His Christmas Death Wish (Part 3)

His Christmas Death Wish (Part 3)
By: Chaster Rassel

hot-pinoy-hunks-in-underwear-108Pagkasabi ko noon, biglang nag-iba ang timpla ng pagmumukha niya. Hindi siya maipinta. Ang akala ko nga ay magagalit siya at sasapukin ako. Pero hindi ganun ang nangyari. Nagkamot lamang siya ng ulo, tapos……….

“Ba…Bakit mo ba ko tinutulungan nang ganito?”paimpit niyang usisa…..

“Nakakarami ka na tanong ah”

“Sagutin mo ko! Bakit?!”

“Eh…Eh napapalapit na iyong loob ko sa iyo eh”

Bigla ko na lamang nasabi ang mga bagay na iyon. Alam ko kailan ko lang siya nakilala at sa hindi pa magandang paraan. At iilang beses pa lamang kami nagkakasama. Pero, pero iyon ang totoong nararamdaman. Marahil ito na rin ang dahilan, kung bakit ganun na lang ako mag-alala sa kanya. Samantala, natigilan siya sa isinagot kong iyon. Ako rin di na nakaimik, nabalot tuloy kami ng katahimikan. Nang bigla na lamang……….

“AHAHAHA!!!…Si kuya Rudolph oh namumula!…”tumatawang banat ni Roel…..

“Hindi lang siya!…Tignan mo pati si kuya Frosty din!…Ahihihi!…”dagdag ni Noel na humahagikgik…….

Sabay kaming napalingon at napatingin nang masama sa kanilang dalawa. Mukhang nakuha naman sila sa tingin dahil…………

“PEACE!!!…”sabay nilang sambit na may kasama pang malaking ngiti……..

“Hmph!”reaksyon ko…..

Si Rudolph naman, tumayo, binitbit niya iyong silya niya at lumipat sa may tabi ko……..

“Ano iyan? Bakit ka tumabi sa akin?”pagtataka ko…..

“Gusto mong magdate di ba…Gusto mong magsyota-syotaan tayo…Pwes!…Ganito ko maging syota…”

Dinampot niya iyong platong nasa tapat ko. Tapos ay sinimulan niya itong lagyan ng pagkain……..

“Bat mo ginagawa iyan? Hindi ba dapat babae ang gumagawa niyan sa lalake?….”

“Tumingin ka nga sa paligid mo…May nakikita ka bang chicks?…Wala di ba…Tsaka ganito talaga ko, mas gusto ko na ako ang nagsisilbi sa taong mahal ko…”

Pagkasabi niya noon, may pang-asar na pumasok sa utak ko……….

“So kung nagkataon ba na mahal mo ko…Pagsisilbihan mo din ba ko lagi?…”usisa ko na may kasamang nang-aasar na ngisi…..

Napahinto siya sa paglalagay ng pagkain sa plato at napatingin sa akin……..

“Pre ano ba namang klaseng banat iyan?!…Kung nagpapatawa ka, hindi ka nakakatawa ah…”

“Ito naman masyadong siryoso…Halimbawa lang naman eh…”

“Halimbawa lang ah…”

“Oo…So ano?…”usisa ko sabay ngisi ulit…..

“Ahmmm…Syempre…”

Napansin ko na parang napapangiti ang mokong habang sinasabi iyon. Kaya lang hindi ko ito masigurado, dahil agad siya umiwas ng tingin sa akin at ipinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain sa plato. Pero ako, hindi ko mapigil ang ngiti ko. At biglang naging kakaiba ang pakiramdam ko sa isinagot niya.

Ayos na sana eh. Pero bigla ko na namang narinig ang hagikgik ng mga pasaway kong kapatid. Kaya napalingon na naman ako sa kanila at………..

“Kayong dalawang kolokoy!…Imbis na nambwibwiset kayo diyan, kantahan niyo na lang ang kuya Rudolph niyo!…Para naman matuwa siya …”

“Ano pong kakantahin namin kuya?”usisa ni Noel…..

“Kayo nang bahala….Iyong pamasko…Kunwari nangangaroling kayo…Gandahan niyo ah…”

Tumingin na ulit ako kay Rudolph. Tapos na pala niya kong lagyan ng pagkain, pati iyong baso ko may laman na rin…………

“Salamat ha…”napapangiti kong sambit…..

“Ngiti-ngiti ka diyan…Kumain ka na!…”

Ngayon, ngumiti na rin siya sa akin nang hindi umiiwas ng tingin. Nagsimula na nga kong kumain, dahil medyo ginutom na rin ako sa mga kalokohan na pinaggagawa namin. Siya naman ay naglalagay pa ng pagkain sa plato niya. Habang ginagawa niya iyon………….

“Magaling ba silang kumanta?….”usisa niya na may kasamang pagturo ng nguso niya sa kambal……..

“Pakinggan mo na lang…Hehe….”

At nagsimula na ring kumanta sina Noel at Roel…………

…….Pasko na sinta ko……

…….Hanap-hanap kita……

Natigilan kaming pareho sa kanta nila. Lokolokong mga bata toh! Pampaiyak iyong kinanta! Napalingon tuloy ako sa kanila at……..

…….Bakit nagtatam……

“OI!…Bat iyan ang kanta niyo?!….Huwag iyan, palitan niyo!…”iritable kong sambit………..

Pagkatapos noon……..

“Pasensya na Rudolph ha…May pagkaloko lang talaga iyang mga kapatid ko…”

“Halata nga…”

Pinalitan nga ng dalawang kolokoy ang kanta nila. Pero iyong ipinalit naman nila ay……

…….Ang Disyembre ko ay malungkot……

…….’Pagkat miss kita…..

…….Anumang pilit……

Hala siya! Nananadiya ata ang mga toh. Dahil dun lalo akong nairita. Dinampot ko iyong baso ko nang di oras at……

“Batuhin ko kaya kayong dalawa nitong baso!…Paano naman sasaya si Rudolph niyan, iyong mga kanta niyo malulungkot!…”inis kong bulalas na may kasamang pag-angat sa baso…..

Napahinto sila sa pagkanta at…………

“Kuya huwag!…Kawawa naman iyong baso, mababasag”ngingisi-ngising banat ni Roel………

“Sige mang-inis ka pa!”sagot ko….

Habang ako ay naiinis, bigla namang tumawa itong Rudolph. Kaya napatingin ako sa kanya……

“Bakit ka tumatawa?…”

“Nakakatawa iyong reaksyon at itsura mo eh!…Para kang hinahighblood na kalabaw!…Ahahaha….”

“Sobra ka naman!…Tsaka meron bang ganun? Kalabaw na hinahighblood?”

“Meron!..Kausap ko nga ngayon eh!….”

Tinawanan lang niya ko ulit. Pati ang mga kapatid ko ay natawa na rin sa mga pinagsasabi niya. Kaya napakamot na lamang ako sa aking ulo……….

“Alam mo, nagmana lang naman ng pagkalokoloko iyang dalawang iyan sa iyo eh!…Ngayon, kung gusto mong kumanta sila nang matino…Simple lang naman ang solusyon…Bigyan mo sila ng specific na kanta….”

Gaya ng sinabi niya, agad akong nag-isip ng kanta. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko……..

“Alam niyo ba iyong…….”

Lumapit ako sa mga bata at ibinulong sa kanila iyong pamagat ng naisipan kong kanta……….

“Alam po namin iyon!”sagot ni Noel…..

“Yakang-yaka iyan kuya…Aayusin na namin talaga…”dagdag ni Roel…..

“Oh siya sige…Banatan niyo na!…”

Bumalik at naupo na ko ulit sa tabi ni Rudolph. Kasunod noon ay nagsimula na rin silang kumanta ulit……….

…….And I don’t want a lot for Christmas……

…….There is just one thing I need……

Sa wakas! Naging matino rin ang pagkanta nila…………

…….I don’t care about the presents……

…….Underneath the Christmas tree……

“Aba…May katuwiran ah…Malupet naman pala boses nila kapag nagsiryoso eh!…”napapangiting sambit ni Rudolph….

“Iyan ang mga kapatid ko!…Hehe….”

Patuloy namin silang pinakinggan at pinanood, habang kumakain. Nang nasa mabilis na silang parte ng kanta. Sinamahan na nila ng sayaw ito. Kaya mas lalo silang nakakaaliw panoorin. Panay ang tawa namin sa kanila. Mayamaya pa, sa gitna ng kasiyahan namin, napaakap at napahawak na lamang ako sa bewang ni Rudolph.

Nagulat ako sa nagawa ko! Kaya natigilan ako at dahan-dahang napatingin sa kanya. Pagtingin ko, nakatitig na naman siya sa akin nang masama……..

“Ano na naman iyan?! Ha?!…”tila iritable niyang usisa……

Dahil dun ay agad akong napabitaw mula sa kanya……..

“So…Sorry!…”

Matapos iyon ay nagpatuloy na ulit kami sa panonood sa dalawang bata, na para bang walang nangyari. Pero sa kaloob-looban ko, taena hindi ako mapalagay! At panay ang tanong ko sa sarili ko. Ano ba toh? Bakit ba parang nadadala na ata ako sa mga nangyayari sa amin ni Rudolph?

Mula nung araw na isinama ko sina Noel at Roel sa condo. Unti-unti na nga kaming naging malapit ni Rudolph. Napadalas na rin ang dalaw ko sa kanya. At gustong-gusto rin niya na isinasama ko iyong mga bata, kaya pati sa kanila ay naging malapit din siya.

TATLONG ARAW BAGO ANG BISPERAS NG PASKO………..

Papalapit na nang papalapit ang araw ng Pasko. Gusto kong mabigyan ng regalo ang Inay at Itay. Kaya mga bandang hapon, nagbihis ako. Balak kong umalis at mamili ng ireregalo para sa kanila. Nagsusuklay ako ng buhok sa tapat ng salamin ng aparador. Ilang sandali lang ay dumating ang kambal. Galing sila sa labas at pagtingin ko, pawisan sila at sobrang dungis……….

“Oh, anong nangyari sa inyo?!…”

“Wala kuya…Naglaro lang kami hihi…”ngingisi-ngising sagot ni Roel…….

“Naglaro?…Eh para kayong nagswimming sa putik eh!”

“Si Kuya talaga oh!…Syempre!…Meron ba namang naglaro sa labas na hindi nadumihan?….”

“Hmph!…”reaksyon ko sabay tingin na ulit sa salamin at tuloy sa pagsusuklay……

“Kayo po Kuya, bat po kayo nakabihis?…Pupunta po ba kayo kay Kuya Rudolph?…Pwede po ba kaming sumama ni kambal?”usisa naman ni Noel….

“Hindi ako sa kuya Rudolph niyo pupunta noh…May bibilhin lang ako kaya di ko kayo pwedeng isama….”

“Ay…Ganun po ba…”malamyang sambit ni Noel…..

Mula sa salamin, nabakas ko sa mukha niya ang pagkadismaya sa sinabi ko. Eto namang loko niyang kakambal, lalong ngumisi at……..

“May bibilhin daw…Sus! Baka naman regalo kay kuya Rudolph iyan?…Ayeee!…Nililigawan mo na siya noh kuya?…”

Napahinto ako sa pagsusuklay at napatingin sa kanya. Gusto kong magsalita pero di ako makaimik. Bigla kasi kong napaisip sa sarili ko, dahil sa sinabi niya. At habang nakatingin lang ako sa kanya……….

“Aaayyyyyy…..Si kuya Frosty!….Nababading kay kuya Rudolph!…Hahaha….”biglang malakas at tumatawa na sambit ni Roel……

Nagulat ako sa sinabi niya! At bigla akong kinabahan………

“HEH!!!…Tumigil ka nga diyan!…Ang daldal mong bata ka…Mamaya niyan dumating ang Itay at Inay at marinig ka!…”iyon na lamang ang naging reaksyon ko…….

Tinawanan lamang niya ko kaya naman mas lalo akong nainis……..

“Alam mo, imbis na nang-iinis ka…Atupagin niyo na lang ni Noel ang pagligo at paglilinis ng mga katawan niyo dun sa likod!…”pambubulyaw ko……

Sa inis ko, hindi ko na tinapos ang pag-aayos ng aking buhok. Kinuha ko na iyong sapatos ko, naupo ko sa isang silya at sinuot na ito. Nang sa ganun ay makalayas na ko. Habang nagsasapatos ako, si Roel ay nakatayo at ngingisi-ngisi pa rin sa harap ko.

Si Noel naman, nasa tapat ng aparador. Tahimik siyang nagtatanggal ng suot niyang maruming sando. Pansin ko na ang lungkot pa rin ng mukha niya, na ang tamlay niya. Kaya naman tinapos ko na ang pagsasapatos at agad siyang nilapitan……….

“Oi Noel…Ano naman iyan? Bakit nakabusangot ang pagmumukha mo diyan ha?…”

Hindi niya ko kinibo, sa halip ay inatupag lamang niya ang pagkuha sa tuwalyang gagamitin niya. Parang alam ko na kung anong problema niya. Kaya tinapik ko siya sa balikat at…….

“Oi, tumingin ka nga muna sa akin…”

Humarap nga siya sa akin……….

“Nagtatampo ka ba kay kuya dahil hindi ka niya maisasama ngayon?”usisa ko…..

Tumango lamang siya, tapos ay napayuko siya. Hay, ang mga bata nga naman……..

“Hmmm…Ganito na lang…Para hindi na magtampo iyong isa diyan…Magdadala na lang ako ng pasalubong, pag-uwi ko!…”

Napaangat siya ng ulo at napatingin sa akin………

“Ta…Talaga po kuya?!”napapangiti niyang usisa…..

“Oo…Hindi ba’t gusto mo ng bagong sapastos tsaka jacket?…Pwes, ako na ang bibili noon mamaya…Pamasko ko na iyon sa iyo ha!…”

Matapos kong sabihin iyon ay halos magtatalon siya sa tuwa……

“YEHEY!…Woohoo!…”hiyaw niya……

Samantala si Roel, biglang lumapit sa amin at………

“Eh! Kuya paano naman ako?!…”

“Hmph!…Pagkatapos mo kong asar-asarin, manghihingi ka ng pamasko?!…Aba matinding bata!…Ano ka? Sinuswerte?!…”

“Kuya naman eh!…Sige…Sori na!…SORI NA SA PANG-AASAR KO!…Basta pamaskuhan mo din ako kuya!…”napapaluhod niyang sambit…..

Ang lakas-lakas mang-asar, pero pagdating sa pamasko, hindi magkanda-ugaga. Natawa na lang tuloy kaming dalawa ni Noel sa kanya at……

“Oh sige na…Sige na!…Bibilhan na rin kita!…Tigilan mo lang iyan dahil ang sagwa mong tignan!….Hahaha….”natatawa ko pa ring sambit……

“IYON!…Ang bait talaga ng kuya kong pogi oh!…Ahihihi!…”

At nambola na naman! Matapos iyon ay aakap sana siya sa braso ko. Pero umiwas ako…………

“Huwag mo kong hawakan!…Ang dungis mo baka madumihan mo iyong damit ko eh!….”

“Ay…Sori kuya…Hehe…”

“Teka kuya…”biglang sambit ni Noel…..

“Huh?…”

“Nung isang araw, binigyan niyo po si Inay ng pamalengke di ba?…Kanina naman, sinabi niyo sa kanila ni Itay, na kayo na po ang bahala sa Noche Buena natin…Tapos ngayon naman po, bibilhan niyo kami ng sapatos at jacket!…Kuya bakit po ganun?…Bat parang ang dami niyo pong pera?…”

Natigilan ako bigla sa tanong na iyon ni Noel. Putek! Hindi ako naging maingat sa mga pinagkikilos ko! Nawala sa isip ko na pwede silang magduda sa akin!………

“Oo nga noh!….Kuya paano ka nga ba nagkapera?…Hindi ka naman namin nakikitang nagtratrabaho ha….”dagdag pa ni Roel….

Sa puntong iyon, para makaiwas ako sa mga tanong nila, naisipan ko na lamang na………

“Tumigil nga kayo!…Kung anu-ano na lang tinatanong niyo…Sige kayo baka magbago ang isip ko…”

“Hihi…Sabi ko nga kay kambal huwag nang magtanong eh…Eto talagang si kambal oh…Makulit…”biglang banat ni Roel na may kasama pang patapik-tapik sa likod ng kakambal niya………

Napatitig lang si Noel sa kanya, pero iyong titig na may bakas ng pagkayamot at irita. Ako naman ay napabuntong-hininga na lang dahil nakaligtas ako. Tapos ay napangisi sa kanila at……..

“Oh siya…Maligo na kayo doon…At ako’y lalarga na…”

“Okay!…Maliligo na!…”maligalig na sagot ni Roel……

Lumakad na siya papunta sa aparador at kinuha na din iyong tuwalya niya. At may pasayaw-sayaw pa ang loko habang naglalakad. Pagtapos noon ay dumiretso na siya sa likod-bahay. Lumakad na rin si Noel. Aalis na rin dapat ako, pero bago pa man ako makalabas ng pinto…….

“Kuya!…May nakalimutan po kong sabihin!…”biglang pagtawag ulit sa akin ni Noel…..

Akala ko sumunod na talaga siya kaya Roel. Iyon pala may pahabol pa sa akin. Kaya naman napalingon ako at……….

“Ano iyon?”

“Ahmmm….Sa akin po…Okay lang…”

“Okay ang alin?”

“Na…Na bading po kayo…Kung talagang lab niyo na si kuya Rudolph…Ituloy niyo lang kuya….Basta masaya kayo, masaya na rin po ako…”napapangiti niyang sambit……

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Pero kasabay noon ay nakaramdam din ako ng di mawaring pagluwag sa aking kalooban. Kaya naman napangiti na lang din ako sa kanya at………

“Hmph…Langyang iyan…Akala ko naman kung anong sasabihin mo…Eh mang-aasar ka lang din pala gaya ng kakambal mo“

“Kuya naman!…Di po ko nang-aasar noh…Siryoso po ko sa mga sinasabi ko….”

Napangiti na lang ulit ako at………

“Ikaw talaga oh!…Sige na…Alis na ko…”

“Ingat po kuya!…”

Matapos iyon ay tuluyan na nga akong umalis. Nagtungo ako sa isang mall para dun mamili. Damit ang naisip kong bilhin para kay Inay, dahil halos lahat ng mga nakikita kong suot niya ay luma na. Samantala, may nakita akong pangtsek ng blood pressure na dibaterya. Digital ito at madali lang gamitin, naisip ko na tamang-tama ito para kay Itay. Kaya iyon ang naisip kong iregalo para sa kanya.

Ang hinuli ko naman ay iyong para sa kambal. Dun ako natagalan, ang dami ko kasing inikutan para lang maghanap ng matinong sapatos at jacket para sa kanila. Hanggang sa may natipuhan ako. Kaya lang branded ito at may kamahalan. Pero napakaganda nito at sakto pa na may katernong jacket.

Naisip ko na isang beses lang naman sumasapit ang Pasko sa isang taon. At minsan ko lang din mabibigyan nang matinong pamasko ang mga kapatid ko. Kaya naman binili ko na.

Naglalakad pa rin ako sa mall. Habang naglalakad ako, naalala ko bigla si Rudolph…………

“Hmph…Regaluhan ko din nga kaya ang mokong na iyon?…Pero…Pero bakit ko naman siya reregaluhan?….”

At bigla na lamang bumalik sa akin, iyong mga pang-aasar ni Roel kanina, tungkol sa kanya. Pati rin iyong aksidenteng pagkakahalik ko sa kanya dati, iyong hindi ko maintindihan na pakiramdam nung nasyota-syotaan kami at iyong mga pag-aalala ko sa kanya. Tapos bigla ko ring naalala iyong sinabi ni Itay na…………

“Hoy Frostiniano!…Magsabi ka nga sa akin ng totoo, ikaw ba’y sadiyang pihikan lang sa babae o baka naman lalake ang hanap mo?!…”

At iyong mga sinabi ni Noel kanina……..

“Ahmmm….Sa akin po…Okay lang…”

“Okay ang alin?”

“Na…Na bading po kayo…Kung talagang lab niyo na si kuya Rudolph…Ituloy niyo lang kuya….Basta masaya kayo, masaya na rin po ako…”

Napaisip na lamang ako, hanggang sa……..

“TAENA!…Ano ba itong mga tumatakbo sa utak ko?!….Bat ganito?!…Nagkakagusto na ba talaga ko sa siraulong iyon?!…”sambit ko sa sarili ko…..

Mayamaya, napadaan ako sa tapat ng isang bookstore. Napalingon ako at meron akong nakitang bagay na saktong-sakto para kay Rudolph. Isang bagay na tiyak matatawa at matutuwa siya, kapag nakita niya. Pumasok ako sa bookstore at lumapit ako kinalalagyan noon.

Dinampot ko ito at tinignan. Habang hawak-hawak toh, napatanong na lamang ako sa sarili ko ng……….

“Hindi naman siguro masama di ba?…”napapangiti kong bulong…….

At iyong nga, nagpasiya ko na bilhin ito para iregalo kay Rudolph. Natapos na nga ang pamimili ko. Bago ko tuluyang umuwi, naisipan ko na ipabalot ang mga binili ko, para mas matuwa sila pag binigay ko na ito sa kanila. Maliban na lamang iyong sa kambal, dahil alam naman na nila kasi, kung ano ang regalo nila hehe.

PAG-UWI SA AMIN………..

Ginabi na ko ng uwi. Pero pagdating ko sa bahay, gising pa iyong kambal at nakaabang pa sa may pinto. Excited ata ang mga loko. Agad ko silang nilapitan. Paglapit ko, ibinaba ko muna ang mga bitbit ko at……

“At talagang hinintay niyo pa ko dito ah!…”

Di gaya ng inaasahan ko, ang naging reaksyon nila ay kabaliktaran. Kahit kaunting bakas ng pagkasabik sa mukha nila, wala……….

“Oh anong nangyari sa inyo?…Bat ganyan ang mga itsura ninyo?…”

“Kuya kasi po….”putol na sambit ni Noel….

Napahinto siya sa pagsasalita dahil biglang lumabas ang Inay………

“Mabuti naman at dumating ka na…Dahil kanina ka pa namin hinihintay ng Itay mo!…”sambit niya na tila galit ang tono………

“Ahmmm…Pasensya na po Nay…Ginabi ako dahil namili kasi ko eh…Mga regalo Nay para sa inyo ni Itay at pati na rin sa mga kapatid ko…”

Parang wala lang kay Inay iyong mga sinabi ko, kaya nagtaka at kinabahan na ko. Matapos iyon ay sinabihan niya ang mga bata na pumasok na muna sa loob. Sa pagpasok nung dalawa, lumabas naman si Itay. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko, dahil bitbit niya iyong bag ng pera na galing kay Rudolph!……….

“Mga regalo?!…”pagalit niyang usisa….

Tumingin siya sa mga pinamili ko. Pagkatapos ay agad din siyang lumingon sa akin at……….

“Saan mo kinuha iyong pinambili ng mga iyan?! Dito ba?!!…HA?!!!…”bulalas niya sabay bato nung bag sa akin…..

Tumama sa dibdib ko iyong bag, pagkatapos ay bumagsak ito, dahilan para kumalat iyong ibang pera mula dito. Ako naman ay napaiwas na lamang ng tingin at napayuko. Alam ko naman na darating at darating din talaga ang oras na toh. At ngayon, kailangan ko nang harapin ang mga kasalanang nagawa ko………

“ANO?!…Magsalita ka!…Sa iyo iyan di ba?!…”muling sambit ni Itay…..

“May mga dumaan dito kanina na magbobote…Naisip namin na ibenta sa kanya iyong mga nakatambak na gamit sa likod, para maging pera…Laking gulat na lang namin, nang makita namin iyan…Ikaw lang Frostiano ang pwedeng magtago niya doon!…Kaya sana, huwag ka nang magkaila sa amin!…”dagdag pa ni Inay……

Napaangat ako ng ulo, tapos ay napalunok na lamang ako at……….

“Tay…”

“Magsabi ka sa amin ng totoo!…SAAN GALING ANG PERANG IYAN?!….”bulalas ni Itay….

“Ni…Ninakaw ko po Tay…”paimpit kong pag-amin……

Pagsakabi ko noon, bigla akong hinila ni Itay sa damit at sinuntok sa pagmumukha……….

“Bakit?…Bakit mo ginawa iyon?!….HINDI KA NAMIN PINALAKI NG NANAY MO PARA LANG MAGING ISANG KRIMINAL!…”

Natumba ako at nagdugo pa ang nguso ko. Pero agad ko namang pinahiran ito ng kamay ko, habang bumabangon ako. Pagbangon ko………

“Nagawa ko iyon Tay dahil gusto ko kayong matulungan…Ginawa ko iyon para sa inyo at hindi para sa sarili ko!…Kung hindi ako kumapit noon sa patalim, wala kayong gamot na maiinom!…Malamang hanggang ngayon, nakaratay pa rin kayo sa ospital!…At higit sa lahat, BAKA SA KALSADA NA TAYO PINUPULOT NGAYON!!!”mangiyak-ngiyak kong bulalas ko……

Binalak ni Itay na sunggaban ulit ako ng suntok, pero ngayon ay hinawakan at pinigilan siya ng Inay………..

“At nakuha mo pang isumbat sa amin iyang ginawa mong kabuktutan!…HA?!….”sambit ni Itay sabay pumiglas sa pagkakahawak ng Inay…..

Nakawala siya mula sa pagkakahawak ni Inay. Matapos iyon ay bigla niya kong pinagtulakan papalabas ng gate at……

“Lumayas ka!…LUMAYAS KA DITO NGAYON DIN!!!….”

Pagdating sa labas ay halos matumba na naman ako sa kakatulak sa aking ng Itay. Kasunod noon ay ibinato niya ulit sa akin iyong bag………

“Isama mo na sa iyo iyang pera mo!…At itong mga regalo mo?…”

Pinagdadampot niya iyong mga pinamili ko at pinagbabato din sa akin………

“Iyo na ang mga iyan!…HINDI NAMIN KAILANGAN NG MGA REGALO NA GALING SA MASAMA!!!…”

Kasunod noon ay sinarahan na nila ko ng gate at pumasok na sila sa loob ng bahay. Ako naman ay naiwan na maluha-luha. Sa puntong iyon, hindi na rin naiwasan na pagtinginan ako, ng mga nakikiusiyosong kapitbahay. Kaya agad ko nang inayos aking sarili.

Binibit ko na iyong bag. Napayukyok ako, dinampot ko iyong isa sa mga regalo, iyong para kay Itay. Napatingin na lamang ako dito. Kahit na galit sila sa akin at halos itakwil na nila ko ngayon. Gusto ko pa ring ibigay ang mga ito sa kanila, tanggapin man nila o hindi.

Isa-isa ay ipinasok ko sa gate iyong mga regalo. Buti na lamang ay nagkasya ang mga ito at ang aking braso sa puwang ng gate. Ang itinira at kinuha ko lamang ay iyong para kay Rudolph. Matapos iyon ay umalis na nga ko at agad na tumakbo papalayo sa mga taong nag-uusyoso.

SA CONDO NI RUDOLPH………..

Wala na kong ibang mapupuntahan. Bukod kasi sa pamilya ko, wala naman nang ibang tao na masasabi kong malapit sa akin, maliban na lang kay Rudolph. Kaya heto, ang bagsak ko ngayon ay sa condo niya. Nang pagbuksan niya ko ng pinto……….

“Oh!…Ano naman ang trip mo at napadpad ka dito nang ganitong oras?….”usisa niya……

Hindi ako nakasagot at napatitig lamang ako sa kanya. Pero tila nabatid naman niya sa itsura ko na may problema ko, dahil bigla siyang natigilan. Pinatuloy na niya ko at pagpasok, inilapag ko muna sa may supa sa sala iyong bag. Nagtungo naman siya sa kusina at sumunod ako………

“So pre…Anong nangyari?”

“Hmph!….Madramang kwento toh!…Sigurado ka ba na trip mong makinig?…”sagot ko sabay upo sa may hapag……

“Hmmm…Matagal na kong di nakakanood ng MMK!…Sige! Banatan mo ko niyang lifestory mo…Pero bago iyon, kukuha muna ko ng malalagok at mangangata natin…”

Pumunta siya sa may ref. Habang tumitingin siya doon……

“Frosty anong gusto mo?….”

“Eh ano bang meron diyan?”

“Merong softdrinks, beer, vodka tsaka…Baygon!…”sagot niya sabay tingin at ngisi sa akin……

“Uy Baygon!…Ayos iyan!…Samahan mo na rin ng isang platitong Racumin, para may pulutan tayo!”

“Isang platito lang? Bat di pa natin gawing mangkok para hard!”

“Ahahaha!…”

Kapag kami na talaga ni Rudolph ang magkasama at magkausap, puro kabaliwan at kalokohan ang lumalabas sa mga bibig namin. Samantala, beer na lamang ang kinuha niya at sinamahan niya ito ng isang mangkok na mani. Tapos ay kumuha din siya ng basang bimpo, pampunas ko raw sa kamay ko. At tsaka siya naupo sa tabi ko……….

“Sarap naman…Pinagsisilbihan na naman niya ko…Ang sweet niya talaga oh!…Hehe…”ngingisi-ngisi kong sambit….

“Ungas!…Huwag mo kong simulan ah…Magkwento ka na lang diyan!…”

Ayun, habang umiinom at ngumangata kami, ikinuwento at ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari. At nang malaman na niya ang lahat……..

“Eh katok ka naman pala eh!…Bakit ka nagsinungaling sa mga magulang mo?”

“Ano ka ba!…Eh nung nalaman nga lang nila na nagnakaw ako, umusok na iyong ilong at tenga ni Itay eh…Paano pa kaya kung sinabi ko na nangholdap rin ako at sinubukan ko pang pumatay ng tao…Baka bumalik siya noon ng ospital nang di oras!…”sagot ko sabay inom ng beer…..

“Hmph…Sabagay…May point ka diyan…Pero sana man lang, sinabi mo sa kanila na ibinigay ko na sa iyo iyong pera di ba…”

“Hindi na ko nagkaroon ng pagkakataon…Dahil nga nagwala na si Itay at pinalayas ako”

“Tapos, dito ka na bumagsak sa akin…Oh di ba meant to be together talaga tayo!…Haha!…”banat niya sabay biglang akbay at hila sa akin…..

Langya! Biglang tumalon ang dibdib ko nang di oras dahil sa ginawa niya. Pero hindi ko pinahalata na may iba kong naramdaman, sa halip ay dinaan ko na lang din sa biro……….

“Oo!…Meant to be tayo, dahil pareho tayong siraulo!”

“Ahahaha!…”

“Siya nga pala, okay lang ba sa iyo na…Na dito muna ko?”

“Oo naman pre!…Ikaw pa, eh crush kita eh!…Hihi…”

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon at napatulala sa kanya. Pakiramdam ko rin ay namumula ko. Pero ilang saglit lang ay natauhan ako at……..

“Hoy Rudolph!…Kakaunti pa lang ang naiimon natin ah…Huwag mo sabihin sa akin na lasing ka na?…Kaya kung anu-ano na naman ang lumalabas diyan sa bibig mo!”

“Bakit? Masama bang magkacrush sa iyo?…Tsaka fyi, hindi ako madaling tamaan sa alcohol…Sa puso pwede pa….”nakangisi niyang sagot….

Taena naman nitong mokong na toh oh! Kanina pinipigilan niya ko na asarin siya, pero ngayon siya naman itong bumabanat ng mga ganito. Sa puntong iyon ay tuluyan nang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba talaga siya o may halo nang siryoso. Gusto kong malaman ang sagot, kaya naman………

“Ah…So ang sinasabi mo ay may tama ka na sa akin?”nakangisi ko ring usisa sabay tingin nang diretso sa mga mata niya…….

“HA?!”

ITUTULOY……..

 
YouPorn