Christmas Death Wish (Part 4) FINALE

Christmas Death Wish (Part 4) FINALE
By: Chaster Rassel

hot-pinoy-hunks-in-underwear-108Namula ang mokong, tapos ay napakalas siya ng akbay sa akin at napaiwas nang tingin………

“Lokoloko!…Binibiro lang kita, sinisiryoso mo naman!…”

“Haha!…Sabay biglang kabig eh noh!…”

“Hmph!….”iyon na lamang ang naging reaksyon niya sabay tungga sa beer niya….

Biro daw pero hindi naman siya makatingin nang tuwid sa akin. At hindi pa rin nawawala ang pamumula sa mukha niya. Pagkatapos……..

“Siya nga pala, nabanggit mo kanina na namili ka ng mga regalo para sa pamilya mo di ba?…Eh anu nang nangyari dun?”

“Ah iyon ba….TEKA!…Iniiba mo ang usapan ah…Hehe…”

“Curious lang po ko!…Kung ayaw mong sagutin, eh di huwag…”

Ang kulit ng itsura niya. Ang sarap inisin lalo, pero mabuti na rin na sagutin ko na lang ang tanong niya……

“Iniwan ko…”sambit ko…..

“Huh?…”

“Iniwan ko sa gate namin…Nagbabakasakali kasi ko na tanggapin pa rin nila…Sa kabila ng…Sa kabila ng mga nangyari…”

At doon ko lamang naalala, na may regalo nga din pala ko para sa kanya……..

“Ay oo nga pala!”

Tumayo ako at nagtungo sa sala, para kunin sa bag iyong regalo ko sa kanya. Pagbalik ko…….

“Oh…Meron din akong regalo para sa iyo”sambit ko sabay abot ng regalo sa kanya…..

“Wow naman!…Nag-abala siya para sa akin…”sambit naman niya sabay kuha sa regalo…..

“Sa Pasko ko pa sana dapat ibibigay iyan sa iyo eh…Pero nandito naman na ko ngayon…Kaya ayan…”

Pag-upo ko ulit sa tabi niya, agad niyang binuksan ito. Nang makita niya kung ano ito…….

“Libro!…’101 Ways To Commit Suicide’…”

Hindi siya magkandamaliw sa kakatawa nang mabasa niya iyong pamagat ng libro……..

“Langya ka Frosty!…Saan mo nahagilap toh?!…AHAHAHA!!!…”

“Eh di sa bookstore…Saan pa?…At nung makita ko iyan, ikaw agad ang pumasok sa utak ko…Kaya binili ko…Ayos di ba?…Hehehe….”

“Ampota na iyan oh!…Kung alam ko lang na meron palang ganito, eh di sana matagal na kong bumili!…”

Binuklat na niya ito………

“Uy! At may dedication pa sa loob ah…”

At binasa niya iyong isinulat ko kanina, nung bago ko ito pinabalot………

“Rudolph…Alam kong ito ang trip mo, kaya sana magustuhan mo…At sana ingatan mo, para laging may magpapaalala sa iyo ng mga katangahan mo sa buhay….”

Matawa-tawa siya habang binabasa iyon. Pero pagdating niya sa dulo…….

“Love Frosty?…….Love talaga?Love mo ko?”paimpit niyang usisa sabay ngisi sa akin…..

“Oi wala akong nilagay na love diyan ah!…Frosty lang iyong isinulat ko diyan!…”natatawa kong sagot….

“Ahahaha!…”

Sinakyan ko lang ang biro niya, pero taena kinabog ako sa mga sinabi nya! Alam ko na kasi kung ano na talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Iyon nga lang, di ko pa ito kayang sabihin sa kanya……..

“Pero pre…Salamat dito ah…Naappreciate ko toh…”ngingisi-ngisi pa rin niyang sambit….

Napangisi na lang din ako sa kanya. Pagkatapos noon, nagpatuloy ang kwentuhan at kulitan namin habang umiinom.

KINABUKASAN………..

Nang sumunod na araw, pagdating ng gabi, niyaya ako ni Rudolph na lumabas. OO, ang tao na dati ay laging nakakulong lang sa loob ng condo niya, ngayon gustong lumabas. Napaisip tuloy ako, kung nangangahulugan ba ito na nagiging okay na siya.

Naggala kami sa mall, tapos kumain. Masaya naman ako para sa kanya. Pero hindi ko maenjoy ang paglabas namin, iniisip ko kasi ang pamilya ko. Kung kumusta sila, kung okay lang ba sila. Gaya ngayon, naglalakad kami sa may kalsada. Panay ang daldal niya sa daan habang binabasa iyong librong niregalo ko sa kanya………….

“Pre ayos talaga itong librong toh!…Ang kukulit nung mga nakalagay na way para magsuicide haha…Gaya nito oh…Maghanap ng nakalaylay na kawad ng kuryente at maglambitin dito!…Hahaha….”tatawa-tawa niyang sambit…..

Pero ako, tahimik lang. Habang hinahayaan siya………

“Ay eto…Malupet pre!…Pumorma nang maganda, magsuot ng mamahaling gamit tapos maghanap ng holdapper na hoholdap at papatay sa iyo”

Iyong mga sinabi niyang iyon, iyon ang saktong nangyari sa aming dalawa dati. Kaya naman bigla akong napahinto sa paglalakad at napatingin sa kanya. Huminto din siya at nginisihan ako nang nakakaloko………

“Nakalagay talaga iyon diyan?”

“Oo…”

Ngingisi-ngisi pa rin siya. Hindi ko tuloy alam kung nagsasabi ba siya ng totoo…….

“Pinaglololoko mo lang ata ako eh…”iritable kong sambit…..

“Ay ayaw maniwala, kung gusto mo tignan mo pa dito…”sagot niya sabay alok sa akin nung libro…..

“Hmph…Di bale na nga…”

Nauna na kong lumakad sa kanya ulit dahil sa pagkairita ko. Agad naman siyang humabol sa akin……..

“Oi Frosty…Ano bang nangyayari sa iyo? Kanina ang tahi-tahimik mo, tapos ngayon naman nagsusungit-sungitan ka…Okay ka lang ba pre?”

Napahinto ulit ako sa paglalakad, lumingon ako sa kanya at……

“Ugok ka talaga noh?!…Itinakwil ako sa amin, NAWALAN AKO NG PAMILYA…Tapos magtatanong ka pa nang ganyan…Alam mo bang wasak na wasak ako ngayon?!”

“Hmph…”

Inakbayan niya ko, tapos ay tinapik-tapik niya ang balikat ko. Kasunod noon……..

“Alam mo pre, isa lang ang ibig sabihin niya…Join ka na sa akin! PATIWAKAL KA NA RIN!…”ngingsi-ngisi na naman iyang banat….

Bwiset! Akala ko kung ano na ang sasabihin niya. Akala ko magsisiryoso na siya, iyon lang pala. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ko o matatawa na lang sa kanya eh. Dahil dun, napakamot na lamang ako ng dalawa kong kamay sa aking ulo. Matinding pagkamot na nagkandagulo-gulo na ang buhok ko……..

“Masisiraan ako ng ulo sa iyo eh!”bulalas ko…..

“Haha…Sus! Kunyari ka pang naiinis…Pero natutuwa ka naman sa banat ko eh…Ayan nga oh…”

Idinampi niya iyong hintuturo ng isa niyang kamay sa pisngi ko……..

“Napapangiti ka na oh…Hihihi…Ngingiti na siya…”sambit niya habang nilalaro-laro iyong hintuturo niya sa pisngi ko, na para bang kinikiliti ako…..

Hindi ko naiwasang madala sa ginagawa niyang paglalambing, kaya napangiti nga ako. Ewan ko ba, kahit na nambwibwiset na siya, mas nangingibabaw pa rin sa akin iyong nararamdaman ko para sa mokong na toh. Matapos niya kong mapangiti ay tumawa lang siya nang malakas. At inalis na niya ang pagkakaakbay niya sa akin.

Binuklat niya ulit iyong libro at nagpatuloy sa pagbabasa. Nagpatuloy na rin kami ulit sa paglalakad. Mayamaya, siya naman ngayon iyong biglang huminto. Dahan-dahan ay napaangat siya ng ulo at tumingin sa dakong harapan namin…….

“Tu…Tulay….”mahina at paimpit niyang sambit……

Sinundan ko ng mga mata ko, kung saan siya nakatingin. Meron ngang tulay sa harapan namin. Tumingin siya ulit sa libro at……

“Ang tanga ko talaga! Bakit ba hindi ko toh naisip dati pa?!”

“Huh? Ano ba iyang pinagsasabi mo?”pagtataka ko….

Imbis na sumagot, isinara lang niya iyong libro at nilagay ito sa bulsa ng suot niyang jacket. Tapos bigla na lamang siyang tumakbo papunta sa may tulay.

Kinabahan ako bigla, kaya agad ko siyang sinundan………

“Rudolph teka!”

Dumantay at dumungaw siya sa may barandilya. Paglapit ko sa tabi niya…….

“Tamang-tama toh…Pre, paano iyan?…Mukhang hanggang dito na lang ang samahan natin…”sambit niya bang nakatitig sa may ilog….

“Ano?!”

Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Habang nakatingin at nakangiti siya sa akin, napansin ko na mamasa-masa ang mga mata niya. At ang itsura nito ay kagayang-kagaya nung unang kaming nagkakilala………..

“Frosty…Salamat sa lahat-lahat ah…Napakasaya ko na nakilala kita…Na nakakilala ko ng isa pang siraulo na gaya ko…Hehe…”

Dahil sa tono ng pananalita niya, agad kong napagtanto kung ano ang marahil na tumatakbo sa isipan niya. Kaya naman……

“Hoy Rudolph Dela Vera! Kung binabalak mong tumalon diyan sa ilog, MAGTIGIL KA!!! Dahil hinding-hindi ako papayag na gawin mo iyan!…”

“Pre buo na ang pasiya ko…Kaya hayaan mo na ko…”

Sa puntong iyon, nagiging emosyonal na ko. Nangangatog at nababalot na ang buong katawan ko sa takot. Takot para sa gagawin niya. Gusto kong magsalita pa, pero di ko na alam ang sasabihin para mapigilan siya. Naluluha na ko, nang bigla niya kong hawakan sa magkabila kong pisngi…..

“Huwag…Please lang pre…Ayaw kong makita kang nagkakaganyan sa pagkawala ko…”

Habang nakahawak pa rin siya sa mga pisngi ko, pinahid niya ng mga daliri niya ang mga bumabagsak ko nang luha……

“Ang gusto ko, maging masaya ka para sa akin…Kasi di ba matutupad ko na iyong Christmas death wish ko….”

Hindi na ko nakakibo. Ilang saglit pa, unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Mistulang hahagkan niya ko. Pero bago pa man ito mangyari, bigla niyang iniwas at inilayo ang mukha niya sa akin. Sa halip ay niyakap na lamang niya ko nang sobrang higpit.

Pagkatapos ng lahat ng mga iyon, naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Bumitaw na siya sa akin, dali-daling umakyat at sumampa sa barandilya at tuluyan na ngang tumalon. Napadungaw ako at……

“RUDOLLLLPPPHHHHHHHHHH!!!”

Sa takot at taranta ko, napatalon na lang din ako para sagipin ang siraulong mokong. Nagawa ko naman siyang mahawakan at maabutan nang buhay at malay. Habang hawak-hawak ko siya para dalhin sa may pangpang, nagpumiglas siya at sinabing kaya na daw niyang lumangoy mag-isa papunta doon. At pagdating namin sa pangpang………

“TAENANG IYAN EPIC FAIL!…Nakalimutan ko, magaling nga pa lang kong lumangoy!…”humahangos niyang bulalas habang napapatakip ng dalawang kamay niya sa pagmumukha niya…..

Nabwiset ako, as in bwiset na bwiset ako! Kaya naman…….

“UMPH!”sambit ko sabay dagok sa kanya nang pagkalakas-lakas kahit na panay din ang hangos ko…..

“Aray ko naman! ANO KA BA?!..”

“EPIC FAIL?!…Iyan lang ba ang masasabi mo, matapos mo kong takutin at tarantahin?! POTAENA MO AH!!!”

“Teka! Bat mo ko pinapagalitan?! Eh ako nga itong dapat na nagagalit dahil for the third time! THIRD TIME PRE!!! Pumalpak na naman iyong pagpapakamatay ko!…”

Lalo akong nanggigil sa banat niya, kaya dinagukan ko siya ulit!………

“ARRGH!…Taena nakakadalawa ka na ah!…”bulalas niya habang himas-himas ang ulo niya……

“HMPH!…Gusto mo gawin ko pa iyang triple?!…”

“Ano bang problema mo? HA?!…Bat ka ba nanggagalaiti nang ganyan?! Ano naman ba sa iyo kung magpakamatay ako?!…”

“Ayaw kong mawala ka! Dahil mahalaga ka sa akin!! DAHIL MAHAL KITANG SIRAULO KANG UGOK KA!!!!…”maluha-luha kong bulalas…..

Natigilan siya sa mga sinabi ko at maluha-luha din siya. Maging ako man ay nagulat at natigilan din sa mga salitang lumabas mula sa bibig ko………

“Mahal? Hmph! Frosty tigilan mo nga ko diyan sa mga katarantaduhan mo!…”

Pagkasabi niya noon ay bigla na siyang tumayo at lumakad. Nandito na toh, nasabi ko na iyong totoong nilalaman ng dibdib ko para sa kanya, kaya itutuloy ko na. Tumayo na rin ako at sinundan siya…..

“Hindi ako nagbibiro! Mahal kita Rudolph Dela Vera!!”

“Sauce! Chicken sauce! Kalokohan iyan! If I know, naaawa ka lang sa akin!…”bulalas niya habang patuloy sa paglalakad….

Dahil sa ayaw niyang maniwala, hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Hinila ko siya nang malakas, dahilan para mapalingon siya sa akin. Paglingon niya, agad ko siyang inakap at sinunggaban nang halik sa labi. Nung una ay nagpupumiglas siya, pero di nagtagal ay bumigay din siya. Napahawak siya sa likod ng ulo ko at idiniin ang pagkakahalik ko sa kanya. Kasunod noon ay napapikit na lamang kaming pareho habang patuloy na hinahagkan ang isa’t isa.

Matapos ang mainit na paghagkan namin sa isa’t isa, napaiyak at napayakap na lamang ulit siya sa akin nang mahigpit.

PAG-UWI SA CONDO………..

Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari kanina, hindi namin magawang kibuin ang isa’t isa tungkol doon. Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magtitigan at magngitian nang tahimik, habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin. Hanggang sa nakauwi kami.

Nasa pasilyo na kami ng condo, panay pa rin ang ngiti namin sa isa’t isa. Hanggang sa biglang napahinto ng paglakad si Rudolph. At dahil magkahawak nga kami, napahinto rin ako……..

“Frosty…May bata sa tapat ng unit ko…”

“Huh?”pagtataka ko….

Napatingin ako doon, may bata nga. Nakaupo siya, nakasandal sa may pinto at natutulog. At nabigla ako nang mapagtanto ko kung sino ito………

“Teka…Parang si Noel ata iyan ah…”muli niyang sambit…..

“Anong parang, si Noel talaga iyan!”sagot ko….

Dali-dali namin siyang nilapitan. Paglapit, napayukyok kaming pareho ni Rudolph. Dun ko napuna ang isang bagay na nakapagpataba sa aking puso. Suot-suot ng kapatid ko iyong iniregalo kong jacket at sapatos. Napangiti ako dahil doon.

Dumako ang tingin ko sa mukha niya. Napansin ko na may sugat pala siya sa kanang bahagi ng noo niya, kaya naman biglang nawala ang ngiti ko. Samantala, nakakangalay ang posisyon niya, kaya ginising ko na siya…….

“Noel…Noel…Gising…”mahinahon kong sambit habang tinatapik siya sa kanyang braso……

Nagising na siya at dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Nang makita niya kami……

“Kuya Frosty! Kuya Rudolph!”

Agad siyang umakap sa amin at napaiyak………

“Buti dumating na po kayo…Kanina ko pa po kayo hinihintay eh…”tumatangis niyang sambit…..

Napatingin na lamang ako kay Rudolph, habang patuloy sa pag-iyak ang kapatid ko. Pumasok na muna kami sa loob at hinayaan namin na mahimasmasan ang bata. Ginamot namin iyong sugat niya. Tapos ay pinakain namin siya dahil kanina pa palang umaga daw siya hindi kumakain.

Matapos niyang makakain, niyaya namin siya sa may sala para kausapin. Nakaupo siya sa may supa, habang kami naman ay nakatayo…….

“Siguro naman ngayon, pwede ka nang magkwento sa amin ng kuya Frosty mo…”sambit ni Rudolph….

Tumingin sa akin si Noel sabay agad ding napayuko…….

“Lumayas po ako sa atin kuya…”

Napakamot ako sa ulo nang di oras, dahil sa narinig ko………

“Noel naman, bakit ka naman naglayas?”usisa ko….

“Nag…Nag-away po kami ni Roel kuya…”

“Kaya ka ba may sugat?…Si Roel ba ang may gawa niyan sa iyo?…”

Imbis na magsalita ay napatango lamang siya sa amin………

“Ano bang nangyari sa inyo ng kakambal mo? At humantong pa kayo sa sakitan?”usisa ni Rudolph sabay upo sa tabi ng kapatid ko….

“Sumusobra na po kasi siya eh…”

Inangat ni Noel ang kanyang ulo sabay tingin ulit sa akin at…….

“Kung anu-ano pong masasama ang sinasabi niya tungkol sa inyo kuya Frosty…Kesyo masama daw po kayo, dahil magnanakaw kayo…Tapos porket galit siya sa inyo, dapat daw ako rin…Anong klase naman po iyon?!…Eh may sarili din naman po kong utak at puso!…At kung sila sa bahay naniniwala na masama kayo…Ako po hindi!….Alam ko po gusto niyo lang makatulong kaya kayo nakagawa ng masama….”bulalas niya….

Nagkatinginan na lamang kaming dalawa ni Rudolph sa sinabi niya. Umupo ko sa kabilang tabi ng kapatid ko. Umakbay sa kanya at……

“Noel, makinig kang mabuti sa sasabihin sa iyo ng kuya ah…Nagpapasalamat naman ako dahil sinusubukan mo kong intindihin…Pero hindi tama na patulan mo ang kakambal mo, lalong-lalo na ang ginawa mong paglalayas…Hindi mo lang ba naisip na baka hinahanap ka na nila ngayon…Malamang nag-aalala na ang Itay at Inay sa iyo….”

“Nag-aalala?…Hindi po un kuya…Ayaw nga po nila kong pakinggan eh, si Roel ang kinakampihan nila…Kaya bat po sila mag-aalala sa akin?…Baka nga wala na po silang pakialam sa akin eh….”

“Hindi totoo iyan…Huwag kang magsalita nang ganyan…Tsaka hindi lang naman iyon eh…Delikado din iyong ginawa mong pag-alis ng mag-isa…Maraming nagkalat na….”

Napahinto ako sa pagsasalita at napatitig kay Rudolph. Nag-aalangan kasi ko sa susunod na salitang lalabas sa bibig ko. Pero kailangan ko ring masabi ang mga dapat kong sabihin eh. Nang sa ganun ay maunawaan ng kapatid ko ang mga pinupunto ko…….

“Ahmmm…Maraming…Ehem…SIRAULONG nagkalat ngayon sa labas…Buti na nga lang walang nangyari sa iyo at buti hindi ka naligaw”

“Kuya Frosty naman eh…Bat naman po ko maliligaw?…Eh halos sa kalye na po ko lumaki eh…Tsaka sa dami ng beses na sinama niyo kami ni Roel dito sa condo ni kuya Rudolph, nakabisa ko na po kung paano ang papunta dito…Ang naging problema lang naman po, eh iyong natiyempo na may date po kayong dalawa kanina…Nung dumating po ko dito…”sagot ni Noel sabay unti-unting ngisi sa amin nang parang nakakaloko…….

Langyang bata toh, bumanat daw ba nang ganun! Nagkatinginan tuloy kami ni Rudolph. Namula siya at alam kong ganun din ako. Hindi ko kasi maiwasang maalala iyong nangyari sa amin kanina……..

“Ikaw ha!…May kasalanan ka na nga’t lahat-lahat, nakukuha mo pang magbiro nang ganyan…Tsaka paano mo pala nalaman na nandito ko?!”

“Wala lang po…Naisip ko lang na kay kuya Rudolph po kayo pupunta…”

Napahagigik na lamang siya nang mahina. Si Rudolph naman ay napakamot sa ulo…..

“Pero kuya…Bakit ba nila minamasama iyong ginawa niyo?…Hindi ba po mabuti naman iyong rason niyo?”

“Dahil talaga namang mali iyong ginawa ng kuya Frosty mo”sambit ni Rudolph….

Napatingin ang kapatid ko sa kanya at…….

“Po?”

“Ganito kasi iyan Noel…Kahit kailan, hindi pwedeng maging tama ang isang maling gawain…Kahit sabihin pa na may mabuting dahilan kaya nagawa ito, ang mali ay mali”pagpapatuloy ni Rudolph….

“Parang ang gulo po…Hindi ko po maintindihan”

“Bata ka pa kasi…Kapag medyo tumanda kana…Iyong tipong pagtuli ka na…Maiintindihan mo din ang lahat…Naintindihan mo?”

“Kuya Rudolph naman eh!…Hindi ko nga po maintindihan tapos tatanungin niyo pa ko…Ang labo niyo naman pong kausap eh!”

“Oo nga! Mas lalo mong ginugulo iyong utak nitong bata eh…Tsaka ano naman iyong konekyson ng tuli, dun sa pag-intindi niya sa sitwasyon?!”sambit ko…..

“Eh trip kong sabihin iyon eh…Hihihihi!”

“Bwiset!…Kahit kailan ka talaga eh noh…Alam mo madadagukan na naman kita eh!”

Tinawanan lang ako ng loko. Maging si Noel ay tinawanan na lang din ako. Ako naman ay napakamot sa ulo at napangiti na lang sa kanila………..

“Siya nga po pala kuya Frosty, pauuwiin niyo po ba ko ngayon?”

“Sira ka! Gabing-gabi na eh!…Hindi kita pwedeng hayaan na lumabas pa lalo na’t nag-iisa ka…”

“So ibig sabihin, pwede po kong matulog dito ngayon?”

“Ano pa nga ba?…Wala na kong magagawa eh nandito ka eh…”

“OH YES!…”tuwang-tuwa niyang reaksyon na may kasama pang pagkumpas ng mga kamay niya…..

“Ikaw talaga! May paingles-ingles ka pa diyan!…Hehe….”natatawa kong sambit sabay gulo sa buhok niya…..

PAGLIPAS NG ILANG ORAS………..

Nasa may sala pa rin ako. Nag-iisa, nakatayo sa may tapat ng bintana. Nakadantay ang isa kong braso sa may salamin. Pinagmamasdan ko ang mga ilaw mula sa daan at sa mga gusali’t bahay na tanaw mula sa kinalalagyan ko. Habang nag-iisip isip tungkol sa mga nangyayari sa akin ngayon, sa amin ni Rudolph at lalong-lalo na sa pamilya ko. Mayamaya pa, sa kalagitnaan noon…….

“OI!…”

Dumating si Rudolph at tinapik ako sa braso. Napalingon ako sa kanya………

“Nakatulog na iyong kapatid mo dun sa kwarto…Eh ikaw? Wala ka pa bang balak na matulog?”

Hindi ako nagsalita, ginalaw ko lang ang ulo ko para sumenyas na ayaw ko pang matulog. Tapos ay tumingin na ulit ako sa may bintana………

“Pre…Kailangan mo ba ng salbabida?”

Sa totoo lang, naiilang pa ko na harapin itong si Rudolph. Kanina okay na dahil biglang sumulpot si Noel. Pero ngayon na kaming dalawa na lang ulit, parang ayaw ko na muna sana siyang kausapin. Kaya lang bumabanat na naman ang mokong na toh, kaya napatingin na lang ulit ako sa kanya at…….

“A…Ano na naman ba iyang pinagsasabi mo?”usisa ko….

“Eh kasi naman po, parang nalulunod ka na diyan sa lalim ng iniisip mo!”

“Nakakagago ka talaga! Kita mong problemado na nga ako, pinagtritripan mo pa ko…”

“Sus! Lahat naman ng tao may problema eh…Kahit nga iyong mga hindi problemado, may problema din…Prinoproblema nila kung anong proproblemahin nila”

“RUDOLPH NAMAN! Hindi na biro itong mga nangyayari, nagkakagulo ang pamilya ko!…Pati iyong mga kapatid ko naaapektuhan, nag-aaway na nang dahil sa kagagawan ko!…Ano pang klaseng Pasko ang naghihintay sa amin nito? Kung ganito na nagkakawatak-watak kami…”

Napalingon na ko ulit sa may bintana. Napasandal ako at napayuko sa salamin…..

“Kasalanan ko ang lahat ng ito eh…Kung hindi sana ko nangholdap at nagnakaw, eh di sana maayos pa rin ang pamilya ko ngayon…Ang gago ko…ANG GAGU-GAGO KO!!!”bulalas ko….

“HMPH!…Matagal na pre!”

Napaangat ako bigla ng ulo at napalingon ulit sa narinig ko……

“Nakakapikon ka na ah! Tatamaan ka na talaga ulit sa akin!”mangiyak-ngiyak kong sambit….

“Kung iyan ba ang magpapagaan sa loob eh…Go!…Saktan mo ko…Sapakin mo ko, suntukin mo ko, karatehin, taekwondohin, kungfuhin, wrestlingin! Isama mo na rin ang UFC! Lumuwag lang iyang dibdib mo!”

“Siraulo ka talaga kahit kailan!”

“Alam ko…And I’m proud of it…Pero kung siraulo ako, MAS SIRAULO KA PA RIN!”

“At bakit naman?!”

“Simple lang pre, dahil nainlove ka sa isang siraulong tulad ko!”sagot niya na may kasama pang matamis na ngiti…..

Bigla akong natigilan. Bigla ring nawala iyong badtrip at inis ko, matapos kong marinig iyon. At matapos kong makita iyong itsura ng ngiti niya, habang sinasabi iyon. Para bang gusto kong ngumiti na lang at matawa. Itong pakiramdam na toh, pareho ito ng naramdaman ko nung gabing nagkakilala kami.

Sa totoo lang, siya lang ang tanging nakakagawa nito sa akin. At ito, ito ang naging dahilan kung bakit nahulog ako sa siraulong toh. Kung bakit mahal ko ang siraulong toh.

Tumalikod na ko sa kanya. At hindi ko na nga napigilang mapangiti nang tuluyan……..

“Hmph!…Porket alam mo na ngayon na mahal kita…Nagmamalaki ka na…Eh ni hindi mo pa nga ko sinasagot nang maayos eh…”sambit ko sabay ngiti ulit…….

“Eh ano naman ngayon kung magmalaki ko?…At least, napangiti kita….”

Pagkasabi niya noon ay nagulat na lamang ako dahil biglang sumilip ang ulo niya mula sa kaliwa kong gilid at…….

“Di ba?!…”nakangisi niyang usisa…..

Hindi ako nakaimik, kaya napangiti na lang ako……

“Sabi ko na nga ba eh! May patali-talikod ka pa, eh obvious naman na nakangisi ka dahil sa sinabi ko haha…”muli niyang banat….

“Oo na po! Panalo ka na!”

“Iyan!…Dapat ganyan…Ikaw itong laging nag-eencourage sa akin na huwag magpatalo sa problema ko eh…Kaya dapat ganun ka din sa sarili mong problema pre!…”

“Kasi naman eh…Di ko na alam ang gagawin ko…”

“Alam mo, simple lang naman ang solusyon diyan sa prinoproblema mo eh…”

“Ano?”

“Eh di bumalik na kayo ni Noel sa inyo, bukas na bukas din…Para magkaayos-ayos na kayong lahat, tamang-tama pa dahil Christmas eve na….”

“Kung si Noel lang…Tiyak walang problema na bumalik doon…Pero ako? Paano kung di nila ko tanggapin? Paano kung ipagtabuyan lang nila ko ulit?”

Inangat niya ang ulo niya at idinantay sa balikat ko. Kasunod noon ay ang unti-unting paggapang ng mga kamay niya sa bandang tiyan ko. Hanggang sa naramdaman ko ang mainit at mahigpit niyang pag-akap sa akin……….

“Huwag ka nang mag-aalala…Sasamahan naman kita eh…Tutulungan kita, gaya ng pagtulong na ginawa mo sa akin…Hindi ko hahayaan na ipagtabuyan ka ulit, ipagtatanggol kita”

Bumilis bigla ang kabog ng dibdib ko, dahil sa ginawa at mga sinabi niyang iyon……

“Talaga?…Siryoso ba iyan?”

“Syempre naman…Alam mo kung bakit?”

“Ba…Bakit?”paimpit kong usisa…..

“DAHIL MAHAL DIN KITANG MAS SIRAULO KANG UNGAS KA!”

Hindi ako makapaniwala na narinig kong lumabas sa ibig niya ang mga salitang iyon, na mahal din niya ko. Tuwang-tuwa naman ako, kaya lang…….

“Ah, so mahal mo din ako”

“Kasasabi ko nga lang di ba…”

“Mahal mo ko…Mahal mo ko pero nagtangka ka na namang magpatiwakal kanina…Balak mo kong iwanan…Kumusta naman iyon”

“Sige, aaminin ko…Ginawa ko iyon kasi natatakot ako…Natatakot ako na tuluyang buksan ulit ang puso ko dahil baka masaktan na naman ako…Pero…Pero di ko na mapigilan iyong katotohanan na nagkakagusto na ko sa iyo eh…Na nagkakagusto na ko sa kapwa ko lalake, na dati pang nangholdap at nagnakaw sa akin…Kaya ayun…Naisip ko na magsuicide na lang ulit…Para iwas sakit…”

“Eh iwas sakit pala ang gusto mo eh!…Doon ka sa banyo mo, may Safeguard doon, iyon ang syotain mo!”

“Ayaw ko nga! 99.9% germs lang naman ang natatanggal nun eh, may natitira pa ring .1…Kaya sa iyo na lang ako, pogi pa!”

“Hahaha…Ibang klase talaga takbo ng utak mo eh noh, dinaig mo pa iyong mga nagshashabu eh!…Kaya…”

“Kaya ano?”

“Kaya kita mahal”

Nagkangitian na lamang kami. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng mga kamay niyang nakaakap sa aking tiyan. Hinawakan ang mga ito, pagkatapos ay hindi na ko nakapagpigil na hagkan siya ulit sa labi. Kasabay noon ay ang lalo namang paghigpit ng akap niya sa akin. Makalipas ang ilang minuto……

“Oh okay na ah? Sinagot na kita…At bukas, sasamahan ko kayo ng kapatid mo sa inyo…Kaya tigil na ang drama…Dahil mula ngayon, ang gusto ko maging happy happy at baliw-baliwan couple lang tayo…Maliwanag pre?”

“Yes sir!”nakangiti kong sagot….

“Ay! Nakalimutan ko…”

Napakalas siya sa pagkakaakap sa akin…….

“Anong nakalimutan mo?”

“May…Kasalanan pala ko sa boyfriend ko”napapakamot sa ulo niyang sagot……

“Hmmm…At ano naman iyon?”

Inilabas niya mula sa kanyang likuran iyong libro rinegalo ko sa kanya. Sira-sira ito at ukab-ukab……..

“Nasa bulsa ko kasi toh kanina nung tumalon ako sa ilog…Nabasa kaya nagkaganito…Sorry ha?”

“Patingin nga”

Inabot niya sa akin iyong libro. Pagkaabot niya ay tinignan ko ito saglit sabay bigla kong hinampas sa noo niya……

“Arrgh! Ayan ka na naman nananakit ka na naman ah!…Para saan ba iyon?!”usisa niya habang napapahawak sa kanyang noo…..

“Para hindi muna ulitin iyong ginawa mo! Mangako ka sa akin, hinding-hindi ka na magbabalak na magpakamatay at hinding-hindi mo ko iiwan”

“Okay…”

Tinaas niya iyong kanang kamay niya at…..

“Promise ko, hindi na ko mag-aattempt ulit na magsuicide at hinding-hindi ko iiwan ang Frosty ko”sambit niya sabay ngiti na naman na matamis…..

Napangiti na naman din niya ko, dahil dun sa dinagdag niyang “Frosty ko” sa hulihan. Matapos iyon ay inabot ko ulit sa kanya iyong libro……

“Oh…Mas kailangan mong itago at ingatan iyan ngayon…Dahil hindi lang iyan remembrance ngayon ng mga katangahan mo, kung di pati na rin ng gabing ito…Ng gabing naging tayo…”

Kinuha na niya iyong libro. Kasunod noon ay ako naman ngayon ang siyang umakap sa kanya.

SA BISPERAS NG PASKO………..

Heto na nga ang bisperas ng Pasko, madilim na nang makarating kami nila Rudolph at Noel sa lugar namin. Maraming mga tao sa kalye. May mga nakatambay lang, mga nag-iinuman at nagkakantahan sa videoke. May nakita at nadaanan din kaming mga bata na nangangaroling.

Sa gitna ng aming paglalakad papunta sa bahay, may nasalubong kami na hindi inaasahan, si Roel. Mukhang mangangaroling siya o baka tapos na, bitbit kasi niya iyong mga gamit nila ni Noel sa pangangaroling. Bukod doon, mukhang hindi na rin siya nakatiis. Dahil suot na din niya ngayon iyong mga niregalo ko.

Napahinto siya at natigilan nang makita kami. Niyaya ko si Noel na lumapit sa kanya pero ayaw niya, ni hindi niya magawang tumingin nang tuwid sa kakambal niya. Dahil dun, kami na lamang ni Rudolph ang lumapit. Siya naman ay naiwan at naghintay sa kinatatayuan niya………

“Ku…Kuya Frosty”paimpit at matamlay niyang sambit…..

“Kumusta na…Galit ka pa ba sa akin?”iyon na lamang ang naisip kong sabihin…..

Ginalaw lamang niya ang ulo niya para sumenyas na hindi na. Kahit paano, nabawasan ang bigat sa kalooban ko dahil doon. Yumukyok ako at………

“Roel, sorry ah…Sana, mapatawad mo ang kuya Frosty sa lahat ng mga ginawa niya”

“Okay na iyon kuya…Basta…Basta bumalik ka lang sa bahay…Ang lungkot-lungkot kasi kapag kulang tayo eh…Tsaka napagtanto ko na nagkamali din naman ako kuya…Hindi ako dapat nagsalita ng masasama tungkol sa iyo…Kahit ano pa man ang ginawa mo…Kuya pa rin kita…Dapat nirerespeto at ginagalang kita…Sorry din kuya”

Napangiti na lamang ako at napayakap sa kanya. Pero matapos ko siyang yakapin, napuna ko na matamlay at nakabusangot pa rin ang pagmumukha niya. Parang alam ko na kung bakit……….

“Ano?…Sisimangot ka na lang ba diyan o kakausapin mo siya?”usisa ko sabay turo kay Noel……..

Napatingin siya kay Noel. Pero pagtangin niya, umiwas naman ito ng tingin sa kanya, tumalikod at yumuko…….

“Ang sabi mo gusto mo na maging kumpleto tayo di ba? Kaya sige na, kausapin mo na siya”

Nilapitan na nga niya ang kakambal niya at kinausap ito……..

“Noel…Alam mo nag-aalala kami nung lumayas ka…Buti na lang pala magkasama kayo ni kuya Frosty”sambit ni Roel…..

Hindi kumibo si Noel…….

“Sorry na…Bati na tayo oh”muling sambit ni Roel…..

Napaangat na ng ulo si Noel, tapos ay nilingon niya si Roel……..

“Tapos ano? Aawayin mo ko ulit? Sasaktan?”

“Hindi na!…Di ko na iyon gagawin sa iyo…Dahil ayaw kong umalis ka ulit…Pagwala ka kasi…Namimiss kita eh…”

“Talaga? Totoo ba iyan?”

“Oo…Kanina nga, bago kayo dumating…Sinubukan kong mangaroling eh…Pero di ako makakanta nang maayos…Wala kasi kong gana…Kasi nga, wala ang kambal ko…Kaya sorry na kambal…Patawarin mo na ko…Bati na tayo”sambit ni Roel na maluha-luha pa…..

Kahit si Noel ay maluha-luha rin sa sinabi ng kakambal niya sa kanya. Ilang saglit pa, napangiti na siya at……..

“Sige na nga…Matitiis ba naman kita? Eh kambal kita eh…”

Tuwang-tuwa si Roel at agad siyang napaakap kay Noel nang mahigpit. Napangiti naman kami ni Rudolph sa isa’t isa, habang pinagmamasdan ang pagkakasundo ng dalawa. Salamat at nagkabati din nila………

“Oh, huwag na kayong mag-aaway ah”sambit ko…..

Napakalas na ng yakap si Roel kay Noel. Umakbay na lamang sila sa isa’t at humarap sa amin……

“Syempre naman po kuya!”sagot ni Noel………..

“Siya nga pala kuya…Bakit pala kasama niyo si kuya Rudolph dito ngayon? Anong meron?”usisa ni Roel…..

Natigilan kaming pareho ni Rudolph at nagkatinginan sa tanong na iyon……..

“Ah…Bisperas ngayon di ba?…Alam niyo naman na walang kasama ang kuya Rudolph niyo dun sa condo niya…Kaya..Kaya makikicelebrate siya ng Pasko sa atin…”sagot ko…..

“Tama iyon! Pero bukod doon……May iba pang dahilan kaya sadiyang sumama ko”biglang dagdag ni Rudolph….

Langyang Rudolph toh! Nagpalusot na nga ko, bumanat pa nang ganun! Dahil dun ay tinapik ko iyong braso niya ng siko ko. Napatingin sa akin at……

“Ano ba! Eh malalaman din naman nila eh”pabulong niyang sambit….

Napatitig na lamang ako sa kanya nang may bahid ng inis, para magtigil siya…….

“Ano po iyon?”usisa ni Noel…

“Ahmmm….Malalaman niyo pagdating natin sa bahay….Mabuti pa…Tara na…”

Matapos iyon ay lumakad na nga kami papunta sa bahay.

SA BAHAY………..

Nakarating na kami at nasa may tapat na kami ng bahay……….

“Pasok na tayo kuya…Tiyak matutuwa ang Inay at Itay kapag nakita nila kayo ni kambal”excited na sambit ni Roel….

“Ah…Eh…Mauna na kayo ni Noel sa loob…Susunod na lang kami ni kuya Rudolph niyo”

Pumasok na iyong kambal sa loob at naiwan kaming dalawa ni Rudolph sa labas…….

“Oh bakit pinauna mo pa iyong mga bata? Ano na naman ang problema mo?”usisa ni Rudolph….

“Kinakabahan ako eh! Baka magalit sila”

“Pre napag-usapan na natin toh di ba? Ako nang bahalang magsabi at magpaliwanag sa kanila nung tungkol sa pera…Kaya huwag ka nang kabahan diyan”

“Eh hindi naman iyong sa pera ang inaalala ko eh! Iyong tungkol sa ating dalawa, sa relasyon natin! Paano kung di nila tayo matanggap?”

“Hmph!…Hindi natin malalaman ang sagot diyan, kung tatayo lang tayo dito…Kaya let’s go!”

Hinawakan niya ko sa kamay, tapos siya na ang humila sa akin papasok sa bahay. Pagpasok, naabutan namin ang Inay at Itay na nakayukyok at panay ang yakap kay Noel…….

“Saan ka ba nagsususuot na bata ka?! Abay pinag-alala mo kami ng Itay mo ah”usisa ni Inay…..

“Sorry po Nay, Tay, kung pinag-alala ko po kayo…”sambit ni Noel…..

“Anak, wala kang dapat ihingi ng sorry…Kami dapat ng Inay mo ang magsorry…Dahil pati kayo ni Roel eh napagbuntunan namin ng galit”sambit ng Itay…..

“Okay na po iyon Tay…Huwag niyo na po iyong isipin”

“Basta, huwag na huwag munang uulitin ang paglalayas ah”sambit ni Inay….

“Opo…Di ko na po uulitin”sagot ni Noel sabay ngiti…….

Napayakap na lamang ulit sila sa kanya. Pagkatapos………

“Ahmmm…Nay,Tay…May mga kasama nga pala si kambal”sambit ni Roel…..

Doon lamang nila napansin na kanina pa kami nandito ni Rudolph at pinagmamasdan sila. Napakalas sila ng yakap kay Noel at dahan-dahang napatayo…….

“Nay….Tay….Bumalik po ko para ayusin ang gulong ginawa ko…Sana po bigyan niyo ko ng isa pang pagkakataon…”sambit ko…..

Hindi sila kumibo at natahimik lamang sila. Pero makalipas ang ilang saglit……

“Sino siya?”usisa ni Inay sabay tingin kay Rudolph…..

“Si Rudolph po…”

“Magandang gabi po”bati ni Rudolph….

“Ahmmm….Sa…Sa kanya po galing iyong perang ninakaw ko”

Matapos kong sabihin iyon, nagkatinginan iyong mga kapatid ko. Si Itay naman ay napalapit sa tabi ni Rudolph at……..

“Ikaw iyong ninakawan ng anak ko?!”

“Opo…Pero bago ho ang lahat…Bago kayo mag-isip ng kung ano o magalit kay Frosty…Sana pakinggan niyo muna ho ang mga sasabihin namin…”

Nagkatinginan sina Inay at Itay. Tapos……….

“Makikinig kami”sagot ni Inay…..

At iyon na nga, nagsimula nang magpaliwanag si Rudolph……….

“Una ho sa lahat…Gusto kong ipaalam sa inyo na wala na ho kayong dapat ipag-alala sa pera…Dahil bago niyo pa man natuklasan ang tungkol dun…Binagay ko na iyon kay Frosty, para magamit niya pangtulong sa pamilya niyo…Inyo na ho iyon”

“Teka…Ako’y naguguluhan sa sinasabi niyo eh…Akala ko ba ninakaw sa iyo ni Frosty iyong pera?”usisa ni Itay…….

“Oo nga po…At aaminin ko nagalit ako sa kanya noon…Kung tutuusin nga po, pwede ko pa siyang ipakulong dahil krimen iyong ginawa niya…Pero di ko po ginawa at di ko rin magawa…Dahil narealize ko po na mas higit niyong kailangan iyong pera, kaysa sa akin…Kaya ipinaubaya ko na lang sa kanya…”

“Pero iho…Napakalaking halaga nung nawala sa iyo…Hindi iyon biro! Paano mo nagagawang ipamigay iyon nang ganun-ganun lang?…”usisa ni Inay…..

“Marami hong bagay sa mundo ang higit na mas mahalaga kaysa sa pera…Mga bagay na walang katumbas na presyo…”

“Kung ganun…Nagpapasalamat kami sa kabutihan mo…Kahit na ang hirap paniwalaan dahil nga sa mga nagawa ng anak namin…”sambit ni Itay……

“Di niyo na po kailangang magpasalamat…Nakita ko po kung paano nagsisi si Frosty sa mga maling nagawa niya…Tsaka, napakarami din pong nagawa at naitulong ng anak niyo sa akin…”

Lumingon sa akin si Rudolph at tinitigan ako sa aking mga mata……

“Ang totoo po niyan…Ilang beses na niya kong inililigtas…Kung di dahil sa kanya, baka wala na po ko ngayon…Kung di din dahil sa kanya, baka miserable pa rin ako ngayon…Mabuting tao ho ang anak niyo…At iyon po ang dahilan, kung bakit naging madali para sa akin na mapatawad siya…Sana po ganun din kayo”napapangiti niyang pagpapatuloy sabay lingon ulit kina Inay at Itay……

Bumilis ang kabog ng dibdib ko bigla, pakiramdam ko para itong tinutunaw. Kasi naman! Para sa sabihin niya ang mga iyon sa harap ng mga magulang ko, taena! Mahal nga talaga ko ng siraulong ugok na toh! At dahil dun, lalo ko din tuloy siyang minahal at lalo ding nahulog ang puso ko sa kanya.

Samantala, hindi pa rin naimik ang Inay at Itay sa mga sinabi niya. Kaya ginamit ko na ang pagkakataon, para ako naman ang siyang makapagsalita……..

“Nay…Tay…Sana po patawarin niyo na ko sa lahat-lahat ng mga ginawa ko…Gaya po ng sinabi ko dati, ang gusto ko lang naman ay ang makatulong…Ang maisalba tayo sa mga problemang kinasadlakan natin…Ang magkaroon tayo ng matinong Pasko…Kaya po ko kumapit sa patalim…At gaya ng mga sinabi ni Rudolph, pinagsisihan ko po talaga ang lahat ng mga pagkakamali ko…Patawarin niyo po ko…”

Tahimik pa rin sila, pero pansin ko na mamasa-masa ang mga mata nila. Mayamaya pa, nagkatinginan na naman sila tapos tumingin din ulit sila sa akin at……..

“Ano pang hinihintay natin dito?…Malapit nang mag-alas dose oh…Tena na sa lapag at pagsaluhan ang noche buena…”nakangiting sambit ni Inay……

“Oo nga at baka lumamig pa iyong mga niluto ng Inay mo”dagdag ni Itay na nakangiti na rin……

Para kong nabunutan ng malaking tinik sa lalumanan. Hindi man nila direktang sinabi, kitang-kita naman sa mga mata nila ang pagpapatawad. Kaya naman napaakap na lamang ako sa kanila………

“Maraming salamat po…Nay…Tay!….”mangiyak-ngiyak ko sambit…..

“Oh siya! Tama na toh!…Paskong Pasko eh mag-iiyakan pa tayo dito….”sambit Itay….

“Oo nga naman!…Tama ang Itay mo!”dagdag ni Inay…..

Napakalas ako ng akap sa kanila, tapos natawa lang dahil sa mga sinabi nilang iyon. Palakad na kami papunta sa may hapag, nang tapikin ni Itay si Rudolph sa balikat at……….

“Siya nga pala iho…Muntik ko nang makalimutang itanong…Sino ka nga pala sa buhay ng anak namin?…Sa tono kasi ng mga pananalita mo kanina eh parang malapit na malapit kayo nitong si Frosty…Para bang…May espesyal na ugnayang namamagitan sa inyo?”

Natigilan kaming pareho ni Rudolph. Taena! Oo nga pala, hindi pa namin nasasabi sa kanila iyon tungkol sa relasyon namin! Samantala, tinapik ni Inay si Itay sa braso at…….

“Oi Tay!…Ano ba iyang mga pinagsasabi mo?! Parehong lalake iyang dalawa oh!”sambit niya…..

“Hmph!…Parang alam ko na ang sagot diyan ah”biglang banat ni Roel……

Napalingon sina Itay at Inay sa kambal at……..

“Huh?! Anong alam mo ang sagot?”usisa ni Itay….

“Roel anak, may nalalaman ba kayo ng kakambal mo tungkol dito?”dagdag ni Inay……

Hindi sumagot nang maayos iyong dalawa. Ni hindi nga sila nagsalita, ngumisi lang sila nang parang nakakaloko. Dahil dun ay tumingin ulit ang Itay at Inay sa amin……..

“Oi Frostiniano! Ano toh?! Kayo ba ng mga kapatid mo ay may itinatago sa amin ng Inay niyo?!”

“Ahmmm…Eh…”iyon lamang ang nasabi ko….

“Ano? Aba’y magsalita kayo!…”usisa ni Inay….

Tinapik-tapik ko sa braso si Rudolph, para siya na ang magsabi. Sa totoo lang hindi ko na kayang magsalita, dahil nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba……….

“Ah…Hu…Huwag po sana kayong magagalit…Pero…Boyfriend po ko ng anak niyo”sambit ni Rudolph sabay kamot sa kanyang ulo…..

“BOYFRIEND?!”sabay, gulat at malakas nilang reaksyon……

Napatawa nang malakas si Roel, pero agad din itong nahinto dahil tinakpan ni Noel ng kamay ang bibig niya. Si Noel naman, tikom na tikom ang bibig. Pero bakas naman sa pagmumukha niya na nagpipigil lang siya ng tawa……..

“Ibig sabihin…Tinotoo mo iyong biro ko sa iyo?! Ha anak?!”usisa ni Itay na hindi maipinta ang mukha…..

Dahil alam na nila ang totoo, nagkalakas na ko ng loob para magsalita…………

“Ga…Ganun na nga po…Pero Tay, sana naman maintindihan niyo ni Inay…Mahal ko po si Rudolph….”

“At mahal ko din po si Frosty…”dagdag ni Rudolph, sabay biglang kuha at hawak sa kamay ko…..

Napatingin sila sa magkahawak naming kamay. Si Inay ay napatakip na lamang ng kamay sa kanyang mukha. At si Itay……….

“Nay…Pakihanda nga iyong gamot ko…At hahaybladin ako sa dalawang toh!…”

Di naman siryoso si Itay habang sinasabi iyon. Tila dinaan na lang niya sa biro iyong reaksyon niya tungkol sa amin. Tuluyan namang natawa ang kambal na kolokoy dahil dun……..

“Haha…Ang tigasing yelo, natunaw!”sambit ni Roel…..

“Tinunaw ng….”putol na dagdag ni Noel…..

“USA NA PULA ANG ILONG!”sabay nilang sambit……

Ayon, panay na ang tawa ng dalawa. Kami naman ng boyfriend ko ay napangisi na lamang sa isa’t isa.

Sa bandang huli, naging maayos din ang lahat. Naging buo uli ang pamilya namin. At sama-sama naming sinalubong at ipinagdiwang ang kapaskuhan, sa isang simpleng Noche Buena. Ano ba pa ang mahihiling ko? Kapiling ko na iyong pamilya ko at kasama ko pa ang taong itinitibok ng puso ko.

Matapos naming kumain, tuloy ang kasiyahan. Pero naisipan ko na maupo muna sa labas para magpahangin at mapag-isa sandali. Mayamaya, lumabas din ang Itay at naupo sa tabi ko………

“Oh bakit nandito ka?…Bakit hindi mo sila salihan dun sa loob?” “Wala lang Tay…Nagmumuni-muni lang”

Tinapik ako ni Itay sa balikat at…….

“Siya nga pala anak…Pagpasensyahan mo na sana kung napagsalitaan kita nang masama at napagbuhatan kita ng kamay dati…Alam mo naman itong Itay mo, highblood”

“Naiintindihan ko naman po Tay eh…Tsaka tatay kayo, kaya may karapatan kayong upakan minsan ang anak niyo, para matauhan kapag may ginagawang kabalastugan…”

Ngumiti ang Itay sa akin at hinaplos-haplos ako sa likuran………

“Ano nga po palang ginagawa nila sa loob?”usisa ko……

“Ayun nagvivideoke…Nagpapakitang gilas iyong dalawang bulilit sa kuya Rudolph nila…”

“Hmph…Haha…”

“Pera alam mo anak…Napabilib ako ng Rudolph na iyan ah…Iyan pala’y mayaman…Pero hindi siya gaya ng iba diyan na ginagawang diyos ang pera…Maprinsipyo siya….”

“Oo nga Tay eh”

“At nakuha niya ang loob ng mga kapatid mo na hindi ko maintindihan kung paano nangyari…..”

“Di ba po minsan isinasama ko iyong mga kapatid ko sa pag-alis?…Iyon po iyon, dinadala ko sila sa kanya…Kaya ayun, naging malapit siya dun sa kambal….At iyon din ang dahilan, kaya nakahalata ang mga kolokoy na nagkakagustuhan na kaming dalawa…”

“Siya nga?…Hmph…Oh tapos ngayon, maging ang Inay mo…Aba’y aliw na aliw na rin sa kanya…Panay nga ang tanong ng kung anu-ano sa kanya eh….”

“Sus!…Baka nangingilatis lang po si Inay…Alam niyo na, first time kong nagdala ng syota…Hehe….”

“Oo nga eh…Nung huli tayong umupong dalawa dito…Binibiro-biro pa kita sa lovelife mo…Tapos ngayon….Hmph!…Iba na talaga kapag puso ang pinag-uusapan…Pero hindi rin naman kita masisisi eh…Halos lahat ng magandang katangian, taglay na ni Rudolph…Idagdag mo pa sa mga sinabi ko iyong mabait din siya at gwapo pa…Kaya saan ka pa?”

“Di lang iyon Tay!…Maganda rin po ang katawan niya…Kapag nakita niyo, naku! Macho!….”

Tila napasobra ata ang mga sinabi ko. Bigla kasing natahimik si Itay at napatitig lamang sa akin. Tapos iyong itsura ng mukha niya, para siyang naaasiwa……….

“Tay sorry…..”

“Ayos lang…Muli ngayon siguro, dapat sanayin ko na ang sarili ko sa ganyan…Ahmmm anak….Mukhang malakas talaga ang tama mo kay Rudolph noh?…Talaga ngang mahal mo siya….”

“Opo…Kung alam niyo lang…Pero Tay…Talaga po bang tanggap niyo ko na bakla ako?…At tanggap niyo iyong pakikipagrelasyon ko kay Rudolph?”

Umakbay siya sa akin at……..

“Kung kay Rudolph…Wala naman akong problema…Pero tatapatin kita, hindi naman talaga madali para sa isang ama na tanggapin agad nang buong-buo, na bakla ang anak niya…Lalo na kung panganay pa…Tapos binigla mo pa ko…Pero huwag kang mag-aalala anak…Pasasaan pa’t masasanay rin ako at magiging buo rin ang pagtanggap ko sa iyo….”

“Talaga po Tay?”

“Oo…Alam mo parang pagkain lang naman iyan eh…Hindi mo pwedeng lunukin nang diretso…Dapat nguyain muna nang mabuti….Basta sa ngayon, ang gusto ko lang maging masaya ka…Kaya hindi ko kayo hahadlangan…”

“Salamat po Itay…”

Napangiti na lamang ako kay Itay at ganun din siya sa akin. Pagkatapos noon ay tumayo na kami at pumasok sa loob para makisali sa kasiyahan.

MAKALIPAS ANG DALAWANG BUWAN………..

Lumipas ang dalawang buwan at maraming na ring nabago. Ang pamilya ko na dating lubog sa problema, naging maayos na ang pamumuhay ngayon. Napagpasiyahan kasi namin, na gamitin iyong natitirang pera na galing kay Rudolph, para palakihin iyong negosyo ni Inay na pagtitinda ng kakanin.

Ngayon, may sarili na kaming pwesto na malapit sa may palengke. Si Inay at Itay ang bantay. At ako naman ang nagiging delivery boy kapag kailangan. Minsan ay tumutulong din ang kambal. Kumakanta sila para makapagtawag ng mga customer haha.

Samantala, gaya ng sinabi sa akin ni Itay, unti-unti ay mas natatanggap na niya ang bago kong pagkatao. Kaya naman mas naging masaya ang buhay pag-ibig ko. Sino nga naman ba kasi ang mag-aakala, na makakahanap ako ng pag-ibig sa hindi inaasahang oras, lugar, pagkakataon at sa isang hindi inaasahang tao.

At tungkol naman sa pag-ibig, malaki na rin ang nabago sa mahal kong Rudolph. Ang tao na dati ay laging nagkukulong sa sakit at kabiguan. Ngayon ay natuto nang lumabas . Binalikan na niya ang naiwan niyang negosyo at ipinagpatuloy ang buhay niya nang puno ng bagong pag-asa. Ayun nga lang, siraulo pa rin siya! Hahaha.

Sa lahat ng mga pinagdaan namin, natutunan naming pareho na hindi ang paggawa ng mali o ang pagpapatiwakal, ang sagot sa mga problema at pagsubok sa buhay. Hindi ito dapat sinusukuan at mas lalong hindi dapat tinatakasan. Kailangan natin itong harapin nang buong tapang, para malampasan. Nang sa ganun ay makaungos tayo sa panibagong yugto ng ating buhay.

ISANG GABI………..

Niyaya ako ni Rudolph na magdate, dun daw kami sa chain niya. Ito ang unang pagkakataon na makakapunta ko doon. Sabi niya romantiko daw iyong lugar at ipinaayos niya pa para sa akin. Para daw mas malupet ang dating. Ang mokong, sweet-sweetan na naman ang peg.

Ibinigay niya sa akin iyong address at hindi naman ako nahirapang hanapin ito. Pagdating ko, nakatayo at naghihintay na siya sa tapat nung chain. Palingon-lingon siya sa paligid, tila tinitignan niya kung dumating na ko. Gusto ko siyang surpresahin, kaya hinintay ko na tumalikod siya.

Nang nakatalikod na siya, sinunggaban ko siya ng mainit na akap mula sa kanyang likuran. Pinalibot ko ang kaliwa kong braso sa kanya, tapos itinutok ko iyong hintuturo ng kanan kong kamay sa kanyang leeg at……….

“HOY UGOK!…Holdap toh! IBIGAY MO SA AKIN ANG PUSO MO!”ngingisi-ngisi kong bulalas……..

Nilingon niya ang ulo niya sa akin at……….

“UNGAS!…Paano ko naman ibibigay ang bagay na nasa iyo na?!”ngingisi-ngisi din niyang sagot…..

Natawa na lamang kaming pareho. Kasunod noon ay hindi na kami nagpigil na hagkan ang isa’t isa.

Matapos iyon ay lumakad na kami papasok sa chain, habang nakaakbay ako sa kanya. At habang naglalakad kami……

“Alam mo pre…Nagkatotoo iyong Christmas death wish ko…”sambit niya….

“Ano na namang kabaliwan iyang pinagsasabi mo? Eh heto ka’t buhay na buhay”

“Hindi ah…Patay ako! PATAY NA PATAY AKO SA IYO! Hahaha….”

“SIRAULO! Ang corny mo!…Ahahaha….”

“Hahaha….”

“Siya nga pala…Ano bang specialty niyo dito?”

“Ah iyon ba….SUNDAE”

“THE END”

 
YouPorn