming mga kamay…….

Napatango na lamang ako at unti-unting napangiti sa kanya. Gumaan na rin ang pakiramdam ko. Naramdaman ko kasi sa mga sinabi niya, na talagang wala na akong dapat alalahanin pa. Matapos iyon ay bigla siyang ngumisi sa akin. Ngisi na may bahid ng pang-aasar. Ano na naman kayang iniisip ng mokong na toh?…………

“Oi!….Ano iyang biglang ngisi na iyan ha?!….”usisa ko….
“Ahihi…Meron lang kasi kong biglang naalala….”
“Huh?….”
“Nung natsempuhan kita sa may beranda, na nagsasalitang mag-isa…Iyong totoo Haj…May balak ka talagang magtapat nun sa akin noh?…Pero, natorpe ka!….Hahaha….”sambit niya sabay tawa…….

So iyon pala ang tumatakbo sa utak niya. At dahil nabanggit niya iyon, naalala ko rin tuloy iyong naging kilos at reaksyon niya nung mga oras na iyon. Nagets ko na rin ngayon, kung bakit ganun siya noon. At iyon ang naisipan kong gamitin, para asarin din siya………….

“Oo na!…Mr. Torpe na ko!….Eh ikaw nga diyan eh…Gigil na gigil at excited ka sa sasabihin ko nun….”nakangisi kong sagot……
“Hindi ako excited nun ah!….”
“Magpapalusot ka pa….Eh halatang-halata sa paghawak mo nun ng tuwalya sa leeg mo….Tapos nung iba ang sinabi ko, nadismaya ka….Kaya dinaan mo na lang sa kakaibang akap….Ahahaha!….”
“Hmph!….Nag-enjoy ka naman eh….Di ba?…”nakangisi niyang sagot…..
“Hahaha!….Syempre!….Ikaw ba naman ang akapin ng taong gusto mo eh…..”

Inilapit ko nang kaunti ang mukha ko sa kanya at……….

“Pero alam mo…May alam akong mas-enjoy gawin…Hehe…”sambit ko na may kasamang hagikgik…..
“Huh?….”

Ngayon naman, inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at……….

“Iyong kababalaghan nung natulog tayo sa may beranda….”

Napabitaw siya bigla mula sa akin. Tapos ay hinampas niya ko ng kamay niya sa aking braso……..

“Sabi ko na nga ba eh!…Sinadiya mo iyon eh!….”
“Hindi ko po sinadiya iyon!…Sinabi ko na dati di ba…Ikaw iyong pilit na sumasandal sa akin…At sinamantala ko lang…Hehe…”
“Loko ka ah!…Tama ba naman iyong iskoran mo ko habang natutulog ako….”
“Kasalanan mo iyon, dahil ang sarap mong akapin!…..Hahaha….”

Hinampas niya ko ulit pero ngayon ay medyo natatawa siya. Ako naman ay natawa na lang din sa mga reaksyon niya………

“Hmmm….Oo nga pala noh….Bf mo na nga pala ko ngayon…Ibig sabihin nun…Pwedeng-pwede na natin ulitin iyon ngayon….Hehe….”
“Ano ka?…Sinuswerte?!….”
“Dali na Drey!…Pumayag ka na please…”pakikiusap ko, na may kasama pang pagpapacute ng mukha ko……

Ngumisi siya sa akin at……….

“Fine!…Pero papayag lang ako sa isang kundisyon….”
“Ano?…”
“Kiss muna!….Hihihi….”
“Eh ikaw naman pala itong gustong umiskor sakin eh!….Halika nga dito!!…”

Pinalibot ko ang isa kong braso sa bewang niya, pagkatapos ay niyapos ko siya papalapit sa akin hanggang sa nagtapat na ang mga mukha namin. Habang siya naman ay tawa nang tawa………..

“Kasalanan mo rin iyon, dahil ang sarap mong humalik!….”natatawa pa rin niyang sambit…….
“At nambola ka pa!…Eh first kiss kaya kita!…..”
“Maniwala…First kiss daw oh….”
“Nagsasabi ako ng totoo!….At ito naman…Ang second!….”

Gaya ng hinihiling niya, hinalikan ko na nga siya sa kanyang labi. Habang naghahalikan kami, hinawakan niya ko sa magkabila kong pisngi. Mayamaya pa ay kumalas na siya. Tinignan niya ko sa mukha at napansin ko na mamasa-masa ang mga mata niya………..

“Alam mo Haj…Ang saya-saya ko ngayon…Kasi…Kasi hindi nasayang ang lahat ng hirap at pagtitiis ko…..Salamat ha….Salamat dahil nagawa mo rin akong mahalin….”sambit niya…..
“Tigilan mo nga iyang drama na iyan….Babatukan kita!…Ayaw kong nakikita na umiiyak ang bf ko…Naintindihan mo?….”sambit ko sabay pahid sa mga mata niya………

Napangiti na lamang siya at niyakap ako. Habang magkayakap kami………

“Oh iyan ah…Pinagbigyan ko na ang gusto mo…It’s my turn naman!…Hehehe….”

Natawa siya sa sinabi ko. Matapos iyon ay siya na mismo ang humila sa akin, pahiga sa may kama. At natupad nga ang gusto ko, na maulit ulit iyong nangyari dati sa may beranda. Nakasandal na siya ngayon sa dibdib ko, habang akap-akap ko siya. Bago tuluyang matulog, pinagmasdan ko na muna siya. Nakapikit na siya…….

“Haj…..Goodnight…Sweet dreams…….I love you so much….”mahina niyang sambit……

Unti-unti akong napangiti sa mga sinabi niya………
“Mahal na mahal din kita Drey….Huwag kang mag-alala…Hindi ka na ulit mahihirapan at magtitiis pa….At mulang ngayon, ako naman ang magproprotekta sa iyo…”pabulong kong sagot sa kanya……

Ngumiti din siya, pero hindi na siya kumibo……

“Goodnight…”bulong ko….

Pumikit na rin ako, hanggang sa nakatulog na nga kaming pareho.

ISANG LINGGO BAGO ANG FINAL EXAMS……….

Mula nga nung gabi ng prom, naging kami na ni Drey. Hindi pa nga rin ako makapaniwala. Dati ay biro-biro at pang-aasar lang sa akin ng kapatid ko ang lahat. Na love flavor na sundae daw ako at si Drey ang aking toppings. At ngayon, naging totoo na nga.

Pero sa kabilang banda, nagpadesisyunan namin na huwag munang ipaalam ang tungkol dito, sa mga magulang namin. Hindi pa kasi kami handa pareho sa magiging reaksyon nila. Kaya ngayon, wala ibang nakakaalam ng tungkol sa amin, maliban na lamang kay Hershey.

Naging mabilis ang pagtakbo ng panahon. Parang kailan lang nung masuspend kami dahil sa pag-uupakan sa may quadrangle. Muntikan na rin kaming maexpelled, pero napagbigyan kami ng huling chance. Kailangan namin magtino at makapasok sa top 10 ng klase, para makagraduate.

Ngayon, halos abot-kamay na namin toh. Sa susunod na linggo, final exams na namin. Kailangan lang na mairaos namin iyon nang may mataas na score. At matatapos na rin ang lahat ng ito. Malalaman na namin kung kami ba ay makakagraduate.

At tungkol sa graduation, kahit na wala pang kasiguraduhan na makakasama kami, pinayagan pa rin kami na sumali sa practice. Tuwing hapon ito, pagkatapos ng aming klase. Ngayong hapon nga ay nagkaroon ulit kami ng practice.

Matapos ang nakakapagod na practice, nagtungo kami ni Drey sa washroom. Naghilamos kaming pareho para prumesko ang aming pakiramdam. Napakainit kasi dahil summer na…………..

“Arrgh!….Shet na init toh!….Pakiramdam ko nasa microwave ako!….”sambit ni Drey habang nagpupunas ng face towel sa mukha niya……
“Oo nga eh….Tapos may kasama ka pang hot na boyfriend!…Eh talagang mag-iinit ang pakiramdam mo niyan…Hahaha!….”biro ko habang naghihilamos…….
“Hahaha…Lokoloko! Ang corny mo!….”

Tinapos ko na ang paghihilamos. Inangat ko na ang ulo ko mula sa lalabo sabay lingon sa kanya………

“Bakit?…Hot naman ako ah!…Di ba…”nakangisi kong sambit na may kasama pang pagtanggal ng butones ng polo ko…..
“Parang timang toh!….Halika ka na nga dito nang mapunasan ka na!…”

Lumapit na ko sa kanya. At habang pinupunasan na niya ko……..

“Kunyari ka pa…Eh mas lalo ka ngang pinawisan diyan sa ginawa ko eh…Hahaha!….”panunukso ko…..

Bigla na lamang niya idinuldol iyong towel sa pagmumukha ko………….

“Aray ko naman!…”

Tapos ay binitawan niya toh, na sakto naman ay bumagsak sa mga kamay ko…….

“Eh puro ka kagaguhan eh!…Mamaya niyan may tao pang makarinig sa iyo….”
“Sira!…Tayong dalawa lang naman ang nandito eh…Haha…”
“Ah ganun ba?…”

Napangisi siya, iyong ngisi na lagi kong nakikita sa kanya kapag may iniisip siyang kalokohan………

“At ano na namang kalokohan ang iniisip ng bf ko ha?!….”
“Wala…Napansin ko lang kasi, na may hindi pa pala ko napupunasan sa iyo……”
“Ha?…Saan?…”usisa ko sabay tingin sa sarili ko….”
“Dito oh….”

At nagulat na lamang ako, nang bigla niya kong akapin at sunggaban ng isang mabilis na halik sa labi. Matapos iyon……..

“Naisahan mo ko dun ah!…”napapangiti kong sambit……
“Hehehe!….Ano Haj….Matanggal tayo ng init ng katawan?…”tila nang-aakit niyang sambit habang nakaakap pa rin sa akin…….

Bigla akong kinabahan, hindi ko kasi gusto iyong dating ng pananalita niya…………..

“Eh?!….A…Anong ibig mong sabihin?…”usisa ko…..
“Eh di kakain tayo ng sundae sa chain!….”
“Leche!…Iyong lang pala…Pinakaba mo pa ko!….”
“Pinakaba?….Ay ikaw ha!….May iba kang iniisip ah…Hahaha….”
“Hmph!…”
“Oh sige…Eto na lang oh…Pangtanggal kaba!….”

Hinalikan niya ko ulit, pero sa pisngi naman at may kasama pang panggigigil. Napangiti na lamang ako sa kanya. Ewan ko ba sa mokong na toh, mula nung naging kami, trip na trip niya na halikan ako. Pero okay na rin, dahil napapasaya ko naman siya. At kahit paano, paraan na rin ito para makabawi ako sa kanya. Tsaka at least ang sweet-sweet niya sa akin, hehehe.

MARTES, ISANG ARAW BAGO ANG SIMULA NG FINAL EXAMS……….

Tapos na ang aming klase at nakalabas na kami ni Drey ng school. Plano namin na magpunta sa chain, upang dun muna magreview para sa exams bukas. Nag-aabang na kami ng masasakyan, nang bigla na lamang may tumapik sa akin sa balikat………

“Da…Dasuero!…..”sambit ng isang boses na may kasamang paghangos…….

Napalingon ako, ganun din si Drey. Tumambad sa amin ang isang sugatan at puro pasa na kaeskwela namin. Ni hindi siya makatayo nang maayos dahil sa kundisyon niya. Natatandaan ko siya, kasama siya nung mga kupal na humarang sa amin dati. Siya iyong nanginginig ang kamay habang nakahawak sa pamalo. Pero bakit siya nagkaganito?!

At kasunod noon, bigla na siyang nagcollapse. Pero nagawa ko siyang saluhin…………

“Drey dalhin natin siya sa ospital!…”

SA OSPITAL……….

Tinulungan nga namin siya at dinala sa ospital. Matapos na matignan at magamot iyong mga sugat at pasa niya, kinausap kami nung doktor. Wala naman daw tinamaan na vital organs, sa mga bugbog na natamo niya. Magiging okay na daw siya. Nilipat na rin daw nila siya sa isang pribadong kwarto at pwede na namin siyang makita.

Pinuntahan na namin siya. Pagdating namin sa kwarto niya, nadatnan namin siya na may malay na at nagpupumilit na makabangon. Agad namin siyang nilapitan at pinigilan……..

“Pre huwag ka munang bumangon!….Makasasama sa iyo iyan!…..”sambit ko sabay hawak at alalay sa kanya……….

Paghawak ko sa kanya, naramdaman ko na tila nangangatal siya. Tinulungan ko na siyang makaupo nang maayos sa kama. Matapos iyon ay wala siyang kibo at nakatitig lamang siya sa mukha ko. Kaya naman…………

“Ah….May dumi ba ko sa mukha?…”usisa ko…..

Hindi pa rin siya umiimik. Hanggang sa…………

“EHEM!…”biglang sambit ni Drey…….

Napatingin kaming dalawa sa kanya at…….

“Natawagan ko na nga pala iyong contact number na nakalagay sa likod ng ID mo….On the way na dito ang mommy mo….Arci Dairon…”sambit niya na tila iritable……
“Teka…Kayo ba ang nagdala sa akin dito sa ospital?…”
“Hindi pa ba obvious?!….Eh sa harapan ka namin hinamatay….Alam mo namang pabayaan ka namin sa kalye…”sagot ni Drey…..

Ano bang problema nitong bf ko?! Bakit parang biglang uminit ang ulo niya?……

“Ah…Eh…..Oo Arci….Kami ang nagdala sa iyo dito…Buti nga nasalo kita nung nagcollapse ka eh…Kaya ayun, inakay kita tapos sinakay ka namin sa taxi…Para madala ka dito….”dagdag ko………

Pagkasabi ko noon ay natigilan na naman siya. Napansin ko rin na biglang namula ang mga pisngi niya………….

“Bakit?….”usisa ko….
“Wa….Wala!….”

Matapos iyon ay napaiwas na siya nang tingin mula sa akin……….

“Sa…Salamat sa pagtulong niyo sa akin….”sambit niya….
“Siya nga pala….Bakit ka pala bubog-sarado?…Sinong may gawa nito sa iyo?…”usisa ko…..
“Iyong mga kasamahan ko dati nung…Nung hinarang namin kayo sa labas ng school …..”
“Huh?….At bakit naman nila ginawa toh sa iyo?….”usisa ni Drey…..
“Kanina kasi nung lunch time….Nagkaroon kami ng meeting….May…May pinaplano ulit kasi sila laban sa inyo…”

Nagkatinginan kami ni Drey sa sinabi niya……….

“Pero kumontra ko sa kanila….Ayaw ko na kasi ng gulo dahil finals na at ilang araw na lang, graduation na…..Pero ayaw nilang papigil, desidido silang makaganti sa inyo sa huling pagkakataon….Dahil dun, sinabi ko sa kanila na magsusubong ako kapag hindi sila tumigil…..At ayun, tinambangan nila ko kaninang dismissal….Tingin nila kasi sa akin ngayon, traydor….”

Kasunod na daw nun ay nakita niya kaming naglalakad. Kaya pinilit niyang makalapit sa amin para mabalaan kami. Pero ang nangyari nga ay nawalan na siya ng malay, bago pa kami makausap. Iyon din ang dahilan kaya nagpupumilit siyang makabangon kanina. Dahil nga gusto niyang makausap kami agad………..

“Iyong plinaplano nila….Alam mo ba kung ano iyon?….”usisa ni Drey……
“Hindi ko alam iyong specific plan nila….Pero…Pero aminado na sila na wala silang laban sa inyo, kung idadaan nila ang lahat sa basag-ulo…Kaya sabi nila, gagawin daw nila ito sa ibang paraan…..”
“Anong paraan?…”usisa ko….”
“Di ko na alam eh…Ang nabanggit lang nila kanina, bago ko sila iniwanan…May alas daw sila laban sa inyo….Kaya nga gusto ko kayong warningan…Kailangan niyong mag-ingat!….”

Matapos kong mapakinggan ang mga sinabi ni Arci, narealize ko na mali ang ginawa namin dati, nung nakaenkwentro namin sila. Dapat nakipag-ayos na lamang kami sa kanila, imbis na lalo silang inaasar o ginalit………

“Drey….Dapat siguro harapin na lang natin sila nang maayos….Para matapos na ang lahat ng ito…..”
“Anong ibig mong sabihin Haj?….”
“Galit sila sa atin dahil sa mga pang-aapi at pagpapahirap na nagawa natin sa kanila….At dahil sa galit na iyon, nakakapanakit na din sila ngayon ng iba…Isa lang naman ang solusyon sa lahat ng ito eh…Ang humingi ng tawad sa kanila….”

Saglit na natahimik si Drey, tila ba napaisip din siya. Pagkatapos……..

“Tama ka….Mas makabubuti na humingi na nga tayo ng tawad sa kanila….Tsaka…Mas magaan rin sa pakiramdam kung matatapos tayong lahat sa highschool nang matiwasay di ba?…Nang walang kasamaan ng loob…”
“Ganun na nga Drey…..Pero bago sa kanila….Unahin na muna natin iyong nandito na….”
“Hmph!….”
“Di ba pareng Arci?…”nakangisi kong usisa…..

Napalingon siya akin, pero hindi niya ko matignan nang diretso. Naupo ko sa tabi niya at………..

“Ah…Eh…”iyon lamang ang nasabi niya……
“May sama ka ng loob sa amin di ba?….Kaya nga napasama ka dun sa mga gustong gumanti sa amin….Teka…Ano nga ba iyong ginawa ko sa iyo nun?….”
“Ahmmm…Nung second year tayo…Gi…Ginapos at ipinasok mo ko sa loob ng cubicle ng washroom….Ikukulong mo sana ko nun….Pero…Pero biglang umeksena si Ernuella…Then nag-away kayo….Natumba ka…Tapos sa akin ka dapat babagsak nun…Pero…Umilag ako…Kaya….Kaya nashoot ako sa may toilet bowl….”

Medyo natatandaan ko iyong paggapos ko sa kanya at pag-epal ni Drey. Pero ngayon ko lang nalaman, na may ganun pa lang nangyari sa kanya nun. Siguro hindi ko na napansin, dahil naging busy ako kay Drey. Nabalot kami ng katahimikan, hanggang sa natawa na lamang siya bigla……….

“Ahahaha!….Pasensya na….Sa tuwing naaalala ko kasi iyon, hindi ko mapigilan na matawa….Haha….”
“Natatawa pa siya sa nangyari sa kanya?….Baliw-baliwan din pala ang isang toh eh…”bulong ko sa aking sarili…..
“Ang kulit naman kasi eh….Nag-aaway kayo nun nang parang kayo lang ang nandun….Nang parang walang taong nakagapos sa likuran niyo…Kung wala nga lang tape iyong bibig ko nun….Baka sinigawan ko na kayo eh….Haha….”

At natawa na lang din kami sa mga pinagsasasabi niya. Pansin ko na may kislap iyong mga mata niya at totoo iyong ngiti’t tawa niya habang nagkwekwento. Mukhang hindi naman pala siya galit sa amin. Pero ganun pa man…………

“Haha….May pagkaloko ka rin pala Arci ah….Pero…Sorry pre ah….Abnormal kasi ko nun eh…Hindi ko alam iyong mga pinagkikilos ko dahil sa galit ko sa mundo….Kaya nagagawa ko iyong mga ganung bagay…..Di ba Drey?….”
“Ahmmm….Oo….Sorry din pala ha….Dahil kung di ako umepal nun….Hindi ka masusubsob sa toilet bowl…..Ehehe….”sambit ni Drey…….
“Talaga ngang napakalaki na ng ipinagbago niyo….Alam niyo…Hindi naman talaga ko nagtanim ng galit sa inyo eh….Tsaka pinilit lang naman nila ko na sumama sa kanila…At ang totoo niyan….Hindi ko gusto na mapahamak kayo…..Lalo ka na Da…Dasuero!….Hindi ko kayang ipahamak ka!….”

Lalo siyang namula, pero bakit ba ganito ang isang toh? Baka nilalagnat siya, dahil sa pagkakabugbog sa kanya. Tuloy, kung anu-ano ang nasasabi niya. Kaya naman…………

“Ah….May lagnat ka ba pre?…Parang iba na kasi ang dating ng pananalita mo eh….”usisa ko sabay dampi ng kamay ko sa noo niya, para malaman kung mainit siya……

Hindi naman siya mainit. Pero pagdampi ko ng kamay ko sa kanya, buong mukha na niya ang namula at nangatal na naman siya. Teka…Namumula, nangangatal paghinahawakan ko at tila iba ang malasakit sa akin. Hindi kaya……….

ITUTULOY……….

 
YouPorn