Eng21 (Part 26)

Eng21 (Part 26)
By: Cedie

hot-pinoy-hunks-in-underwear-138XXVI. Unang Pagkikita

Pagkagising ko ng kinahapunan ng araw na iyon ay agad akong nagbukas ng facebook. Hinanap ko agad si Jivan gamit ang account na binigay niya at nakita ko naman agad ito. Inadd ko siya bilang friend sa FB at nakita ko naman ang mga pictures niya dahil hindi naman nakaprivate ang mga ito. Pagbukas ko ng account niya ay nakita ko ang mga pictures niya. Cute si Jivan, medyo payat siya, katamtaman ang taas na nasa mga 5’8 cguro kung pagbabasehan mo ang mga pictures, at masasabi kong may dating din. Buong hapon ko lang pinagmamasdan ang mga pictures ni Van sa FB niya at di ko namalayan na alas siyete na pala ng gabi. Pinatay ko ang laptop ko at kumain na ng hapunan. Naiinip ako dahil 3 days pa muli bago kame magkatext ni Van dahil wala pang weekend..

Kinabukasan ay nagising ako na nagriring ang aking cellphone, isang unknown number ang lumabas kaya kahit inaantok ako ay sinagot ko ito. “Hi this is Marie from ****, Is this Cedie?”, nagulat ako ng eksaktong tumawag 1 week from my interview ang kumpanyang pinagapplyan ko. Nakausap ko ang babae at sinabing bumalik daw ako by next week para sa contract signing. Natuwa naman ako dahil pumasa pala ako sa interview at magkakaroon na ng job offer next week. Ibinalita ko iyon sa aking pamilya at sila ay masaya para sa akin. Sinabi ko na kailangan nameng bumili ng damit ko para sa susuotin pag bumalik ako doon. Friday ng hapon ay nagpunta kame ng aking Mama at ng aking pamangkin sa pinakamalapit na mall para bumili ng polo. Habang umiikot kame ay nagulat ako nang magtext na si Jivan. “Uy, may load na ko”, yun ang text niya ng ilang beses dahil hindi ako nakakapagreply sa kanya. Nang mabasa ko ang text niya ay nagreply naman agad ako, “Oh kamusta?
haha, nakita mo na ba ko sa FB?”, sumagot naman siya ng “Ok lang naman, ikaw?”. “Eto nasa mall kame bumibili ng polo, kailangan kasi para sa pagpasok ko eh, hehe, nakita mo na ba ko sa FB?” Nakailang palitan kame ng text messages at inuulit ulit ko ang tanong sa kanya kung nakita na ba niya ko sa Facebook pero hindi niya iyon sinasagot. Nakaramdam din ako ng kaunting pagbabago sa mga pagtetext niya sa akin. Kahit papano ay parang nagtaka ako kung bakit biglang parang nag iba ang Van na katext ko. Sinabi ko na magtext na lang kame mamaya paguwe ko ng bahay at pumayag naman siya. Itinuloy namen ang pag ikot sa mall hanggang sa makahanap na ko ng damit na isusuot ko. Kumain kame sandali ng aking Mama at ng pamangkin ko sa fastfood at nagmamadali akong umuwi dahil nga sa makakatext ko namang muli si Van. Hindi ko alam kung anong saya ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon habang nakasakay kame sa jeep papauwi ng aming bahay.

Pagdating ng bahay ay agad kong tinext si Van at sinabing nakauwe na kame. Nagreply naman agad siya at kinamusta ako. Nagkaron kame ng kaunting palitan ng messages hanggang sa napansin ko pa din na parang nag iba sya mula ng una ko siyang makatext nung isang linggo lang. Hanggang sa maalala ko yung tanong ko kanina kung nakita na ba niya ang FB ko. “Oo tol nakita ko na, ayoko na lang sabihin na nakita ko kasi ayokong mag away tayo”, yan ang naging sagot niya sa akin. “Eh bakit naman tayo mag aaway?”, reply ko naman sa kanya. “Kasi hindi kita trip, sorry, anlayo kasi ng expectations ko sa mga sinabi mo saken nung makita kita sa pictures mo sa fb mo.” Nagulat ako sa reply niya at nagalit ako ng kaunti kay Van. Bigla kong sinagot, “Ang sama naman ng ugali mo, magkita na lang tayo sa personal para makita mo na malayo ang itsura ko sa picture. Eksakto walang tao dito sa bahay bukas, punta ka dito para makita mo ko”, may halong galit at kaba ang mga naging reply ko sa kanya at may halong excitement din dahil sa pagkakataon na pwede na kaming magkita bukas. Nagreply siya ng “Ok sige, sorry ah”, “Wala yun, sige bukas text ka na lang ah”. nagusap kame kung paano ang daan papunta sa amin. Malapit lang naman ang eskwelahan niya sa bahay namen. Kakatapos lang ng birthday ni Jivan noong nakaraang buwan, 19 years old na siya ngayon at ako naman ay mag 22 na sa darating na July. Nagtext pa kame ni Jivan nung gabing iyon hanggang sa abutin na kame ng hatinggabi at nagpaalam na matutulog na at magkikita bukas. Bago ako matulog ay iniisip ko kung ano ang mangyayari sa amin ni Jivan bukas.

Kinabukasan paggising ko ay nagpaalam na sina Mama na aalis muna at mamayang gabi na uuwe kaya naiwan akong mag isa sa bahay. Tutal maaga pa naman nung mga oras na yon kaya naglinis muna ko ng bahay dahil nga dadating si Jivan. Nung magkatext kame ay nagsinungaling ako sa kanya na nagkaron na ako ng GF at iba pang mga relasyon at hindi pa ko nakikipagmeet sa iba. Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling ako sa kanya pero gusto kong isipin niya noon na ang cool cool ko. Pero sinabi ko naman sa sarili ko na ipagtatapat ko din yun sa tamang panahon. Ang gusto ko munang isipin ngayon ay maging ok ako sa paningin ni Jivan. Pagtapos kong maglinis ay mga tanghali na nun at nagtext na siya na papunta na siya sa bahay. Sinabi ko na maliligo na ako at susunduin na lang siya malapit sa amin para hindi siya maligaw. Naligo na ako at nagpabango para na din maging handa sa kung anuman ang sakaling mangyayari. Hindi ko na lolokohin ang sarili ko pero alam ko na may mangyayari sa amin sa araw na iyon. Alam namen sa isa’t isa na isang trip din ang hinahanap namen, lalo na siya dahil gusto niyang mag explore dahil virgin pa si Jivan. Habang iniisip ko yun ay sinimulan ko ng magbuhos ng malamig na tubig sa aking katawan.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng simpleng pambahay na damit lamang at tinignan ang aking cellphone. “Nasa jeep na ko, sa may gas station na lang na sinabi mo kagabe tayo magkita”, ang text niya at dali dali akong lumabas ng bahay para sunduin siya sa napagusapang lugar. Pagdating ko sa gas station ay wala pa siya, hanggang sa nagtext siya na andun na daw siya at tinatanong kung nasaan ako, pagkabasa ko ng text na iyon ay may nakita akong lalaki na lumabas sa gas shop na iyon. Pagkakita ko ay si Jivan na iyon. Nakagreen na F&H na polo shirt siya, nakapants at Sanok na slippers. May kulay ng kaunti ang kanyang buhok kapag nasisikatan ng araw at may kaunting kapayatan. Pero masasabi mo na may itsura si Jivan at may dating. Nang makita na din niya ako ay nginitian ko siya at sinabi kong sundan niya lang ako papunta sa amin. Nagsimula na akong maglakad at nakita ko namang sinusundan niya ako papunta sa bahay. Pagdating namen sa bahay ay niyaya ko siyang pumasok sa loob at ipasok na niya ang kanyang sapatos. Sumunod naman siya at tinanggal na lamang niya ang suot niyang sapatos pagpasok sa loob. Inalok ko muna siya ng tubig at sabi niya ay ok lang naman siya. Inabot ko ang aking kamay at nagsalita, “Ced nga pala”, “Jivan”, inabot din naman niya ang kanyang kamay at nakipagkamay sa akin. Bigla kong itinanong, “Oh kamusta? Ganun pa din ba itsura ko sa mga nakita mo sa pictures? Malayo naman diba?”, nakangiti kong tanong sa kanya at sumagot naman siya, “Medyo malayo, para ka kasing nerd dun sa pictures mo eh”, “Hindi naman kasi ako mahilig magpiktyur kaya kahit ano na lang ang ipinopost ko dun”, paliwanag ko. “Ah ganun ba?”, sagot naman niya. Tila matipid at nahihiya pa siyang magsalita sa mga oras na iyon. Nasa sala pa kame at binuksan ko ang TV para mawala naman ng konti ang katahimikan sa paligid. Nilatag ko ang folding bed sa sala at umupo doon. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko yun hanggang sa nilakasan ko ang loob ko at sinabi kong, “Halika dito sa tumabi ka saken”, sinenyasan ko siya na umupo sa tabi ko ngunit nagulat ako ng sabihin niyang, “Akyat na lang tayo sa kwarto mo”, hindi na ako nakasagot pa at tumayo ako sa kinauupuan ko at sinabi ko na sumunod sa akin paakyat ng kwarto. Habang paakyat kame ay may kung anong lakas ng kabog sa dibdib ko dahil sa mga susunod na pangyayari.

 
YouPorn