Please, Teacher (Short Story)

Please, Teacher
By: Zander

hot-pinoy-hunks-in-underwear-127Pwede niyo akong tawaging Peter. Pwede ring Matthew, Mark, Luke, John. It doesn’t matter. Sa mga na-encounter ko, hindi naman importante ang tunay kong pangalan.

Pwede niyo rin akong tawaging puta. Simula noong una akong galawin ng aking tito ay natuto na akong maningil ng kung anong kapalit sa paggamit ng aking katawan. By the time na ang aking panganay na kuya ang tumabi sa akin sa kadiliman ng aking kwarto, marami na akong alam tungkol sa pagpapaligaya ng tao. “Jock” ako kung ituring, kaya ako usually ang top, pero kaya kong maging bottom, maging sub, maging slave.

Tito, kuya, classmate, kaibigan, di kakilala, unang kakilala, katrabaho: sa mga kategoryang yan at iba pa, may mga naserbisan na ako. Wala akong pinipili; ang kondisyon ko lang, dapat may kapalit. Pera, pabor, bagay. Dahil dito, napaaral ko ang aking sarili hanggang sa natapos ko ang college, nang walang hinihingi mula sa aking mga magulang. Pero dahil din dito, di na ako naghanap ng karelasyon. Matagal ko nang na-associate ang sex bilang isang paraan upang makuha mo ang gusto mo, at hindi ko ito kayang gawin para sa pag-ibig.

Pwede niyo rin akong tawaging Sir. Dahil isa naman akong professional; nagtatrabaho sa isang tutorial school dito sa Baguio. Bago niyo ako husgaan, hindi sa sex nakuha ang posisyon ko. Hindi lang naman habang nakahiga ako magaling.

Sa aking shift sa trabaho, late na ng gabi ako nakakauwi. Okay lang naman yun minsan, kaso sa gabi kasi, marami kang makakasabay sa jeep na paseherong lasing. Kaya kung tsumamba akong bakante ang upuan sa harapan, dun nalang ako. At least iisa lang yung proproblemahin kong katabi.

Isang gabing pauwi na ako, naka-upo ako agad sa harap. Nakasuksok ang earphones sa aking tenga, nagpapakalunod sa boses ni Sam Smith habang hinihintay mapuno ang jeep. Naaninag kong may papalapit sa front seat ng jeep. Nag-adjust na ako para may space yung tatabi sa akin.

Nilingon ko siya pagka-angkas niya. Napataas ang kilay ko nung nakilala ko kung sino.

“Sir,” sabi ko ng mahina, nang makaupo na siya sa tabi ko. Tinignan niya ako, may ilang segundo bago niya ako nakilala. Mali ang binanggit niyang pangalan, pero ngumiti nalang ako at tumango.

“O, san ka galing at gabi ka na uuwi?” tanong niya.

“Night shift ako sa trabaho, Sir,” di ko alam kung bakit ‘Sir’ parin ang tawag ko sa kanya, eh ilang taon nang nakalipas nung naging guro ko siya. Tawagin natin siyang Leandro, kasi kahawig niya si Leandro Okabe (Google nyo dali!) at siya ang PE teacher ko nung high school palang ako. Tumatak siya sa akin dahil, bukod sa gwapo at matipuno siya, patient din siyang PE teacher. Lampa ako nung elementary hanggang sa unang dalawang taon ng high school. Pero dahil inspired ako sa kanyang itsura at motivated ng kanyang ugali, naging varsity ako ng basketball nung third year na ako. Maraming nagulat dahil ang lampang kaklase nila ay nakapasok sa team. May mga bumubulong, siyempre, lalo na yung mga naka-sex kong mga classmate. Usap-usapang chinupa ko daw si Sir kaya ako nakapasok, o nagpatira ako sa pwet. Tumahimik sila nung ako ang nagpanalo sa game namin laban sa isang eskwelahan.

Medyo nasaktan ako at di niya naalala pangalan ko.

“Ikaw, Sir?” tanong ko. “Anong ni-lakad niyo?”

Nagkibit-balikat siya. “May date,” sagot niya.

“Uuuy,” sabi ko. “Kumusta naman?” Nagulat ako at hindi pa kasal si Sir. Ang alam ko eh medyo fresh-grad pa siya nung tinuturuan niya kami, so late twenties o early thirties na siguro siya ngayon. Akalain mo yun, gwapo, macho, mabait, di pa nakakahanap ng asawa? Wala talagang tunay na criteria ng pag-ibig no?

Umiling siya. “Di ko gusto,” sabi niya ng malungkot. Tinignan ko ang mukha niya gamit ang malapad na rearview mirror ng jeep. Parang may mabigat na bitbit sa balikat si Sir, eh wala namang bag o kung ano siyang dala. Ngayon ko din lang napansin na ibang-iba ang mukha niya sa pagkaka-alala ko. Somehow he seemed darker, tila may napakalalim na kalungkutang kumukulo sa likod ng kanyang mga mata. Nagkatinginan kami sa reflection. Inilayo ko ang aking tingin.

Nagbuntong-hininga siya, at nagkwento:

“Kasal na ako, actually. Ilang buwan matapos ang graduation niyo eh kinasal kami ng kasintahan ko. Ang alam ko napadalhan kita ng invitation?”

1. hindi ko alam na ang crush kong PE teacher ay may girlfriend nung time na naging estudyante niya ako, 2. siguro nga nagpadala siya, pero after ng graduation ko, sinundo kaming magkakapatid ng step-father ko para magbakasyon sa Canada, at hindi pa uso ang Facebook noon, at tingin ko hindi kami Friendster friends. 3. Holy shit, so bakit may date siya kanina?

Nang ipaliwanag ko yung tungkol sa bakasyon ko sa Canada, itinuloy niya ang kanyang kwento:

“Six years din kaming kasal,” may konting ngiti, “Pero…” Bigla niyang hinawakan ang braso ko ng mahigpit, at huminga-hinga siya ng malalim, na parang pinipigilang umiyak. Nagkatinginan ulit kami sa salamin, at naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin.

“She died,” sabi ko.

Tumango lang siya. Inalis niya ang kanyang kamay sa braso ko at pinunasan ang mga mata niya.

“Cancer,” sabi niya. “Two years ago.”

Ako naman ang humawak sa kanya—sa kanyang tuhod. Pinisil ko nang marahan, sinusubukang ipahiwatig sa kanya ang aking pakikiramay. Nakuha naman niya, at ngumiti siya ng konti.

Napuno na ang jeep, umupo na ang driver sa tabi namin. Ilang segundo pa at lumarga na din kami.

Suminghot si Sir at dumukot sa kanyang bulsa. Akala ko magbabayad agad, pero hindi pera ang kanyang inilabas mula dito. Isang litrato, may apat na tao. Isang mas bata at may mas maaliwalas na mukhang si Sir Leandro, ang kanyang magandang Igorotang asawa (nakuhanan siguro ito bago pa man lumala ang sakit ng misis ni Sir), at…napaluha ako…dalawang anak. Si Mrs. Leandro at yung bagong silang, nasa hospital bed. Si Mr. Leandro at ang nakakatandang anak, nasa tabi ng mag-ina.

“Mike at Lucas,” sabi niya ng may kalakasan; maingay kasi ang makina ng jeep. Tinuro niya yung mas matandang lalaki bilang Mike, at yung baby ay si Lucas. Oh, God. I can only assume na isang taon (o wala pa sa isang taon) si Lucas nang magkasakit si Mommy niya.
Para hindi ako maiyak, nagkalkal na ako sa aking bag ng pamasahe para sa dalawa. Umangal si Sir pero pinilit ko na ako na ang bahala sa bayad namin. Sa huli, tumango na lamang siya at nagpasalamat.

Sa daan, andami naming napag-usapan, ako binalitaan ko siya about my fellow basketball players na handle niya noon. May anak na si ganyan, nag-abroad na si ano. Siya naman, nalaman kong PE teacher parin siya.

“Halata naman, Sir,” sabi ko, sinusubukang bumawi sa malungkot na panimula ng aming reunion. “Macho parin oh.” Pinisil ko ang kanyang braso. Naka-polo siya non, at kinilig ako nung naramdaman kong parang marmol ang nasa ilalim ng sleeve.

Ngumiti siya, may konting tawa. Sa ngiting yun, tila nabura ang eight years na itinanda niya simula nung last ko siyang nakita. Ang nakakahawa niyang ngiti: litaw ang ngipin, sumisingkit ang mga mata, dimples. OH MY GOD DIMPLES. Ehem.

Alam kong medyo skeptical ako tungkol sa mga lalaki; sa dami ba naman ng mga gumamit sakin. Pero minsan, lalo na nung mas bata pa ako at umaasa pa, may ibang lalaki talagang nagpaparamdam sa akin na tao nga ako, at hindi lang bagay na ginagamit upang makaraos. Alam ni Sir Leandro ang history ko bilang student whore noon, pero sa buong apat na taon na naging teacher ko siya, hindi iyon naging isyu (positive o negative) sa amin. Ni hindi nga niya binabanggit eh. Pero alam kong alam niya.

“Ikaw din naman,” sabi niya, tinapik ang dibdib ko. “Nagba-basketball ka parin?”

Tumango ako. “Sa days off ko nga lang.”

“Doon ka parin ba sa dating bahay niyo?” tanong niya.

Tumango ako. “Namana ko siya ever since nag-abroad na din si kuya,” sabi ko. “Kami nalang ng bunso namin ang nakatira dun.” Nakakatawang isipin pero technically, magkapit-bahay kami nila Sir. Nakatira kami sa iisang barangay, kaso nasa magkabilang dulo ang mga bahay namin. Still, weird na hindi kami nagkakasalubong all this time.

Kinwento din ni Sir na doon din siya sa dati niyang tahanan. Medyo lumaki nga lang kasi nang nagkapamilya na siya, imbes na magrelocate, nagrenovate nalang siya.

At di na namin namalayan na nalagpasan na pala namin ang bungad ng barangay namin. Di kasi pumapasok yung jeep doon, kaya may konting lakad pa kaming kailangang gawin. Ako, maswerte kasi dalawang bahay mula sa entrance, bahay na namin, si Sir, may twenty minutes pa sigurong lakad.

Nagkwentuhan pa kami habang papuntang bahay ko, pero nang tinuro ko na ang lamppost sa tapat ng bahay namin, tila nawalan na ng energy ang pagkukwento niya. Na-guilty tuloy ako nang nasa tapat na kami mismo ng gate ng bahay.

“O, siya,” sabi niya, sabay tapik sa balikat ko. “Next time ulit.”

“Sure, Sir,” sabi ko, kinakalkal na ang bag ko para sa susi. Naramdaman ko ang malamig na bakal, dinampot ko ito, pero bago ko mailabas ang kamay ko sa bag, may ideyang namuo sa utak ko.

“SHIT!” sabi ko ng malakas, loud enough para marinig niya. “Shit! Shit! Shit!”

3-2-1, andiyan na siya sa tabi ko. “Oh, bakit?” sabi niya.

“Di ko nadala ang susi ko,” sabi ko, pinapakita sa kanya ang mga kamay kong walang laman. “Oh, God. Nakakainis!”

“Oh, relax lang,” sabi niya. “Akyatin mo nalang ang bintana niyo?”

Conveniently, that was not an option. “May rehas lahat ng bintana namin, Sir,” sagot ko, habang sinusuntok-suntok ang gate.

“At nasa-sleepover ngayon ang kapatid ko,” dagdag ko pa. Actually, di ako sure kung natuloy yung lakad na yun ng kapatid ko, pero I wasn’t planning on finding out tonight.

Nanahimik siya. Halos marinig ko ang makinarya ng utak niya habang pinoproseso kung ano ang pwede niyang gawin. Di ako mabuting tao, pero simula palang ng kwento, alam niyo na yun. Gaya ng alam ko kung ano ang magiging desisyon ni Sir Leandro.

Para mapabilis ang pagdedesisyon niya, humikab ako, nag-astang pagod na pagod. Sumulyap-sulyap din ako sa relos ko habang nagdadabog sa gate. Wala nga ata si bunso sa bahay.

“Doon ka nalang sa amin, kung gusto mo,” biglang sabi ni Sir.

Tumingin ako sa kanya, kunyaring gulat. “Sir?”

“Anong oras na rin,” paliwanag niya. “Sige na. Konting lakad lang naman eh.”

“Ah… eh…” kunyari pinagiisipan ko. “Okay, Sir. Basta ba hindi abala sa inyo.”

“Okay lang naman,” sabi niya. “Basta wag ka lang maingay; tulog na mga bata.”

Natigilan ako sa bilin ni Sir, tila ba may ibang meaning yun. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad kami. Baka naman kusa siyang nagpahuli sa aking patibong.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nang ngumiti siya, alam ko na na alam niya. Umakbay siya sa akin, at bumalot sa akin ang init mula sa kanyang kili-kili.

“Sir…” simula ko. Di ko alam ang sasabihin ko sa aking pagkakabuking.

“Okay lang,” sabi niya ng mahina. Tapos nagpaliwanag siya: “Napansin ko yung susi mo nung naglabas ka ng pitaka mo. In-assume ko nalang kung bakit mo sinabi sakin na di mo nadala.”

Wow, Sherlock pala si Sir eh. Yung susi ko pala, nakakabit sa isang keychain, eh yung keychain na yun, nakakabit sa maigsing kadena ng wallet ko. Ang galing. Idiniin ko ang balikat ko sa dibdib niya. Hinigpitan niya ang pagkakaakbay niya sa akin, halos yakap na. In the privacy of the late hour, wala kaming pakialam kung gaano ka-intimate ang ginagawa namin.

Sa aming paglalakad, tinuloy namin ang kwentuhan, parang kanina lang: reminiscences, updates, ang nagbago lang eh yung may akbay na.

Pagkadating namin sa bahay ni Sir, pinaalala niya saking wag maingay. Dahan-dahan kong hinubad ang aking sapatos bago pumasok. Pero bago pa ako makatapak sa loob, bigla niya akong binuhat. Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Grabe, ang lakas niya. Medyo may kalakihan ang aking katawan pero parang nagbubuhat lang siya ng malaking stuffed toy. Iba din talaga ang lakas ng Cordilleran.

“Shhh,” bulong niya, at binuhat niya ako hanggang sa kwarto niya. Isang floor lang ang buong bahay, pero palapad ang laki nito. Yung kwarto ni Sir eh yung maalala kong kwarto niya nung bumibisita pa ang basketball team dito para mag-celebrate. Yung mga rooms siguro ng mga bata eh nasa loob-loob pa ng bahay, kung saan nag-extend yung dating laki nito.

Dahan-dahan akong binaba ni Sir sa kanyang kama. Bago siya humiwalay sa akin eh hinila ko ang kanyang kwelyo para mahalikan ko siya. Mainit, malambot, magaling ang dila ni Sir. Nagsimula na siyang maghubad nang hindi bumibitaw ng halik. Inalis ang magara niyang polo at ang pantalong wala namang silbi, ang kanyang medyas at (saglit siyang bumitaw) ang kanyang sando. Pinigilan niya ako sa aking paghuhubad. Siya na ang nagtuloy sa pag-alis ng butones ng aking polo, pag-alis ng aking sinturon. Dahan-dahan niya akong hinubaran, at nagtaka ako. Kadalasan ang mga lalaking nagpaparaos lang ng libog ay atat labasan. Minsan nga eh di pa sila naghuhubad. Chupa agad, labas agad. Di ka pa nakakabihis eh pinapaalis ka na nila.

Pero hindi nagmamadali si Sir. Sa bawat parte ng aking katawang iniiwan ng aking damit ay hinahalikan niya. Ang aking mga balikat, sinundan ng aking mga biceps (pinatigas ko sila nang hinalikan niya, at dinilaan niya ang umbok nito), ang aking mga kamay. Pinasubo ko sa kanya ang aking hintuturo—di siya tumanggi. Nagkatinginan kami habang chinuchupa niya ang daliri ko. Putang ina, ramdam kong basang-basa na ako.

Hinalikan ko siya ulit. At habang abala ang kanyang dila at mga labi ay marahan niyang hinubad ang aking pantalon, ang aking medyas. Sa ngayon, ako ay naka-sando’t brief nalang. Siya, naka-boxer shorts.

Hinaplusan ko ang mga umbok ng kanyang dibdib at abs. Umungol siya nang mahina nang dumampi ang daliri ko sa kanyang nipple. Piningot ko siya ng konti. Nagkagat siya ng labi. Binulong ang aking pangalan. Sa kanyang kalibugan, tama ang pangalan kong nabanggit niya. Di na ako nakapagpigil.

Hinila ko siya sa akin, hinagkan at hinalikan. Gusto niyang hubarin ang aking sando, pero ayaw kong bumitaw. Akala ko pipilitin niya akong humiwalay muna, pero hinawakan niya ang harapan ng sando ko at pinunit niya ito sa dalawa.

Fuck! Lalo akong nalibugan. Ang lalakas ng mga braso niya. Pinisil ko ulit ang mga mala-marmol niyang biceps, pinupuri ang mga ito. Siya naman, hinahaplos haplos ang maskulado kong dibdib, nilalaro-laro ang aking mga utong. Hindi lang niya basta-basta ginagaya ang mga ginawa ko sa kanya, parang marunong na siya bago pa man ang gabing ito.

Dumalaw ang kamay niya sa pwetan ko. Ibinaba ng bahagya ang aking brief at pinisil ng madiin ang aking maumbok na likuran. Napaungol ako ng malakas, napabitaw sa aming halikan.

“Sir!” hingal ko. Alam kong medyo intimate na ang nangyayari samin, kaya siguro Leandro na ang dapat itawag sa kanya. Pero sa mga naka-sex ko nang may katandaan o may mataas na posisyon, mas nalilibugan sila kapag pinapamukha ko sa kanila ang kanilang estado.

Di siya sumagot, tinuloy-tuloy lang niya ang pagpisil ng pwet ko. Ako naman, kinakadyot na ang harapan niya, hinihimas ng aking tigas na tigas na titi ang kanyang tigas na tigas ding alaga.

Binulong niya ulit ang tama kong pangalan, habang idiniin niya ang dalawang daliri sa butas ng aking pwet.

“Ahhh!” hiyaw ko. Di niya ito pinasok, dinidiin-diin niya lang, pero putang ina, buhay na buhay ang prostrate ko sa ginagawa niya. “Sir… Sir… Sir…” ungol ko bawat diin niya. Pero binulong niya na hinaan ko daw.

Sa isang galaw, tila magic, hinubad niya ang aking brief. Tumambad sa amin ang aking six-inch cock, init na init, tirik na tirik, basang-basa.

Hinawakan niya ito, at nilaro ng kanyang hinlalaki ang basang butas ng aking ari. Parang niliyaban ang ulo ng aking burat sa ginagawa niya. Pero hindi masakit na apoy ang naglalagablab dito, kundi masarap. My arms and legs went wild. Sa nakakabaliw na sarap, di na alam ng katawan ko kung paano magreact. Hawak sa balikat niya, sa braso niya, sa leeg niya. Pinulupot ko ang aking mga binti sa beywang niya, pinakawalan, pinuluputan ulit.

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko, pinapahina ang mga ungol at hiyaw na di ko mapigilang lumabas sa aking bibig.

Nang nararamdaman kong malapit na ako (which is a rarity among encounters; kadalasan wala na akong chance labasan), tumigil siya.

Hingal lang namin ang maririnig sa buong kwarto. Nakaluhod siya sa aking harapan. Pinagmamasdan niya akong nakahiga. Pinagmasdan ko din siya. Sa dilim ng kwarto at sa konting ilaw na nagmumula sa lamppost sa labas, emphasized ang mga linya ng kanyang mga buto at muscles; ang kanyang collar bone, dibdib, ribs, abs, orion’s belt, mga balikat, biceps; kita din ang mga linya sa maskulado niyang mga binti.

Ayaw ko munang labasan, kaya siya muna ang aking paliligayahin. Inabot ng aking kamay ang garter ng kanyang boxers, hinila ko, pinakawalan ang halimaw niyang alaga. Sa mga PE classes namin noon, halatang malaki ang kargada ni Sir sa ilalim ng kanyang jogging pants. Kapag pangit ang tumitira saking classmate o guro ko noon, si Sir at ang kanyang titi ang iniimagine kong kasama ko. Ngayon, di ko na kailangang imaginin. Eight inches ang hula ko base sa tingin. Mataba, malaki ang ulo. Makapal ang bulbol.

Pinalibutan ng aking mga daliri ang mainit niyang espada. Huminga siya ng malalim. Basa din ang ulo ng titi ni Sir, at ginamit ko yun para mapadulas ang aking kamay habang sinasalsal ko siya. Binubulong niya ang aking pangalan sa bawat haplos ng kamay ko sa kahabaan niya. Nakaka-init ng katawan ang malibog niyang boses: mababa, magaspang, mainit. Kasabay pa ng pagbigkas niya ng tunay kong pangalan.

Di ko na maalala kung kailan pa yung huli kong nalibugan ng ganito.

Sinasabayan ng kadyot niya ang pagjajakol ko sa kanya.

“Sarap ba, Sir?” tanong ko. Jinajakol ko siya ng marahan; kapag tumatama ang palad ko sa ulo ng ari niya, nanginginig siya.

Hinaplusan niya ang aking mukha gamit ang isang daliri. “Leandro,” bulong niya.

Ngumiti ako. Bilang palatandaan na naintindihan ko siya, umayos ako para mailapit ang mukha ko sa burat niya. Nilabas ko ang aking dila at sinayad ko ang pinakadulo nito sa butas ng kanyang titi.

Hindi ko inaasahan na lalabasan siya sa ginawa ko, pero ayun nga ang nangyari. Sumirit ang kanyang puti at mainit na katas sa isang malaking pagsabog. May apat pang mas mahina, pero malakas pading putok na sumunod. Dahil malapit ang bibig ko, dun napunta halos lahat: sa aking labi, sa aking dila, syempre, at may konting pumasok sa loob ng aking bunganga. Meron sa pisngi, sa baba, konti sa dibdib.

“Ah, shit!” bulong ni Sir ng malakas. “Shit, sorry!” Dali-dali niyang pinulot ang kanyang hinubad na sando. Akmang pupunasan niya ang mukha ko pero pinigilan ko siya. Dinilaan ko lahat ng tamod na kayang abutin ng aking dila, yung hindi, inipon ng aking mga daliri. Habang nakatitig ako sa kanya, sinubo ko ang mga daliri kong basa sa tamod niya.

Natameme siyang pinapanood akong kinakain ang kanyang tamod, at lalo akong naturn-on. Bago ko pa man masimulang magjakol, hawak na niya ang buong anim na pulgada ko.

Ginawa niya ang hindi ko nagawa sa kanya: sinubo niya ang aking espada.

“LEE…aaan…” nahuli ko ang sarili ko bago ko pa masigaw ang buo niyang pangalan. Naging bulong nalang ang ikalawang pantig nito. “Fuck!”

Ang sikip ng bibig niya. Basang-basa. Wala akong maramdamang ngipin sa pagtaas-baba niya sa aking kahabaan. Malambot, mainit, madulas. Marunong siya. Di lang marunong: magaling. Di niya pinabayaan ang aking bayag. Sinalo niya ito sa mainit niyang palad, at nilaro-laro ng kanyang mga daliri.

I’ve had good cocksuckers get down on me before. Pero iba ang nararamdaman ko sa ginagawa sakin ni Leandro. Siguro dahil may foreplay. Hindi minamadali. At ramdam mo ang purong romansa sa bawat galaw ng bibig at dila niya sa aking espada. Halatang gusto niya akong pasiyahin. Oh, my God. Ayan na, malapit na naman ako…

Sinabunutan ko siya ng mahina, pahiwatig na sasabog na ako sa loob ng bibig niya. Tumigil siya agad, umatras ng konti. Umatras din ang nanggigigil kong tamod. Nagpunas siya ng bibig, pinakita niya sa akin ang kanyang ngiting may dimple. Puta, kahit di niya ako hinahawakan, kaya akong pasabugin ng ngiti lang nya. Pumikit ako, huminga ng marahan, pinapakalma ang aking sarili. Gusto niyang magtagal ang gabi namin. Hindi ko siya bibiguin.

Habang nakapikit ako, naramdaman kong lumapit siya sakin, dumampi ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Naghalikan kami—pero di gaya ng nauna na nagbabaga, na-iinit. We took our time kissing. Nilasap ko ang lambot ng kanyang mga labi, ang init ng kanyang dila, ang hugis ng kanyang mga ngipin. Ganon din ang ginawa niya sakin.

Naramdaman kong matigas ulit ang titi niyang nakatapat sa aking sariling ari. Jinakol ko ang aming batuta ng sabay, gamit ang isang kamay.

“Fuck me…”

Nung una, akala ko galing sa aking bibig ang mga salita, at di ko lang namalayan na binigkas ko na pala. Ngunit nung naulit ito (“Fuck me, please…”), napatingin ako kay Leandro.

Di ko yun inasahan. Oo, nakasubok na ako ng mga lalaking-lalaki ang galaw at/o itsura pero nagpapatira din pala, pero di ko talaga inasahan na kabilang si Leandro dun. Sa aking experience kasi, pag may asawa, automatic siya ang top. Minsan, kung pumapayag man sila, hindi sila ang magre-request nun. Pero sa mukha ni Leandro, parang uhaw na uhaw siyang ma-barena ang kanyang pwet: kinakagat-kagat niya ang lower lip niya, may pagmamakaawa sa kanyang mata.

Hinawakan ko ang kanyang mukha, pinapawi ang expression niya sa mukha. Tumango ako, at hinalikan siya saglit. Umalis muna siya sa kama, pumunta sa may Orocan na dresser, nagkalkal sa isang maliit na drawer. Pinagmasdan ko ulit ang mga guhit ng kalamnan sa kanyang katawan, ang maumbok niyang pwet, at ang tirik na tirik niyang sandata. Napangiti ako nang biglang pumasok sa isip ko ang “Igorot Warrior”.

Fuck. Di ko siya mahintay.

Iniwan ko na din ang kama, nilapitan siya. Saktong nahanapan na niya ang isang sachet ng condom, at bote ng baby oil. Hindi recommended ang baby oil na pampadulas sa condom, dahil baka may halo itong pwedeng sumira sa mismong condom. Pero sa libog ko sa gabing ito, pwede ko din siyang tirahing dry and bareback kung aabutin sa ganun.

Humarap siya sakin. Hinalikan niya ako habang inabot ng kamay niya ang aking ari, at isinuot ang condom dito. Pagkasuot, sinalsal niya muna.

“Dahan dahan lang ha?” bulong niya. Hinalikan ang ilong ko.

“Bakit, first time mo?” tanong ko na may panunukso.

Umiling siya. “Pero matagal na yung last,” paliwanag niya. “College pa ako nun.”

SHIT. HOLY SHIT. Medyo nakalimutan ko ang libog ko sa information na ibinahagi niya sa akin. MIND FUCKING BLOWN! Nilapirot niya ang nipple ko, pinabalik ako sa mundong ibabaw. Tumango ako sa kanya, hinawakan ang kamay, at iginiya ko siya pabalik ng kama.

“Don’t worry,” bulong ko sa kanya matapos kong pinadapa. “I’ll make you feel good.”

Pinahiran ko ng konting oil ang crack ng ass niya, nilaro-laro ang butas nito. Umungol siya ng mahina, binubulong ang aking pangalan. “Fuck me…” ilang ulit niyang pakiusap.

Tinutok ko na ang aking sariling Igorot weapon sa kanyang lagusan, at tinutusok-tusok ito pero di pa pinapasok. Pinaparelax ko muna siya, make him expect it, para di siya mabigla. Marunong ako sa quickie, pero syempre, marunong din ako sa all-nighter. Nang pakiramdam ko ay handa na siyang tanggapin ang aking burat, marahan at maingat kong pinasok ang ulo nito.

“Mmmmmmmnnnnn….” impit niya, nasa pagitan ng sakit at sarap. Ilang mabilis na bugso ng hininga ang ginawa niya. Sige lang, Leandro, kayanin mo ako.

Minasahe-masahe ko ang butt cheeks niya, maumbok pero matigas, hinaplos-haplosan ang likod niya. “Relax ka lang, Leandro,” bilin ko sa kanya.

Sinunod ko na ang natitirang kahabaan ng aking ari. Dahan-dahan, binibilang ang mga segundo bago ipasok ang susunod na centimetro. Effort to, ha. Libog na libog na ako. Gusto ko nang warakin ang pwet niya, pero shit, kung matapos man ang gabing to sa kalimutan, gusto ko memorable parin to. Para sa akin, at para sa kanya.

Lumuwag ng konti ang kanyang lagusan, hudyat na nasasanay na siya sa aking burat. Sinagad ko ang pasok. Mali.

“OHH!” hiyaw niya, na agad niyang pinigilan. “Ukis ti saba na! Wait lang… wait lang…”

“Take your time,” sabi ko, kahit gigil na ang titi at bewang kong umindayog. Inabot ko ang titi niya. Nagulat ako na tigas-na-tigas parin siya, kahit na medyo resistant parin ang pwet niya. “Relax, baby. Relax…” sinalsal ko ng marahan ang ari niya.

Huminga siya ng malalim, tumango. “Sige lang, I’m ready.”

Nanginginig ang mga maskuladong binti niya nang ipatong ko ang aking mga kamay dito.

I pulled out slowly. Ramdam kong sumikip ulit ang kanyang lagusan. Masarap sa titi, oo, pero gusto ko masarapan din siya. I pushed back in, just as slowly. Dahan dahan, pinapakiramdaman ang kanyang katawan.

Unti-unti siyang nagrelax. At nung kampante na akong handa na ang kanyang katawan sa mas intense fucking, binilisan ko.

Humihiyaw siya sa kanyang unan. Pero di gaya ng dati, hindi dahil nasasaktan siya.

“Ohhh, diyan! Diyan! Fuck!” ungol niya sa unan.

Habang kinakantot ko siya, ang aking dating guro, napaisip tuloy ako. Hindi ko siya mapapaligaya ng ganito kung hindi ko naranasan ang aking mga naranasan. Marami akong natutunan sa mga walang kwentang one-night stand. Mga technique, mga cues, mga sasabihin. Pati ang aking pag-seduce sa kanya. Lahat ng iyon, papunta sa moment na ito.

“Harder!” sabi niya, sabay hawak sa pwet ko ng mahigpit. “Fuck me harder…”

Hindi ko na siya binalaan na malapit na akong labasan. Kantot parin ako ng kantot, kahit na sumasabog na ako sa loob niya. Shit, kahit sa huling putok ko eh tigas na tigas parin ako. Pero nanghina na ako. Dinahan-dahan ko na ang pagkadyot sa kanya, hanggang sa tuluyang tumigil na ako.

“Shit, shit, shit,” ungol ni Leandro. Nag-convulse ang buong katawan niya—nilalabasan ulit ang maskuladong teacher.

Maingat kong hinubad ang condom, tinali ito para hindi magkalat ang aking isang litrong tamod, at binalot sa plastic bag ni iniabot sakin ni Leandro.

Nagtabi kami sa kanyang kama, nakasandal siya sa dibdib ko, nilalaro ang matigas ko paring ari. Yung kanya, matigas din, pero mas pagod yata ako sa kanya, kaya di ko malaro din.

Nakatulog akong ganun: hubad, nakaakbay sa aking dating guro, ang pinakamasayang pokpok sa balat ng lupa.

*

Nang magising ako, wala na si Leandro sa tabi ko. Ang aking mga damit, naka-fold sa isang upuan sa kwarto. Dali-dali akong nagbihis. Feeling ko nakaalis na siya ng bahay. Teacher eh, kailangang maaga sa school. At maghahatid pa siya ng mga anak niya. Nakakahiya naman kung andito akong wala ang may-ari ng bahay.

Pero pagkalabas ko sa kwarto, may narinig akong nakabukas na TV. Tunog cartoons. Shit, yung mga little Leandros. Ingat na ingat akong naglakad papuntang front door. Don’t let them see me… dasal ko sa Diyos na hindi ko pinaniniwalaan. So, siyempre, nakita nila ako.

Yung panganay, si Mike, lumingon nang maramdaman niyang may tao sa likuran nila ng kapatid niya. A handsome eight-year-old. Halata na na magiging heart throb siya paglaki niya. Nagkunot siya ng noo sa lalaking hindi niya kakilala.

“Good morning!” sigaw ng isang boses sa likuran ko; si Leandro. Nasa likuran siya ng divider, kung saan yung hapag-kainan. Pinuntahan niya kami sa sala.

“Boys, this is your Tito,” pakilala niya sakin. Tito daw, what the fuck. “He used to be a student of mine.”

Kuntento sa paliwanag ng kanilang ama, at excited na manood ng cartoons (Adventure Time ata), di na kami pinansin ng mga bata.

Iginiya ako ni Leandro sa dining table. “Breakfast muna,” sabi niya.

Nanigas ako. “Teka,” sabi ko, “Walang pasok ang mga bata?”

Nginitian niya ako. “Weekend,” ang simple niyang sagot.

Ah, shet. Sa nangyaring kamunduhan kagabi, kalahati yata ng utak ko nalusaw. “Nakakahiya naman,” sabi ko, tinutukoy ang hinandang pagkain kagabi.

“Walang problema,” sabi niya sakin, hinawakan ang aking kamay.

Napatingin ako sa divider, sa mga ulo ng mga bata lagpas nito. Nakahalata si Leandro, bumitaw siya.

“What happened last night…” simula niya.

Right on cue, isip ko. Ang sakit bigla ng dibdib ko. Heto na ang “It was just for a night” speech ng mga cliente ko. “Libog lang okay” “Pamparaos lang” “Okay na ba ang limang daan?”

“…was amazing,” sabi niya.

Tumulo ang luha ko bago ko narealize na parang may mali sa sinabi niya.

“Oh, bakit?” sabi niya, napansin ang linya ng luha sa mukha ko.

Umiling ako, ngumiti, nagpunta ng mukha, tinapik-tapik ang kamay niya. “Wala,” sabi ko. “Napuwing lang.” I cleared my throat.

“Oo, amazing nga kagabi,” bulong ko. “Andaming mga hindi inaasahan.”

At nagpaliwanag siya: Oo, he’s had gay sex multiple times nung estudyante pa siya. Bisexual ang turing niya sa sarili niya. Ultimately, babae ang pinili niyang makapiling habambuhay. Sinabi niyang ever since kinasal siya, iniwan na niya ang mundo ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Ang asawa lang niya ang mundo niya.

“Hindi ko alam ang meron kagabi,” sabi niya. Mahina ang aming pag-uusap, alang-alang sa mga bata sa kabilang dulo ng bahay. “O anong meron sayo, pero nagising ang parte ng pagkatao kong matagal nang natutulog.”

Ngumiti ako. Nakailan din akong mga ‘straight’ encounters kung saan inaamin nila na may ‘nagising’ sa kanila pagkatapos ang isang gabing kasama ako. It never fails to make me proud.

“Ah, also, it’s been two years since my last…”

Two years. Wow. Kinaya niya yun? Ever since pumanaw ang asawa niya (at siyempre habang may sakit ang asawa niya) wala siyang sex life? Wow. Ayokong kontrahin. Gusto kong isiping sa lahat ng pwede niyang unahin sa dalawang taon niyang celibacy, ako pa talaga ang pinili niya.

“Pero…” bulong ko. “Okay lang ba? Alam ko, wala ka nang asawa, pero…”

Tumango siya, inaamin na medyo komplikado. “I know this will hurt,” sabi niya. “I hope you know that what happened last night was very, very special for me. Pero sana wag mong isiping seryoso tayo agad…” umiwas siya ng tingin, ayaw makita ang nasaktan kong mukha.

Pero sa totoo niyan, lumilipad ang puso ko sa tuwa. Keyword: ‘agad’. Ibig sabihin, may posibilidad na maging ‘seryoso’ in the future. Kumbaga, first date palang to. Fuck it, fuck skepticism. Gusto kong umasa.

Sa ilalim ng mesa, pinatong ko ang aking kamay sa tuhod niya.

Tumingin siya sakin, tinignan ko din siya. Ngumiti ako, sinusubukang ipahiwatig sa simpleng ngiti na naiintindihan ko, and that last night was very, very special for me, as well. Nang ngumiti din siya: litaw ang mga ngipin, singkit ang mga mata, labas ang mga dimples, alam kong nakuha niya ang gusto kong sabihin.

Wakas

 
YouPorn