His Christmas Death Wish (Part 2)

Christmas Death Wish (Part 2)
By: Chaster Rassel

hot-pinoy-hunks-in-underwear-108Napalingon ako, gising na pala ang mokong. At panay ang ikot ng tingin niya sa kanyang tahanan, na ngayon ay napakalinis na. Dahil dun ay huminto muna ko sa paghihiwa. Naghugas ako ng kamay at nilapitan siya…….

“Eh di nilinisan ko!…”sambit ko habang naglalakad papalapit sa kanya……

Napatalon siya’t napalingon sa akin, nagulat ata sa bigla kong pagsagot haha. Nakatulala at nakanganga siya sa akin, kaya naman nang makalapit ako……..

“Hoy!….Ano iyan?!…Bat nakanganga ka diyan?!…”usisa ko…..

Hindi siya sumagot, pero napansin ko na bumaba iyong tingin niya. Sinundan ko kung saan nakatutok ang mga mata niya. Taena nakatingin sa katawan ko ang loko! Pero medyo kasalanan ko rin naman, dahil nawala sa isip ko ang itsura ko, na pawisan at nakahubad nga pala ko.

Dahil dun, agad kong kinuha iyong damit ko sa silya at pinusan ang aking sarili……….

“Pa…Pasensya ka na sa itsura ko…Medyo katatapos ko lang din kasing maglinis eh…Pawis ako kaya…Kaya nagtanggal ako ng damit…”sambit ko habang nagpupunas ako ng katawan…….

Natauhan na rin siya. Sinundan niya ako’t nilapitan………..

“Teka nga muna!….Bakit ka ba nandito?!….Ang kapal din naman ng pagmumukha mo na bumalik…PAGKATAPOS MO KONG NAKAWAN!…At umepal ka pa sa pagpapakamatay ko!….”

Binilisan ko na ang pagpupunas. Tapos ay isinabit ko iyong damit ko sa aking leeg……..

“Aba brad magandang tanong iyan!…Bakit nga ba ko nandito at tinutulungan ang isang baliw na tulad mo?!….Tsaka galit ka dahil pinigilan kitang magpakamatay?!…Eh dapat nga magpasalamat ka pa sa akin eh…Dahil dalawang beses na kitang nililigtas diyan sa kagaguhan mo!….”

“Kahit kailan hindi ko hiniling sa iyo na tulungan mo ko!…At mas lalong di kita pasasalamatan…Dahil di ko gustong maligtas!…Alam mo iyan!…”

“So ako na nga itong nagmamalasakit sa iyo, ako pa ngayon ang masama?!…”

“Taena pre huwag kang magmalinis!…Masama ka naman talaga di ba?…Dahil holdapper at magnanakaw ka…At kung tutuusin, ikaw itong dapat na magpasalamat sa akin dahil hindi kita pinapulis!….”

“Huwag mo kong huhusgahan nang ganyan!….Alam kong masama iyong ginawa ko…Pero may dahilan ako kaya nagawa ko ang mga iyon…At para sabihin ko sa iyo, hindi ko gusto iyong ginawa ko!…”

“Hindi raw gusto…Sus!…Talaga lang ha?…Hmph!…”sambit niya sabay pinandilatan niya ko……

“OO…Talaga!…Hmph!”sagot ko at pinandilatan ko din siya…..

Mga isang minuto din namin siguro pinandilatan ang isa’t isa. Hanggang sa mapagtanto ko na nakatapat at ang lapit na naman pala ng mga mukha namin sa isa’t isa. Dahilan para maalala ko naman iyong alam na! Kaya bigla akong napaiwas nang tingin sa kanya, napaatras at napaupo sa silya………

“Oh bakit?…Anong nangyari sa iyo diyan at bigla kang namula?…”usisa niya…..

“HA?!…Ah…Eh….”

Bago pa man ako makasagot, bigla naming narinig ang sabay na pagkalam ng aming mga sikmura. Napahawak at napatingin na lamang ako sa tiyan ko. At ganun din siya…………..

“Nagugutom na ko…”sambit ko….

“Ako rin…”dagdag niya…..

“Okay…Tatapusin ko na muna ang pagluluto ko, para makakain na tayo…Mamaya na lang tayo maggerahan ulit ha Rudolph…”sambit ko sabay tayo na…..

“Ano!…Makikikain ka pa?!…Ang kapal mo talaga noh!….”

“Brad nilinis ko ang buong condo mo at napagod ako…Kaya dapat lang na pakainin mo ko!…Tsaka ako iyong nagluluto kaya may karapatan po ako…”

“Hindi ko naman sinabing maglinis ka ah!”

“Kahit na…Nagawa ko na…Kaya wala nang silbi kahit umangal ka pa diyan nang umangal…”sambit ko sabay ngisi para inisin siya…..

Napakamot na lamang siya ng ulo. Ako naman ay tumalikod na at lalakad na sana, para balikan ang pagluluto pero…………

“Oi Frosty teka…”

Napahinto ako at napalingon ulit sa kanya……

“Bakit?”

“Ahmmm…Ano ba iyong niluluto mo?”usisa niya na ngayon ay tila kalmado na……

“Sinabawan…Iyon ang nasipan ko kasi nga merong kang…Oo nga pala!….”

May sakit nga pala siya! Nawala sa isip ko, inaaway-away ko pa man din siya. Kaya naman………

“Kumusta na nga pala ang pakiramdam mo?…”usisa ko sabay hawak ng isang kamay ko sa noo niya at iyong isa naman sa leeg……

Mainit pa rin siya. Samantala, tila na nagulat siya sa paghawak ko sa kanya. Dahil bigla na lamang…………..

“Huwag mo nga kong hawakan!”sambit niya sabay alis at hawi sa mga kamay ko……..

At siya naman ngayon itong namula…………

“Ang arte mo ah!…Tinitignan ko lang naman iyong temperatura mo eh…Mainit ka pa…Mabuti pa maupo ka na lang muna doon sa may mesa, habang naghihintay….”

“Hmph!…”

“Tara alalayan na kita…”paanyaya ko……..

Inakbayan ko siya, gusto kasi siyang asarin at gusto ko rin makita kung ano ang magiging reaksyon niya……..

“Pota! Ang kulit mo ah!…Sabing huwag akong hawakan eh!”inis niyang reaksyon sabay tanggal sa pagkakaakbay ko……

“Hahaha….Sige…Kung ayaw mo…Bahala kang mag-isa diyan….”natatawa kong sambit…..

Lalakad na dapat ako pero……….

“Frosty!…”

Muli na naman niya kong tinawag. Kaya napalingon din ako ulit………

“Oh bakit na naman?…”

Paglingon ko sa kanya, nakahawak siya sa noo niya……..

“Nahilo ko bigla eh…”

Natawa na lamang ulit ako sa kanya, pero nilapitan ko pa rin siya………

“Ayan…Ang tigas kasi ng ulo mo eh….Haha…”

Pumayag na rin siyang magpaalalay sa akin. At hinawakan ko na lang siya sa braso niya, para di siya mainis. Matapos ko siyang maiupo sa mesa, binalikan ko na ang pagluluto. Tinignan ko iyong pinapakuluan kong karne at itinuloy na ang paghihiwa ng gulay. Habang naghihiwa ako………..

“Mainit”

Parang narinig ko siyang nagsalita ng ganun. Kaya napahinto ako at napalingon sa kanya. Pagtingin ko, nasaktuhan ko siyang umiiwas ng titig mula sa akin……….

“May sinasabi ka ba?…”

“Ahmmm…Sabi ko gus…gusto ko nang humigop ng….ng mainit na sabaw…Gi…Giniginaw ako eh….Ka….Kasi nga may lagnat ako…Iyon…”nauutal niyang sagot…..

“Ahh….Sabaw…Hintay lang ha…Malapit na toh….”napapangisi kong sambit…..

Tumalikod na ko ulit at ipinagpatuloy ang paghihiwa, nang may ngiti pa rin sa aking mga labi. Nang maluto na ang pagkain, agad na namin itong nilantakan. Dahil talagang gutom na gutom na kaming pareho. Matapos naming kumain, bumalik na siya sa kwarto. Ako naman ay naghugas ng pinagkainan namin.

Nang matapos akong maghugas. Pinuntahan ko na siya sa kwarto. Nakaupo siya sa kama. Nakakumot siya, tapos may sapal siyang unan sa kanyang kandungan………….

“Oh tapos na ko…Pwede na tayong maggerahan ulit”

Uupo na dapat ako sa may tabi niya sa kama, pero…………

“Hep!…Hindi ka pa pwedeng lumapit dito”

“Ano na namang kaartehan iyan?!”napapakamot sa ulo kong usisa….

“Magpunta ka muna dun sa banyo…Ayusin mo iyang sarili mo…Maligo ka!…Ayaw ko ng kausap na amoy anghit!”

“Hoy wala akong anghit ha!…Tsaka wala akong damit na pamalit”

“Humiram ka na lang sa akin…Dali na!…Kilos na!…”

“Sus!…Kunyari ka pa na gusto mo kong mag-ayos…Eh enjoy na enjoy ka nga kanina sa patitig sa katawan ko habang nagluluto ako eh…”nakangisi kong sambit…….

“Gago!…ASA KA NAMAN DIYAN!…..”

“Ahahaha!….”

Panay ang tawa ko sa reaksyon niya. Tinuro niya sa akin kung saan ako kukuha ng pamalit na damit. Pagkakuha ko, lumakad na ko papuntang banyo. Papasok na ko sa pinto ng banyo. Pero pakiramdam ko, sinusundan niya ko ng titig, gaya nung nahuli kong ginagawa niya kanina habang nagluluto ako. Kaya bago ko tuluyang pumasok, nilingon ko siya. At ayun! Nahuli ko na naman siyang nakatitig sa akin at nakangisi pa………

“Huli ka!…Sabi ko na nga ba tinitignan mo ko eh…”nakangisi kong banat…..

Nag-iba ang timpla ng mukha niya at natigilan siya………

“Chillax brad!…Patas lang naman tayo eh….”

“Huh?!…”paimpit niyang pagtataka…..

“Eh kasi kanina…Nakita ko rin naman iyang katawan mo, nung pinunasan kita…”nakangisi ko pa ring sagot at may kasama pa na pang-asar na kindat…….

Nanlaki ang mga mata niya, napatingin siya sa sarili niya pero tumingin din ulit sa akin at………

“UNGAS!…Maligo ka na nga!”pagalit niyang sambit pero iyong mukha naman niya, napapangisi naman haha…..

Natawa na lang tuloy ulit ako sa kanya. Kasunod noon ay pumasok na ko sa banyo at naligo na. Pagkatapos kong makaligo at makapagbihis, pinayagan na niya kong tumabi sa kanya………

“Iyan ah…Mabango na po ko…Siguro naman pwede na tayong mag-usap nang matino ngayon?…”

“Oh siya…Sabihin mo sa akin iyong totoo…Bakit ba bumalik-balik ka pa rito?…”

Ipinaliwanag ko sa kanya na wala naman talaga kong balak na bumalik dito. Na napag-utusan lang ako ni Inay na magdeliver ng kakanin. At nagkataon na dito rin sa building nakatira iyong customer at halos katapat pa nung unit niya……….

“Nagdeliver ka lang ng kakanin kamo…Eh di ba pwede naman na sumibat ka na agad pagkadeliver mo…Pero, napadpad ka pa rin dito sa condo ko…So balik pa rin tayo dun sa bakit….Bakit ka nagpunta rito?”usisa niya na may kasama pang pagtitig sa mukha ko…….

Napakamot ako sa ulo sa sinabi niya. Dapat nga siguro, sabihin ko na lang sa kanya iyong totoo…………

“Oh siya…Sige na!…Sasabihin ko na….”

“Hmph..”

“Di…Di talaga ko umuwi agad…Dahil gusto kong alamin ang kalagayan mo…Kasi…Kasi nag-aalala ko sa iyo…”

“Nag-aalala?…Hmph…Ikaw lang ata ang nakita kong kawatan na nag-alala sa nabiktima niya ah…Haha…”natatawa niyang reaksyon…..

“Sinabi ko naman sa iyo kanina di ba…Hindi ko ginusto iyong mga nagawa ko…Napilitan lang ako dahil nga kailangan…”

“Eh ano ba po kasi iyang sinasabi mo na napilitan ka lang?Ha?…”

Para maintindihan niya, ipinaliwanag ko na rin sa kanya iyong naging sitwasyon ko. Iyong tungkol sa pagpapaospital ni Itay at na muntikan na kaming mapalayas sa tinitirahan namin. Pati na rin iyong kagustuhan ko na mabigyan ng maayos na pasko ang buong pamilya ko, lalo na iyong mga nakababata kong kapatid…………

“Hindi pala biro ang nangyari sa inyo noh…Kaya hindi rin pala kita masisisi, na humantong ka sa panghoholdap at pagnanakaw….”

“Naintindihan mo na?…Ngayon kung masama pa rin ang loob mo…Kung galit ka pa rin…Ibabalik ko na lang sa iyo iyong natitirang pera…Total okay naman na lahat sa amin eh…At iyong nagastos ko…Huwag kang mag-alala…Babayaran ko iyon….Tsaka para na rin toh sa ikatatahimik nating dalawa…”

“Hmph…Huwag na…”

“Ha?!…”

“Huwag mo nang ibalik iyong pera…Sa iyo na iyon!…At ang gusto ko, gamitin mo iyon para tulungan ang pamilya mo…”

Natulala ako sa sinabi niya. Pero makalipas ang ilang saglit……..

“Si…Siryoso ka brad?!…”

“Oo…Since ang pasko naman ay season of giving…Eh di lubos-lubusin na natin di ba…”

Taena! Ni hindi kami magkaano-ano, pero binibigay at ipinagkakatiwala niya sa akin iyong pera niya. Di ko malaman kung talaga bang baliw na siya o sadiyang mabait lang talaga siya. Pero isa lang ang nasisigurado ko, biglang gumaan ang loob ko sa kanya dahil dito……….

“Tsaka kung pera lang din naman….Marami pa ko niyan sa bangko….”

“Marami?!…So mayaman ka pala…Ano bang pinagkakakitaan mo?”

“May-ari ako ng isang food chain…Pero matagal ko na ring hindi natututukan iyon…Dahil nga nagkukulong ako lagi rito…Tsaka may tauhan naman ako na nag-aasikaso dun eh…..”

“Langya bigtime ka naman pala eh!…Bakit sa ganito kaliit na lugar ka lang nakatira?…Tapos gusto mo pang magpakamatay?…Eh ang swerte-swerte mo, ang dami mong kwarta…”

“Sus!…Aanhin ko naman ang malaking bahay?…At iyong pera na meron ako ngayon…Para saan pa iyon?…Kung nag-iisa naman ako…”

At siya naman ngayon ang nagkwento, tungkol sa sarili niya. Ulila na pala siya sa mga magulang. May nakakatanda siyang kapatid sa ama, na siyang nag-iisa niyang kamag-anak. Pero may sarili na raw itong pamilya at sa ibang bansa na nakatira. At di rin daw ito gaanong nagpaparamdam sa kanya. Sa madaling salita, nag-iisa nga lang talaga siya sa buhay.

Tapos, limang buwan na ang nakararaan, namatay iyong bestfriend niya dahi nagkasakit………..

“Iyong bestfriend ko…Halos siya na iyong naging nag-iisa kong pamilya…Mula pa pagkabata, magkasama na kami…Tapos sa isang iglap, bigla siyang nawala…”

“Siya lang talaga iyong nag-iisa na naging mahal mo sa buhay?…Hindi ka man lang ba nagkasyota?”

Saglit siyang napatulala sa akin, sa mga sinabi kong iyon. Pagkatapos………

“Nag…Nagkaroon…Tatlong beses…Pero lahat sila ginago lang ako….Iyong panghuli, nagbreak kami 3 days after mamatay nung bestfriend ko…”

“Ha?!…Anak ng kagaw ang sama naman ng tiyempo nun!…Anyare?!”

“Dahil nga depressed na depressed ako nun, sinubukan ko siyang yayain na lumabas para lang magkaroon ako ng diversion…Pero tumanggi siya dahil daw busy siya…Kaya ang ginawa ko na lang, nagpunta ko sa isang bar para uminom mag-isa…Then nagulat na lang ako, nakita ko siya doon…LUMANLANDI LANG NAMAN SA KANDUNGAN NG IBANG LALAKE!!!…”

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, kaya hinayaan ko na lang siyang magpatuloy………

“Nakakagago di ba Frosty?!…Kung kailan na mas higit ko siyang kailangan, dun pa niya talaga ko tinarantado!…ANG SAKIT EH!…Tapos ito pa, pinuntahan ako dito, gusto ba namang makipagbalikan…”pagpapatuloy niya at ngayon ay maluha-luha na siya…….

“Anong ginawa mo?”

“HMPH!…Inabutan ko siya ng cream na pampahid sa kati at sinarahan ng pinto!….”

Napangisi ako, hanggang sa tuluyan akong natawa sa sinabi niyang iyon……..

“Gi…Ginawa mo talaga iyon?”natatawa kong usisa…….

“OO…Pagtapos ng ginawa niya babalikan ko siya?…NEKNEK NIYA!….Leche siya!…”

Ngayon, tila nauunawaan ko na kung bakit siya humantong sa pagiging baliw-baliwan………..

“Di ko na nga maintindihan kung isinumpa ba ko o ano…Kasi tignan mo…Sa pamilya at kaibigan, hindi ako pinalad…Sa lovelife naman, lagi akong natatapat sa mga babaeng pinaglihi sa higad…Kaya sabi ko, ayaw ko na…SUKO NA KO!…Pagod na kong masaktan nang paulit-ulit…Mabuti pang mamatay na lang ako…At least pagpatay na ko, hindi na ko pwedeng makaramdam ng sakit…Di ba?”

“Hmph…”

Napakamot ako ng ulo. Medyo nairita kasi ko sa katuwiran niyang iyon……..

“Kaya alam mo pre, masuwerte ka pa rin!…Dahil kahit wala kang pera, may pamilya ka naman…Di ka nag-iisa…Eh ako?…”sambit niya…..

“Alam mo…Di ko lubusang naiintindihan iyang pinupunto mo eh…Palibhasa kasi, di ko naranasan ang humiga sa pera….Pero isa lang ang nasisigurado ko…”

“Ano iyon?”

“Isa kang malaking TANGA!”napapangisi kong sagot….

“Teka paano naman ako nanging tanga?!”

“Nagtatanong ka pa…Eh tatlong beses kang nagmahal ng maling babae…Hindi ba’t tanga ang tawag dun?…Ano pa…Bobo, engot, ampaw, pulpol…..ARRGH!…”ngingisi-ngisi kong sambit na may kasama pang pagbilang sa aking daliri…..

Pero hindi ko natapos ang mga pinagsasabi ko, dahil bigla niyang inihampas sa pagmumukha ko iyong sapal niya……..

“SIGE!…Ituloy pa…”inis niyang sambit pero napapangisi din naman siya…..

“TAENA MO!…Masakit iyon ah!…”

“Eh nakakalake ka na magsalita eh!…”

“Nakakalake?…Sus! Eh kanina nga nababakla ka sa katawan ko eh….Hahaha….”matawa-tawa kong pang-aasar…..

“Ah ganun?!…”sambit niya at ngayon tuluyan na siyang napangisi……

Nagtangka siyang hampasin ako ulit. Pero ngayon ay nagawa ko siyang ilagan kaya hindi niya ko natamaan…….

“Oi huwag kang ganyan!…Tama na…May sakit ka, kapag ikaw lang nabinat…”nakangisi ko pa rin sambit……

“So?!…Wala akong pake!…Di ako titigil hanggat di kita nagagantihang UNGAS KA!…Hahaha…”

Dahil dun, panay ang kulitan at tawanan namin. Habang nagtatawanan kami, may napansin akong kakaibang kislap sa mga mata. At tila naglaho ang dating itsura nito na nababalot sa lungkot. Mamaya pa, sa katatawa namin ay inubo na tuloy siya………

“Ayan! Inubo ka na…Ikaw naman kasi eh…Haha….”sambit ko sabay himas sa likuran niya…….

Habang ginagawa ko iyon, napatingin ako sa may bintana. Madilim na pala sa labas. Hindi ko namalayan ang pag-andar ng oras, dahil napasarap ang pag-uusap naming dalawa……….

“Naku ginabi na ko!…”

Sasabihin ko na dapat kay Rudolph na kailangan ko nang umalis, dahil baka hinahanap na ko sa amin. Pero naunahan niya kong magsalita………..

“Ahmmm…Frosty…Alam ko marami ka nang nagawa ngayon para sa akin…Pero…Pwede bang humingi ng pabor?”

“Kung uutusan mo na naman ako na patayin ka, abay tantanan mo ko Rudolph!…Baka masapok lang kita…”

“Haha…Gago hindi iyon!….”

“Eh ano?”

“Kung pwede sana…Huwag ka munang umalis pre…Samahan mo muna ko rito, kahit ngayong gabi lang…Kahit kasi ungas ka, narealize ko na masarap ka rin pa lang kasama at kausap…Please…”napapangiti niyang sagot….

Napaisip ako sa hinihingi niya. Sa totoo lang, ayaw ko pa ding umuwi. Ewan ko ba pero, gusto ko din na makasama pa siya. Dahil dun……..

“Oh siya sige…Di muna ko uuwi…”

“Talaga?!”

“OO…Pambawi na rin toh para dun sa pagbigay mo sa akin ng pera…Tsaka para mabantayan na rin kita…Dahil baka mamaya, eh lubid na nakasabit naman sa kisame ang maging trip mo!…”

“Ahahaha!….”

“Hehe…Ay teka…Pagamit muna ng telepono ha…Tatawag ako sa kapitbahay namin, para masabihan si Inay…Nang sa ganun di nila ko hanapin…”

“Okay…Go!”

Ayun nga, doon na ko nagpalipas ng gabi sa condo niya. Buong gabi kami nagkwentuhan at nag-asaran. At syempre, gaya ng sinabi ko, binantayan ko siya dahil nga may sakit siya at baka may gawin na naman siyang kalokohan sa sarili niya.

KINABUKASAN………..

Kinaumagahan, matapos naming makapag-almusal, nagpasiya na kong magpaalam sa kanya. Total okay naman na siya, dahil bumaba na ang lagnat niya. At napainom ko na rin siya ng gamot. Hinatid na niya ko sa may pinto at bago ko tuluyang umalis……….

“Oh paano Rudolph…Tutuloy na ko ah….”sambit ko…..

Palabas na sana ko ng pinto at nakahawak na ko sa door knob, pero………

“Frosty!…”

Napatingin ako sa kanya sa pagtawag niya……

“Salamat ha…Maraming salamat sa mga ginawa mo…Sa paglilinis dito…Sa pag-aalaga at bantay sa akin…At sa malasakit…”

Aba, nagpasalamat ang mokong. Samantala kahapon, panay ang angal niya sa akin. Dahil dun, bumitaw na muna ko sa door knob. Tuluyan na kong lumingon sa kanya at nilapitan siya ulit………

“Uy!…Nag-iba ata ang ihip ng hangin ah….”

“Haha…Eh ikaw kasi eh!”

“Loko!….Eh di ba ako dapat itong nagpapasalamat sa iyo dahil sa…..”

“Dahil sa pera?….Pera lang iyon….Pero iyong ginawa mo para sa akin pre, walang katumbas na halaga iyon…Kaya salamat talaga…”

“At may banat pang ganun….”

“Hehe…Siya nga pala…Babalik ka pa ba rito?…”

Napaisip ako sa tanong niya. Ang totoo, hindi ko alam ang isasagot sa kanya kaya naman……….

“Ewan…Bahala na siguro…”iyon na lamang ang naisagot ko…..

“Sige”sagot niya sabay ngiti…..

Nakangiti nga siya, pero bakas sa mukha niya na tila nalungkot siya sa naging sagot ko. At iyong itsura niya, parang sinasabi niya sa akin na “sana bumalik ka”. Pagkatapos noon ay lumabas na nga ko. Bago ko tuluyang sumibat, napatingin na lamang ulit ako sa pinto at napangiti. Kasunod noon ay lumakad na ko nang nakangiti pa rin.

PAGLIPAS NG ILANG ARAW………..

Ang buong akala ko, matatahimik na ang loob ko kapag nagkita at nagkausap kami ulit ni Rudolph. Pero hindi ganun ang nangyari. Dahil ngayon, nadoble pa ang gumugulo sa akin.

Una, iyong pera. Oo nga’t hindi ko na kailangang mabagabag pa tungkol doon, dahil binigay na niya toh sa akin. Pero ang problema naman ngayon ay kung paano ko sasabihin sa pamilya ko ang lahat ng nangyari. Natatakot kasi ko na baka magalit sila sa akin, kapag nalaman nila na nagsimula ang lahat sa panghoholdap ko.

Pangalawa, si Rudolph mismo. Iyong mokong na iyon, hindi napapagod sa katatakbo sa utak ko. Tulog man o gising, lagi siyang sumasagi sa isipan ko. Nakakaramdam din ako ng di maipaliwanag na pananabik, na makita at makasama siya ulit. Siguro, dahil sa nalaman ko na ang totoo niyang pinagdadaanan. Gusto ko na matulungan siya na bumangon, na mapasaya siya. Pero di ko alam kung anong gagawin ko.

Gabi, naisipan ko na idaan na lang sa beer at pulutan ang lahat. Naisipan ko na rin na samahan ng yosi. Syempre, saan pa ba ko pupwesto? Eh di sa tapat ng bahay namin. Mayamaya pa, dumating si Itay at tinabihan ako sa kinauupuan kong bangko………..

“Aba!…Mukhang ang sarap ng inom mo rito ah…”

Napatingin si Itay sa pulutan kong Isaw………..

“At pati ang pulutan masarap!…Nak…Baka naman pwedeng patagay at patikim diyan?…”usisa niya sabay ngisi sa akin………

“Tay naman!…Kagagaling niyo lang eh…Tsaka ipinagbawal na po toh sa inyo ng doktor di ba?…”

“Hehe…Binibiro ka lang naman kita eh…Masyado ka namang siryoso diyan…”

“Si Itay talaga oh…”napapakamot sa ulo kong sambit……

“Eh bakit ba kasi umiinom kang mag-isa rito ha?…Ano bang atin?”

“Wala naman po…Nagmumuni-muni lang…Nag-iisip sa kung anong bukas ang naghihintay para sa pamilya natin…”

Iyon na lamang ang naging palusot ko, dahil nga hindi ko pa kayang sabihin ang katotohanan………….

“Anak…Hindi mo naman kailangang pahirapan ang sarili mo tungkol sa mga ganyang bagay eh…Hindi mo tungkulin iyan…Kami ng Inay mo ang dapat na gumagawa niyan…Dahil kami ang mga magulang…”

“Eh…Tay…Gus…Gusto ko rin naman ho kasing makatulong sa inyo…”sambit ko sabay iwas ng tingin sa kanya at inom ng beer……

“Sapat na iyong naitulong mo nung nasa ospital pa ko…Alam mo, nahihiya pa nga sa inyo ng mga kapatid mo eh…Lalo na sa iyo…Dahil ako itong padre de pamilya…Pero ako pa ang nagbibigay ng pasanin sa inyo…”

Matapos ang beer, iyong isaw naman ang binanatan ko. Habang patuloy na nakikinig sa mga sinasabi ng Itay……..

“Buti na lang talaga…Meron kang kaibigan na mabuti ang kalooban at pinautang tayo…Teka…Kumusta nga pala iyon?…”

Nasamid ako nang di oras sa aking narinig at inubo ko nang inubo. Langyang iyan! Hindi ko inaasahan na magtatanong siya tungkol doon!………

“Oh anong nangyari sa iyo?…”

“Na…Nasamid ako Tay!…”sagot ko habang inuubo pa rin…..

“Sandali ha…”

Tumayo si Itay at pumasok sa loob. Pero bumalik din siya agad na may dalang isang basong tubig……….

“Oh etong tubig…”sambit niya sabay abot nito sa akin…..

Kinuha ko ito at agad na nilagok. Nang maging okay na ko, tumabi na ulit si Itay sa akin……….

“Salamat po Tay…”

“Hinay-hinay lang kasi sa pagsubo…Teka…Nasaan na nga ba tayo?…Ah!…Dun sa kaibigan mo!…”

“Ah…Eh…Ayos naman po siya Tay…Alam niyo, mabait talaga iyon eh…Sabi pa nga niya season of giving naman daw ang Pasko…Kaya…Kaya okay lang kahit di tayo agad makabayad…”

Ayos din pala iyong mga sinabi sa akin ni Rudolph. Nagamit kong palusot. Kaya lang, hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayang magsinungaling nang ganito………

“Sinabi niya talaga iyon?…”

“O…Opo…”sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya…..

“Iyon naman pala…Eh ano pang inaalala mo?”

Hindi na ko nakasagot, napakamot na lamang ako sa ulo sabay inom ng beer……….

“Bayaan mo anak…Ngayon na magaling na ang itay, siya na ulit ang bahala sa lahat…Kaya ipaubaya mo na lang sa akin ang pag-aalala ha…”sambit niya sabay akbay sa akin at tapik sa braso ko……..

At napatango na lamang ako………..

“Alam mo ba anak kung ano ang dapat na inaalala mo ngayon? Ha?…”

“Po?”

“Iyang buhay pag-ibig mo!…”

“Pa…Pag-ibig?!…Tay bat naman biglang nasegwey ang usapan natin sa ganyan?!…”

“Anak…Hindi ka na bumabata…Nasa hustong edad ka na!…Pero hanggang ngayon, wala ka pa ring ipinapakilala sa amin na girlfriend mo…Ako tuloy nagdududa na sa iyo minsan eh…”natatawang niyang sagot……..

“Tay naman!…”

“Hoy Frostiniano!…Magsabi ka nga sa akin ng totoo, ikaw ba’y sadiyang pihikan lang sa babae o baka naman lalake ang hanap mo?!…”nakangisi niyang usisa……..

“Alam niyo Itay, nasobrahan po ata kayo sa gamot…Kung anu-ano na lang kasi ang pinagsasabi niyo diyan eh…”

Natawa na lamang si Itay sa akin. Ako naman ay napakamot na naman ulit sa ulo ko. Sa totoo lang nakakaloko eh, inaasar ako ni Itay na baka sa lalake ako nagkakagusto. At nagkataon, na may lalake din na hindi mawala-wala sa utak ko. Ano ba naman toh?

Mayamaya, habang patuloy pa rin ang pangungulit sa akin ni Itay, natanaw kong parating ang mga kapatid ko. Kanina kasi ay nagpaalam sila na mangangaroling. Ngayon, dumating sila na maraming bitbit. Tapos nakangisi sila at nagtatawanan. Paglapit nila sa amin………..

“Tay! Kuya!…Tignan niyo itong mga dala namin oh!….”sambit ni Roel….

“Tignan niyo, kung gaano karami!…Ahihihi!…”dagdag ni Noel na may kasama pang hagikgik……..

Ang dami nga ng dala nilang dalawa! Si Noel, may hawak na supot na punong-punong ng barya at may kasama pang papel na pera. Si Roel naman, puro mga tsokolate na mukhang imported at mamahalin. Napansin ko rin na bago ang suot nilang mga damit…………

“Aba’y ang dami niyan mga anak ah!…”sambit ni Itay……….

“Hmph…Mukhang nakajackpot kayo ah…Pati damit di niyo pinalampas…Kulang na lang sapatos eh!…”nakangisi kong dagdag…….

“Huwag kayong mag-alala kuya…Dahil iyon na talaga ang punterya namin sa susunod at tsaka….”putol na sambit ni Noel……

Nagtinginan sila, ngumisi sa isa’t isa at…………

“JACKET!…”sambay nilang sambit sabay ngisi sa amin ni Itay…….

“Haha…Parang siguradong-sigurado na kayo na kaya niyong magawa iyang mga pinagsasabi niyo ah….”

“Ano ka ba naman Frosty, siyempre yakang-yaka iyan ng mga kapatid mo!”sambit ni Itay……..

“Oo nga naman kuya…Kapag kami ni kambal ang nangaroling, walang nakakatiis sa kacutan at lambing ng boses namin!…”dagdag ni Roel……

“Iyan ang mga bunso ko!…Hehe….”

Matapos iyon ay nagtawanan na lamang kami. May katuwiran din naman ang mga kapatid ko. Talaga naman kasing cute sila at napakaganda ng boses nilang dalawa. At dahil dun, may naisip na kong paraan para mapasaya si Rudolph.

KINABUKASAN………..

Nagpaalam ako kina Itay at Inay na ipapasyal ang kambal. Pero ang totoo, balak kong bumalik ulit sa condo ni Rudolph at isama sila. Naisip ko kasi na malaki ang maitutulong ng kakulitan nilang dalawa, para maaliw at mapasaya iyong nagmumukmok na mokong.

Pumayag naman sila at mga bandang hapon ay umalis kami. Naisipan ko na rin na magdala ng pagkain. Nang makarating kami at naglalakad na kami sa may pasilyo……….

“Kuya ang ganda naman dito!…Ano bang lugar itong pinuntahan natin?…”usisa ni Roel……

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta sa ganitong lugar ang dalawa. Kaya di na ko nagtaka na namangha sila………

“Condominium ang tawag sa lugar na toh…”

“Eh kuya bakit niyo po kami dinala rito?…”usisa ni Noel….

Huminto ako sa paglakad at lumingon sa kanila. Napahinto din sila, tapos ay yumukyok ako at………..

“Ganito kasi iyon, si kuya Frosty may kaibigan na malungkot…At dito siya nakatira…Ngayon, isinama ko kayo rito, dahil ang gusto ko sana tulungan niyo ko na pasayahin siya…Okay lang ba iyon sa inyo?…”

Nagkatinginan silang dalawa at napangisi sa isa’t isa. Sunod ay lumingon at ngumiti din sila sa akin……….

“Sige kuya, huwag kang nang mag-alala…”sambit ni Noel….

“Kami nang bahala dun sa kaibigan mo!…”dagdag ni Roel sabay kindat sa akin…..

Lumakad na kami ulit. Pagdating namin sa may tapat ng pinto ng unit ni Rudolph, agad kong pinindot ang doorbell. Walang nangyari, hindi niya kami pinagbuksan, ni hindi namin siya narinig na sumagot o nagsalita man lang. Kinabahan na ko, baka kasi may kalokohan na naman siyang ginagawa sa sariili niya.

Gaya ng ginawa ko dati, sinubukan kong buksan iyong pinto. At hindi na naman nakalock! Agad na kong pumasok sa loob at sumunod naman sa akin ang mga kapatid ko. Pagdating namin sa sala………..

“Kuya anong nangyayari?! Bat parang nagmamadali ka?…”usisa ni Roel…..

“Mamaya ko na ipapaliwanag…Dito lang kayo ah!…”

Dumiretso na ko sa kwarto. Pagpasok ko, naabutan ko siyang nakabulagta sa may kama. Nilapitan ko siya agad……….

“Rudolph!…”kabado kong sambit sabay yugyog sa kanya…..

Hindi siya kumibo o rumisponde man lang. At dahil dun……….

“Gago ka Rudolph!…Bakit mo ginawa toh sa sarili mo?!…”mangiyak-ngiyak kong bulalas habang patuloy siyang niyuyugyog……

Mayamaya pa ay bigla na lamang siyang gumalaw. Nagulat ako kaya napabitaw ako sa kanya at napaatras. Siya naman ay dahan-dahang napabangon at………..

“Ano ba naman iyan!….Ang ingay-ingay…Ang sarap-sarap ng tulog ko eh!….”inis niyang sambit habang kinukusot ang mga mata niya……

Matapos iyon ay dun lamang niya nakita na ako pala ang gumising sa kanya……..

“Fro…Frosty!”

“Bu…Buhay ka?!”iyon na lamang ang naging reaksyon ko….

“Ay hindi patay na ko, multo itong kausap mo!”

Napakamot ako sa ulo bigla sa sinabi niya. Malay ko ba naman kasi na natutulog lang pala siya……….

“Akala mo nagpakamatay na ko nang tuluyan?…”

Hindi ako nakapagsalita, napatitig lang ako sa kanya habang napapakamot pa rin sa ulo………

“Teka….Ano iyan? Luha ba iyan?…Umiiyak ka?!”napapangisi niyang usisa sabay pahid ng kamay niya sa gilid ng isa kong mata…….

Napaiwas ako, dahil naiirita ko sa pang-aasar na ginagawa niya……….

“Ano ba!…Tigilan mo nga ako!….Hindi ako umiiyak noh…Napuwing lang….”pagpapalusot ko…..

“Hahaha…Napuwing daw oh…Pre kupas na iyang palusot mo!”

“Hmph…Teka nga muna!….Ano na naman ba itong trip mo ha?!…Natutulog ka rito, hindi mo man lang sinara iyong pinto sa labas…Paano kung pasukin ka ng masasamang loob? Kung may mangyari sa iyo?!…”

“Ulyanin ka na ba pre?…Eh ayun nga ang gusto kong mangyari di ba…Kaya talagang sinadiya kong gawin iyon!”

“HAAYYY!…Ewan ko sa iyo!…Baliw ka na talaga!!…”bwiset kong bulalas…..

Sa kalagitnaan noon, nakarinig kami ng ingay mula sa labas. Parang may kung anong nalaglag. Naku! Iyong dalawang bata nga pala dun, baka kung ano nang kolokohan ang pinaggagagawa!………….

“Ano iyon?…May tao ba sa labas?…”pagtataka ni Rudolph…..

“Ah…Oo…Iyong…Iyong mga kapatid ko…Isinama ko kasi sila…”

“Huh?…”

“Tara…Ipapakilala ko sila sa iyo…Tsaka may dala rin kaming pagkain eh…”

Lumabas na nga kami. Nasa may hapag sila at paglapit namin………..

“Oi!…Ano iyong…”

Napalingon silang dalawa sa pagsasalita ko………..

“Kuya!…Si Noel iyon ha…Nabitawan niya kasi iyong tini…dor…….”sambit ni Roel sabay biglang hinto…….

Ako naman ay natigilan at napanganga sa nakita ko. Iyong pagkain na dala namin, ayos na ayos mesa. May nakahanda na rin ng mga kubiyertos, plato, at magandang baso na pang-alak. Tapos may nakasindi pang kandila sa gitna. At ang nakakaloko, pang dalawa tao lamang ito na para bang may magdededate!…………

“Ku…Kuya….Siya ba iyong kaibigan na sinasabi mo?…”usisa ni Roel sabay turo kay Rudolph…”

Sa inis ko, hindi ko nakapagsalita. Napatitig at napatango lamang ako sa kanila………

“La…Lalake siya…”sambit ni Noel…..

Nagkatinginan silang dalawa at………..

“LAGOT TAYO!…”sabay nilang bulalas….

“Talagang lagot kayo!…ANO TOH?!…Anong kalokohan itong pinagagawa niyo?!…”inis kong usisa……

“Sorry po kuya…Nung…Nung sinabi niyo po kasi na tulungan ka naming pasayahin ang kaibigan mo…Ang akala po namin…Eh…Ah….”nauutal na pagpapaliwanag ni Noel…….

Tinapik-tapik niya ng siko niya si Roel sa braso. Matapos iyon ay…….

“Eh kuya…Akala namin nagpapatulong kang dumiskarte sa isang chicks, kaya…Kaya iyan ang ginawa namin…Parang date…”napapakamot sa ulo na pagpapatuloy ni Roel……

“DATE?!…Paano naman napasok sa mga utak niyo ang ganyang mga bagay?!….Eh ang babata niyo pa ah!”

“Napanood lang po namin sa TV kuya…Hihi…”ngingisi-ngising sagot ni Noel…….

“Tapos kuya…Sakto naman na may mga gamit kaming nakita dun sa kusina, na kapareho nung sa napanood namin…Kaya ginaya namin…”

“At nakialam pa kayo ng mga gamit na di inyo!…Ano ba naman iyan!…Nakakahiya tuloy kay…..”

At doon ko lamang naalala ulit si Rudolph, na nakatayo nga pala sa tabi ko. Paglingon ko sa kanya, namumutla siya at nakatulala lamang sa may hapag. Tapos ang mga mata ay halos naluluha na………..

“Ru…Rudolph….Bakit?”

“Excuse me…”

Iyon lamang ang isinagot niya, pagkatapos ay bigla na siyang umalis at lumakad pabalik sa kwarto. Napalingon ako ulit sa mga kapatid ko………

“Tignan niyo iyong ginawa niyo…Mamaya kaltok kayong dalawa sa akin ha!…”inis kong sambit sabay sunod kay Rudolph……

Pagbalik ko sa kwarto, nadatnan ko siya na nakaupo sa kama at umiiyak na. Nilapitan ko siya at……..

“Oh ano na naman ba ang nangyari sa iyo at ngumangawa ka diyan?…”

“Pasensya na pre…May naalala lang kasi ko bigla dun sa…Dun sa ginawa ng mga utol mo eh…”sagot niya habang pinapahiran ang mga luha sa kanyang mga mata…..

Naupo ako sa may tabi niya at……….

“Pagpasensyahan mo na lang din sina Roel at Noel…Mga bata iyon eh…Hindi nila alam ang mga pinaggagagawa nila”

“Alam mo…Ganun din iyong madalas kong ginagawa…”

“Huh?…”

“Iyong dinner date…Nagpreprepare ako ng ganun, kapag monthsary namin nung ex gf ko…Tapos ang laging tumutulong sa akin…Iyong best friend ko…Pero iyon pala…Ginagawa lang akong tanga ng higad na iyon…”sambit niya habang napapangiti na napapaiyak…..

Dahil sa mga sinabi niyang iyon, may naisip akong gawin………..

“Iyon lang ba ang inginangawa mo diyan?…”

Tumayo ako, tapos kinuha at hinawakan ko ang isa niyang kamay………..

“Tara…Sumama ka sa akin!…”

Tila nagulat siya sa ginawa kong paghawak sa kamay niya. Napatingin pa siya rito at……..

“Bakit?!…Anong gagawin natin?!”usisa niya…..

“Itutuloy natin iyong sinimulan ng mga bata…MAGDEDATE TAYO!”

“HA?!!!…Gago ka ba?!…”gulat niyang reaksyon…..

“Huwag ka nang umangal!…Halika na!”

Hindi na nakapalag ang mokong, dahil hinila at kinaladkad ko na siya papalabas ng kwarto. Pagdating namin sa may hapag, agad ko siyang pinaupo………

“Iyan!…Diyan ka!…”sambit ko…..

“Kuya anong nangyayari? Anong ginagawa niyo?”usisa ni Roel….

“Eh di nagdedate!…Para naman hindi masayang itong hinanda niyo…”sagot ko sabay ngisi kay Rudolph…..

Nagkatinginan na naman iyong dalawang bata. Ako naman ay naupo na sa may tapat niya. At siya naman, nakatingin sa akin nang masama………

“Akala ko, ako iyong baliw sa ating dalawa…Eh mukhang ikaw pala itong mas baliw eh!”inis niyang bulalas…..

“Hoy brad hindi kabaliwan toh ah!…Ginagawa ko toh, dahil gusto kitang tulungan…”

“Tulong? At paano naman naging tulong toh?!”

“Walang mangyayari sa iyo, kung lagi mong ikinukulong iyang sarili mo sa lungkot na nararamdaman mo!…Kailangan mong lumabas sa hawla na iyan, para maipagpatuloy ang buhay mo…Kung baga, iyong tinatawag na move on…Kung may mga nawala man sa iyo…Pwede ka namang humanap ng papalit di ba?…Meron at merong tao na makakapagbigay sa iyo ng panibagong pag-asa…Imposibleng wala!…”

Natigilan siya sa mga sinabi kong iyon at napatitig na lamang siya ulit sa akin. Pero di gaya kanina, wala na iyong bahid ng galit o inis sa mukha niya. Mukhang nasapul ata. Ilang sandali pa……….

“Teka, ano naman ang kinalaman nung pagmomove on ko sa date kuno na toh?”

“Simple lang…Ito ang magiging praktis, sa pagsisimula mo ng bagong buhay…Isipin mo na lang, na ang dalawang kolokoy na toh ang bago mong bespren!…”sagot ko sabay turo sa kambal na nakatayo sa tabi namin…….

Napalingon siya sa kanila. Ngumisi at kumaway naman sila nang sabay sa kanya. Lumingon siya ulit sa akin………

“Eh ikaw?”

“Eh di kunwari, ako iyong bago mong syota!…Hehe…”ngingisi-ngisi kong sagot sa kanya…..

ITUTULOY……..

 
YouPorn